TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"PAGSUBOK NG DIYOS
AT MENSAHE SA PANAHON NG SAKUNA
AT KAPIGHATIAN"
"Sapagkat
kayo'y sumasampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos
samanatlalang hhinihintay ninyo ang kaligtasang nakalaang ihayag sa
katapusan ng mga panajon. Ito'y dapat ninyong ikagalak, bagamat maaring
magdanas muna kayo ng ibat ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. "
1Pedro 1:5-6
Mga
minamahal, huwag ninyong pagtakhan at ituring na di pangkaraniwan ang
mabibigat ng pagsubok na inyong dinaranas. Sa halip, magalak kayo sa
inyong pakikihati sa mga hirap ni Cristo, at magiging lubos ang inyong
kagalakan kapag nahayag na ang kanyakang kadakilaan." 1Pedro 4:12-13
"Mga
kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng ibat ibang pagsubok,
sapagkat alam ninyo lalong magiging matatag ang inyong pananampalataya
matapos ninyong pagtabumpayan ang mga pagsubok na ito. " Santiago 1:2
"Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, "Maliligtas ang lahat ng tumawag sa pangalan ng Panginoon. " Roma 10:13
"Kaya
ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong
pangangailangan upang may magamit kayo sa pagkakawang gawa. " Ang bukas
palad ninyong pagbibigay ay magpapatunay sa kanila na matapat ninyong
tinalima ang Mabuting Balita ni Cristo. Dahil diyan magpupuri sila sa
Diyos." 2Corinto 9:8, 13
"At
sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: "Kayat sinasabi ko sa inyo huwag
kaong mabagabag tungkol sa pagkain na kailangan upang mabuhay, o
tungkol sa pagkain na kailangan upang mabuhay, o tungkol sa damit na
itatakip sa katawan. Sapagkat ang buhay ay higit na mahalaga kaysa
pagkain, at ang katawan kasya pananamit." Lucas 12:22-23
1Pedro
Chapter 1:3-12
Malaki ang ating Pag-asa
1
3 Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang
panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito
ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa 4 na magmamana tayo ng
kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng
Diyos sa langit para sa inyo. 5 Sa pamamagitan ng inyong
pananampalataya, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang
hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng
panahon.
6
Ito'y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng
iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. 7 Ang ginto, bagama't
nasisira, ay pinapadaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay.
Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa
ginto, ay sinusubok upang malaman kung ito'y talagang tapat. Sa gayon
kayo'y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si
Jesu-Cristo. 8 Hindi ninyo siya nakita ngunit siya'y inibig ninyo. Hindi
pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, ngunit sumasampalataya kayo
sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di
kayang ilarawan sa salita, 9 sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng
inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong buhay.
10
Tungkol sa kaligtasang ito masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga
propetang nagpahayag tungkol sa pagpapalang nakalaan sa inyo. 11 Sinuri
nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy
ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang unang ipahayag nito ang hirap
na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya. 12 Nang
kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng
Diyos na ang ginagawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa kanila. Ang
mga katotohanang ito'y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng
Magandang Balita sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo mula sa
langit. Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga
katotohanang ito.
1Pedro
Chapter 4:12-19
Ang Pagtitis ng Cristiano
4
12 Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na
inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan. 13 Sa halip,
magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang
maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kanyang
kaluwalhatian. 14 Pinagpala kayo kung kayo'y kinukutya dahil kay Cristo,
sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng
Diyos. 15 Huwag nawang mangyaring magdusa ang sinuman sa inyo dahil
siya'y mamamatay-tao, magnanakaw, salarin o pakialamero. 16 Ngunit kung
kayo'y magdusa dahil sa pagiging Cristiano, huwag ninyong ikahiya ito;
sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan
ni Cristo.
17
Dumating na ang panahon ng paghuhukom, at ito'y magsisimula sa
sambahayan ng Diyos. At kung sa atin ito magsisimula, ano kaya ang
magiging wakas ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos? 18
Tulad ng sinasabi ng kasulatan, “Kung ang taong matuwid ay napakahirap
maligtas, ano kaya ang kahihinatnan ng mga makasalanan at hindi
kumikilala sa Diyos?”
