"sUMUNOD SA DIYOS KAGAYANG BANAL NA SANTA MARIA AT
PANGINOONG JESU-CRISTO"
"Paglapit
ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, kanyang binati ito. " Matuwa ka!
Ikaw ay kalugod lugod sa Diyos," wikaniya. " Sumasaiyo ang Panginoon!
Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya'y
pangnganlan mong Jesus. "Paanong mangyayri ito, gayong ako'y dalaga?"
tanong ni Maria. Sumabot ang anghel, " Bababa sa iyo ang Espiritu
SAnto, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kayat banal
ang ipapangank mo at tatawaging Anak ng Diyos." Sumabot si Maria,
"Ako'y alipin ng Panginoon Mangyari sa akin ang iyong sinabi." AT
nilisan ng anghel." Lucas 1:28, 31, 34, 38
"Sapagka't
ako'y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi
ang kalooban ng nagsugo sa akin. At ito ang kanyang kalooban: huwag
kong pabayaan mawala kahit isa sa mga ibinigay niya sakin, kundi muling
buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama:
ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkakaroon ng buhay na
walang hanggan. at Sila'y muli kong bbubuhayin sa huling araw." Juan 6:38-40
"Ang
mula sa Diyos ay nakikinig ng salita ng Diyos. Ngunit hindi kayo mula
sa Diyos kaya hindi ninyo pinakikinggan ang salita ng Diyos." Juan 8:47
"Kung
tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa ak8ng pag-ibig;
tulad ko, tinuoad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa
kanyang pag-ibig." Juan 15:10
"Magpakababa
akyo tulad ni Cristo: Na bagama't siyay Diyos, hindi nagpilit na
manatiling kapantay ng Diyos, Bagkus hinubad niya ang lahat ng
katantgian ng pagka=Diyos, nagkatawang tao at namuhay bilang isang
alipin. Nang maging tao, siya'y nagpakababa at naging masunurin
hanggang kamataya n, oo, hanggang kamatayan sa krus. " Filipos 2:5-8
"Bagama't
siya'y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod
sa pamamagitan ng pagtiis. At nang maganap na niya ito, siya'y naging
walang hanggang Tagapagligtas ng lahatn sumunod sa kanya." Hebreo 5:8-9
"Ang
pagtitis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos' sapagkat
nang si Crsito ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng
halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o
nagsinungaling kailanamn." 1Pedro 2:21
Lucas
Chapter 1:26-38
Ipinahayag ang Panganganak
kay Jesus
1
26 Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel na
si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea,
upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay
nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David.
28 Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay
lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” 29 Naguluhan
si Maria sa sinabi ng angel at inisip niyang mabuti kung ano ang
kahulugan ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang
matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig
ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at
siya'y papangalanan mong Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging
Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang
trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob
magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.”
34
“Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria.
35 Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka
sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang
mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36 Hindi ba't ang kamag-anak
mong si Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na
buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, 37
sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” 38
Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang
iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.
Juan
Chapter 6:25-59
Si Jesus and Pagkaing
nagbibigay buhay
6 25 Nang makita nila si Jesus sa ibayo ng lawa, siya'y tinanong nila,
“Guro, kailan pa kayo rito?” 26 Sumagot si Jesus, “Totoo ang sinasabi
kong ito: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo,
kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. 27 Huwag ang pagkaing
nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi
nasisira na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa
inyo ng Anak ng Tao, sapagkat ipinapakita ng Diyos Ama na siya ang may
ganitong karapatan.” 28 Kaya't siya'y tinanong nila, “Ano po ang dapat
naming gawin upang aming matupad ang ipinapagawa ng Diyos?” 29 “Ito ang
ipinapagawa sa inyo ng Diyos, sumampalataya kayo sa sinugo niya,” tugon
ni Jesus. 30 “Ano pong himala ang maipapakita ninyo upang sumampalataya
kami sa inyo? Ano po ang inyong gagawin? 31 Ang aming mga ninuno ay
kumain ng manna sa ilang; ayon sa nasusulat, ‘Sila'y binigyan niya ng
tinapay na galing sa langit,’” sabi nila. 32 Sumagot si Jesus,
“Pakatandaan ninyo: hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na
galing sa langit. Ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na
tinapay na galing sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay na galing sa Diyos
ay ang bumabâ mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sangkatauhan.” 34
Sumagot sila, “Ginoo, bigyan po ninyo kaming lagi ng tinapay na ito.” 35
Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay
hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na
mauuhaw kailanman.
36
Ngunit sinabi ko na sa inyo, nakita na ninyo ako, ngunit hindi pa rin
kayo sumasampalataya sa akin. 37 Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay
sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang
lumalapit sa akin. 38 Ako'y bumabâ mula sa langit, hindi upang gawin ang
sarili kong kalooban, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin. 39 At
ito ang kanyang kalooban: ang huwag kong hayaang mapahamak ang kahit
sinuman sa mga ibinigay niya sa akin, kundi ang buhayin ko silang muli
sa huling araw. 40 Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng
nakakakita sa Anak at sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na
walang hanggan. At sila'y muli kong bubuhayin sa huling araw.”
41
Nagbulung-bulungan ang mga Judio dahil sa sinabi niyang, “Ako ang
tinapay na bumabâ mula sa langit.” 42 Sinabi nila, “Hindi ba ito si
Jesus na anak ni Jose? Kilala natin ang kanyang ama't ina. Paano niya
masasabi ngayong bumabâ siya mula sa langit?” 43 Kaya't sinabi ni Jesus,
“Tigilan ninyo ang inyong bulung-bulungan. 44 Walang makakalapit sa
akin malibang dalhin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin. At ang
lumalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw. 45 Nasusulat sa
aklat ng mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’ Ang bawat
nakikinig sa Ama at natututo sa kanya ay lumalapit sa akin. 46 Hindi
ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama; ang nagmula sa Diyos ang
tanging nakakita sa Ama.
47
Pakatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang
hanggan. 48 Ako ang tinapay ng buhay. 49 Kumain ng manna ang inyong mga
ninuno nang sila'y nasa ilang, ngunit sila'y namatay. 50 Narito ang
tinapay na bumabâ mula sa langit upang ang sinumang kumain nito ay hindi
na mamatay. 51 Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumabâ mula
sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na
ito. At ang tinapay na ibibigay ko upang mabuhay ang sanlibutan ay ang
aking laman.”
52
Dahil dito'y nagtalu-talo ang mga Judio, “Paanong maibibigay sa atin ng
taong ito ang kanyang laman upang makain natin?” 53 Sinabi ni Jesus,
“Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at
inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. 54 Ang
kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang
hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. 55 Sapagkat ang
aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa
akin, at ako naman sa kanya. 57 Isinugo ako ng buháy na Ama at ako'y
nabubuhay dahil sa kanya. Gayundin naman, ang sinumang kumakain sa akin
ay mabubuhay dahil sa akin. 58 Ito ang tinapay na bumabâ mula sa langit.
Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga ninuno sa ilang; namatay sila
kahit na kumain niyon. Ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay
magpakailanman.” 59 Sinabi ito ni Jesus sa sinagoga habang siya'y
nagtuturo sa Capernaum.
Juan
Chapter 8:39-47
Diablo ang inyong Ama
8 39 Sumagot sila, “Si Abraham ang aming ama.” Sinabi sa kanila ni
Jesus, “Kung kayo'y tunay na mga anak ni Abraham, gagawin sana ninyo ang
kanyang ginawa. 40 Sinasabi ko lang ang katotohanang narinig ko mula sa
Diyos ngunit pinagsisikapan ninyong ako'y patayin. Hindi ganoon ang
ginawa ni Abraham. 41 Ang ginagawa ninyo'y tulad ng ginawa ng inyong
ama.” Sumagot sila, “Hindi kami mga anak sa labas. Iisa ang aming Ama,
ang Diyos.” 42 Sinabi ni Jesus, “Kung talagang ang Diyos ang inyong Ama,
inibig sana ninyo ako, sapagkat sa Diyos ako nanggaling. Hindi ako
naparito sa sarili kong kagustuhan, kundi isinugo niya ako. 43 Bakit di
ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Hindi ba't ito'y dahil sa ayaw ninyong
tanggapin ang itinuturo ko?
