1 46 At sinabi ni Maria, “Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, 47 at
ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, 48
sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang
lahat ng tao'y tatawagin akong pinagpala; 49 dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Banal ang kanyang pangalan! 50
Ang kanyang kahabagan ay para sa lahat ng salinlahing may takot sa
kanya. 51 Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, nilito niya ang
mga may palalong isip. 52 Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may
kapangyarihan, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. 53 Pinasagana
niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad, at pinaalis nang walang
dalang anuman ang mga mayayaman. 54 Tinulungan niya ang Israel na
kanyang lingkod, at hindi niya kinalimutang kahabagan ito. 55 Tulad ng
kanyang ipinangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa lahi nito,
magpakailanman!”
56 Nanatili si Maria kina Elizabeth nang may tatlong buwan bago siya umuwi.
1Corinto
Chapter 14:26-40
Gawing may Kaayusan ang
Lahat ng mga Bagay
14 26 Ganito ang ibig kong sabihin, mga kapatid. Kung sa inyong
pagtitipon ay may umaawit, may nagtuturo, may naghahayag ng kalooban ng
Diyos, may nagsasalita sa iba't ibang mga wika, at mayroon namang
nagpapaliwanag noon, gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng
iglesya. 27 Kung may magsasalita sa iba't ibang mga wika, sapat na ang
dalawa o tatlo, salit-salitan sila, at kailangang may magpapaliwanag ng
kanilang sinasabi. 28 Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na
lamang ang bawat isa at makipag-usap nang sarilinan sa Diyos. 29 Hayaang
magsalita ang dalawa o tatlong tao na tumanggap ng kaloob na
makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos, at timbangin naman ng iba ang
mga sinasabi nila. 30 At kung ang isa sa mga nakaupo roon ay tumanggap
ng pahayag mula sa Diyos, tumigil muna ang nagsasalita. 31 Sapagkat
kayong lahat ay maaaring isa-isang magsalita ng mensahe mula sa Diyos,
upang matuto at mapalakas ang loob ng lahat. 32 Ang kaloob na
pagsasalita ng mensahe mula sa Diyos ay dapat napipigil ng mga tumanggap
ng kaloob na iyon,
33
sapagkat ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan kundi ng kapayapaan.
Gaya ng dapat mangyari sa lahat ng iglesya ng mga hinirang ng Diyos, 34
ang mga babae ay kailangang manahimik sa mga pagtitipon sa iglesya.
Sapagkat hindi ipinapahintulot sa kanila sa ganoong mga pagtitipon ang
magsalita; kailangang sila'y pasakop, gaya ng sinasabi ng Kautusan. 35
Kung mayroon silang nais malaman, magtanong sila sa kanilang asawa
pagdating nila sa bahay; sapagkat kahiya-hiyang magsalita ang isang
babae sa loob ng iglesya.
36
Inaakala ba ninyong sa inyo nagmula ang salita ng Diyos, o kayo lamang
ang tumanggap nito? 37 Kung inaakala ninuman na siya'y propeta, o
mayroong espirituwal na kaloob, dapat niyang kilalanin na ang isinusulat
ko sa inyo ay utos ng Panginoon. 38 Ang ayaw kumilala nito ay huwag din
ninyong kilalanin. 39 Kaya, mga kapatid ko, hangarín ninyo na
makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos, ngunit huwag naman ninyong
ipagbawal ang pagsasalita sa iba't ibang mga wika. 40 Kaya lang, gawin
ninyo ang lahat ng bagay sa wasto at maayos na paraan.
Galacia
Chapter 5:1-15
Manatiling Malaya
5 1 Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag
kayo at huwag nang paalipin pang muli! 2 Akong si Pablo ang nagsasabi sa
inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo. 3 Binabalaan
ko ang lahat ng taong nagpapatuli, tungkulin nilang sumunod sa buong
Kautusan. 4 Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng
pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at
napalayo kayo sa kagandahang-loob ng Diyos. 5 Kami'y umaasa na magiging
matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y sa kapangyarihan ng
Espiritu. 6 Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga
kung ang isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang
gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig.
7
Maganda na sana ang inyong pagtakbo. Sino ang humarang sa inyong
pagsunod sa katotohanan? 8 Hindi kayo hihikayatin ng ganyan ng Diyos na
tumawag sa inyo. 9 Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang
buong masa ng harina.” 10 Naniniwala akong sasang-ayon kayo sa akin sa
bagay na ito, dahil sa ating kaugnayan sa Panginoon. At natitiyak kong
paparusahan ng Diyos ang sinumang nanggugulo sa inyo. 11 Mga kapatid,
kung talagang nangangaral pa ako na kailangan ang pagtutuli, bakit pa
ako inuusig hanggang ngayon? Kung iyo'y totoo, hindi na sana nila
ikinagagalit ang aking pangangaral tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa
krus. 12 At ang mga nanggugulo sa inyo ay huwag lamang patuli kundi
tuluyan na nilang putulan ang sarili nila.
13
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman
ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman,
kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. 14 Sapagkat ang
buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong
kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 15 Ngunit kung kayo'y
nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka
tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.
Efeso
Chapter 2:11-22
Pinapaging - isa kay Cristo
2 11 Kaya't alalahanin ninyo ang dati ninyong kalagayan. Kayo'y
ipinanganak na mga Hentil, at “di-tuli” ang tawag sa inyo ng mga Judio.
Ang mga Judio naman ay tinatawag na mga “tuli” dahil sa ginagawa sa
kanilang katawan. 12 Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi
kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga
pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo nang walang pag-asa at
walang Diyos. 13 Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo
Jesus, kayo na dati'y malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni
Cristo. 14 Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan
dahil pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga Hentil. Sa pamamagitan ng
kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na naghihiwalay sa
atin. 15 Pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga
alituntunin nito upang mula sa dalawang lahi ay makalikha siya ng isang
bagong bayan na nakipag-isa sa kanya at sa gayon ay magkaroon ng
kapayapaan. 16 Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan
niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa
iisang katawan. 17 Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat
ang Magandang Balita ng kapayapaan, sa inyong mga Hentil na noo'y
malalayo, at sa mga Judio na malalapit. 18 Dahil kay Cristo, tayong
lahat ay nakakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu.
19
Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga
kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.
20 Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga
apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus. 21
Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at
nagiging isang templo na nakatalaga sa Panginoon. 22 Dahil din sa
inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay sama-samang itinatayo bilang
tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 67:1-7
Harvest Thanks and Petition
67
1 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya
ang kaniyang mukha sa amin; (Selah) 2 Upang ang iyong daan ay maalaman
sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa. 3
Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan. 4 Oh
mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong
hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga
bansa sa lupa. (Selah) 5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng
lahat ng mga bayan. 6 Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang
sarili naming Dios ay pagpapalain kami. 7 Pagpapalain kami ng Dios: at
lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
--------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment