
THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
 
 
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates NOVEMBER  19,  2023
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Sinimula ni Jesus ang kanyang 
Gawain sa Judea  Mateo Chapter 4:12-17
 Ang Pagtawag kay Levi  Lucas Chapter 5:27-32
Ibigin ang mga Kaaway Lucas Chapter 6:27-36Mga SAnhi ng Pagkakasala  Lucas Chapter 17:1-4 
 
  
 
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD 
UMIIRAL ANG KAPAYAPAAN AT 
PAGKAKASUNDO SUNDO
KUNG MAY PAGSISI AT PAGBABAGO 
AT PAGPAPATAWAD  
 
"Magmula
 nuon ay nangaral na si Jesus na ang wika, "Pagsisihan ninyo't talikdan 
ang inyong mga kasalanan sapagka't malapit nang maghari ang Diyos."  Mateo 4:17
 
 
 "Sinagot sila ni Jesus, "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang 
walang sakit kundi ang may sakit.  Naparito ako, hindiupang tawagin ang 
mga matuwid kundi ang mga makasalanan upang magsisi." Lucas 5:31-32
 
"Maging mahabagin kayo gaya ng Ama."  Lucas 6:36 
 
 "Sinasabi
 ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Hindi mawawala kahit kailan ang mga 
sanhi ng pagkakasala; ngunit kahit kailan ang mga sanhi ng pagkakasala; 
ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito!  
Kaya magiingat kayo! "Kung magkasala ang mga kapatid mo, pagsabihan mo, 
at kung siya'y magsisi, patawarin mo."  Lucas 17:1, 3 
 
Mateo
Chapter 4:12-17
Sinimula ni Jesus ang kanyang 
Gawain sa Judea
 4  12 Nang mabalitaan ni Jesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa 
Galilea. 13 Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan, kundi sa bayan ng
 Capernaum na nasa baybayin ng Lawa ng Galilea na sakop ng Zebulun at 
Neftali. 14 Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, 15 “Lupain 
ng Zebulun at lupain ng Neftali, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng 
Jordan, sa Galilea ng mga Hentil! 16 Ang mga taong nasa kadiliman ay 
nakakita ng maningning na ilaw! Sa mga nakatira sa lilim ng kamatayan ay
 sumikat ang liwanag.” 17 Magmula noon ay nangaral si Jesus. Itinuturo 
niyang, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat 
malapit nang dumating ang kaharian ng langit.”
 
 
Lucas
Chapter 5:27-32
Ang Pagtawag kay Levi 
 
 5 27 Pagkatapos nito'y lumabas si Jesus at nakita niya si Levi, isang 
maniningil ng buwis, na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi sa kanya 
ni Jesus, “Sumunod ka sa akin.” 28 Tumayo nga si Levi, iniwan ang lahat,
 at sumunod kay Jesus. 29 Si Jesus ay hinandugan ni Levi ng isang 
malaking handaan sa kanyang bahay. Kasalo niya roon ang maraming 
maniningil ng buwis at iba pang mga tao. 30 Kaya't nagbulung-bulungan 
ang mga Pariseo at ang mga kasamahan nilang tagapagturo ng Kautusan. 
Sinabi nila sa mga alagad ni Jesus, “Bakit kayo kumakain at umiinom na 
kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?” 31 Sinagot 
sila ni Jesus, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit 
kundi ang maysakit. 32 Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid,
 kundi ang mga makasalanan upang sila'y magsisi.”
 
 
Lucas
Chapter 6:27-36
Ibigin ang mga Kaaway
6 
 27 “Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo 
ang inyong mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo. 28 
Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi 
sa inyo. 29 Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila.
 Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit. 30
 Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong 
ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. 31 Gawin ninyo sa 
inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. 
 
32
 “Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, anong 
pagpapala ang nararapat sa inyo? Ang mga makasalanan man ay nagmamahal 
din sa mga nagmamahal sa kanila. 33 Kung ang mga gumagawa lamang ng 
mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang 
nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan! 34 At
 kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, anong pagpapala ang 
nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa
 nila masama, sa pag-asang sila'y mababayaran. 35 Sa halip, mahalin 
ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. 
Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking
 gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng 
Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga
 hindi marunong magpasalamat. 36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong 
Ama na mahabagin.”
LucasChapter 17:1-4
Mga SAnhi ng Pagkakasala
 
17
 1 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tiyak na darating ang mga 
sanhi ng pagkakasala; ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong 
panggagalingan niyon! 2 Mabuti pa sa kanya ang bitinan sa leeg ng isang 
gilingang-bato at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng 
sinuman sa mga maliliit na ito. 3 Kaya't mag-ingat kayo! “Kung magkasala
 sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin
 mo. 4 Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong 
ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo 
siyang patawarin.” 
  
 THE WISDOM BOOKS AND  EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 1-3
Humable Trust in God 
131
 1 Panginoon, hindi hambog ang aking puso, ni mayabang man ang aking mga
 mata; ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay, o sa mga bagay na 
totoong kagilagilalas sa akin. 2 Tunay na aking itiniwasay at itinahimik
 ang aking kaluluwa; parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina, 
ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso. 3 Oh Israel, umasa
 ka sa Panginoon mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
 
 
 FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
--------------------------------------------------------------------------
   
EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
 pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong 
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. 
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
 kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
 inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and 
Bible lights us all with the lights and 
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
 
No comments:
Post a Comment