44
Ang diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang
gusto niya. Sa simula pa lang ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya
pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang
katotohanan. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya
ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya'y sinungaling, at siya ang ama
ng kasinungalingan. 45 Ayaw ninyong maniwala sa akin sapagkat
katotohanan ang sinasabi ko sa inyo. 46 Sino sa inyo ang maaaring
magpatunay na ako'y nagkasala? At kung katotohanan ang sinasabi ko,
bakit ayaw ninyong maniwala sa akin? 47 Ang mula sa Diyos ay nakikinig
sa mga salita ng Diyos, subalit ayaw ninyong makinig sa akin sapagkat
kayo'y hindi mula sa Diyos.
Juan
Chapter 15:1-17
Ang Tunay na Puno
ng Ubas
15 1 “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
2 Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang
pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa
nang lalong sagana. 3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi
ko sa inyo. 4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi
magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi
kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin. 5 “Ako ang puno ng
ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang
siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung
kayo'y hiwalay sa akin. 6 Ang hindi nananatili sa akin, gaya ng sanga ay
itinatapon at natutuyo. Ang ganoong mga sanga ay tinitipon, inihahagis
sa apoy at nasusunog. 7 Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa
inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at
matutupad iyon para sa inyo.
8
Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga at sa
gayon kayo'y magiging mga alagad ko. 9 Kung paanong inibig ako ng Ama,
gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. 10
Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking
pag-ibig, kung paanong tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y
nananatili sa kanyang pag-ibig.
11
“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan
ko at nang sa gayon ay malubos ang inyong kagalakan. 12 Ito ang aking
utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Ang
pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang
mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila. 14 Kayo'y
mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos. 15 Hindi ko na
kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang
ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga
kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking
Ama. 16 Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang
ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa
gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay
sa inyo. 17 Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”
Filipos
Chapter 2:1-11
Ang Halimbawang
Iniwan ni Cristo
2
1 Kaya nga, yamang mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong
kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong
kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, 2 lubusin ninyo ang
aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa
iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. 3 Huwag kayong gumawa
ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang
tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga
sarili. 4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang
sa inyong sarili. 5 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay
Cristo Jesus.
6 Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
7
Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at
namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao. At nang siya'y
maging tao,
8 nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.
9 Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
10
Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng
nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. 11 At ang lahat ay
magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos
Ama.
Hebreo
Chapter 5:1-10
Si Jesus ang Daki;ang saserdote
5
1 Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa
ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang
nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. 2
Mahinahon niyang napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng
landas, sapagkat siya'y mahina ring tulad nila. 3 At dahil sa kanyang
kahinaan, kinakailangang siya'y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa
kasalanan ng iba, kundi para rin sa kanyang mga kasalanan. 4 Ang
karangalan ng pagiging pinakapunong pari ay hindi maaaring makuha
ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang pumipili sa kanya,
tulad ng pagkapili kay Aaron.
5
Gayundin naman, hindi itinaas ni Cristo ang kanyang sarili upang maging
Pinakapunong Pari. Siya'y pinili ng Diyos na nagsabi sa kanya, “Ikaw
ang aking Anak, mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.” 6 Sinabi rin niya sa
ibang bahagi ng kasulatan, “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa
pagkapari ni Melquisedec.” 7 Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa
lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na
makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil
lubusan siyang nagpakumbaba. 8 Kahit na siya'y Anak ng Diyos, natutunan
niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. 9
At nang siya'y maging ganap, siya ang naging sanhi upang magkamit ng
walang hanggang kaligtasan ang lahat ng mga masunurin sa kanya. 10
Ginawa siya ng Diyos na Pinakapunong Pari ayon sa pagkapari ni
Melquisedec.
1Pedro
Chapter 2:18-25
Tularan ang Paghihirap ni Cristo
2
18 Mga alipin, magpasakop kayo sa inyong mga amo at igalang ninyo sila,
hindi lamang ang mababait at mapagbigay kundi pati ang malulupit. 19
Sapagkat kapuri-puri ang nagtitiis ng parusa kahit walang kasalanan,
bilang pagsang-ayon sa kalooban ng Diyos. 20 Maipagmamalaki ba ang
magtiis ng parusa kung ito ay dahil sa paggawa ng masama? Hindi! Ngunit
kung magtiis kayo ng hirap sa kabila ng paggawa ninyo ng mabuti,
pagpapalain kayo ng Diyos. 21 Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng
pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa
inyo, nag-iwan siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na
tularan.
No comments:
Post a Comment