19
Kaya nga, ang mga nagdurusa ayon sa kalooban ng Diyos ay dapat
magtiwala sa Lumikha, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang Diyos ay
laging tapat sa kanyang pangako.
Santiago
Chapter 1:2-7
Pananampalataya at Karunungan
1
1 Mula kay Santiago, lingkod ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo:
Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa lahat ng mga hinirang ng Diyos na
nakikipamayan sa iba't ibang bansa. 2 Mga kapatid, magalak kayo kapag
kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman
na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga
pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y
maging ganap at walang pagkukulang. 5 Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay
kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan,
sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat. 6
Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag
mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na
itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman
mula sa Panginoon ang taong 8
Roma
Chapter 10:5-21
Ang Kaligtasan ay Para sa Lahat
10
5 Ganito ang isinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa
Kautusan, “Ang tumutupad sa Kautusan ay mabubuhay ayon dito.” 6 Ngunit
ganito naman ang sinasabi tungkol sa pagiging matuwid batay sa
pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat
sa langit?’” upang pababain si Cristo. 7 “Huwag mo ring sabihin, ‘Sino
ang bababâ sa kailaliman?’” upang muling buhayin si Cristo.
8
Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong
bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang
ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya. 9 Kung ipahahayag ng
iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na
siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10 Sapagkat
sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay
itinuturing na matuwid ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan
ng kanyang bibig at sa gayon ay naliligtas. 11 Sinabi nga ng kasulatan,
“Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Kaya't
walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon
ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa
kanya, 13 dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng
tumatawag sa pangalan ng Panginoon.” 14 Paano naman sila tatawag sa
kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung
wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila
makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? 15 At paanong
makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat,
“O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang
Balita!” 16 Ngunit hindi lahat ay sumunod sa Magandang Balita, gaya ng
sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita?” 17
Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig
naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
18
Subalit ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila'y
nakapakinig! Sapagkat nasusulat, “Abot sa lahat ng dako ang kanilang
tinig, ang sinasabi nila'y nakarating hanggang sa dulo ng daigdig.”
19
Ito pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel?
Noon pa man ay sinabi na ni Moises, “Gagamitin ko ang mga taong di man
lamang isang bansa upang kayo'y inggitin, gagamitin ko ang isang bansang
hangal upang kayo'y galitin.”
20
Buong tapang namang ipinahayag ni Isaias, “Natagpuan ako ng mga hindi
naghanap sa akin. Nagpahayag ako sa mga hindi nag-usisa tungkol sa
akin.”
21 Subalit tungkol naman sa Israel ay sinabi niya, “Buong maghapon akong nanawagan sa isang suwail at mapaghimagsik na bayan!”
2Corinto
Chapter 9:1-15
Tulong sa mga Kapatid
9
1 Hindi na kailangang sumulat pa ako sa inyo tungkol sa pagtulong sa
mga kapatid sa iglesya. 2 Alam kong handa na kayong tumulong, kaya't
ipinagmamalaki ko kayo sa mga taga-Macedonia. Ang sabi ko'y handa na
kayong mga taga-Acaya noon pang nakaraang taon, at dahil dito'y lalo
silang sumigla sa pagtulong. 3 Kaya't pinapapunta ko riyan ang mga
kapatid na ito upang mapatunayang tama ang aming pagmamalaki tungkol sa
inyo, at nang maihanda na ninyo ang inyong tulong, gaya ng sinabi ko. 4
Kung hindi, kung may mga taga-Macedonia na sumama sa akin at makita
nilang hindi pala kayo handa, baka mapahiya ako at pati kayo. 5 Kaya't
pinakiusapan ko ang mga kapatid na mauna riyan, upang maihanda ang
tulong na ipinangako ninyo. Sa gayon, makikita na talagang kusang-loob
ang pagbibigay ninyo at hindi sapilitan. 6 Ito ang ibig kong sabihin:
ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim ng
marami ay aani ng marami. 7 Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa
kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, sapagkat
iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may kagalakan. 8 Magagawa ng Diyos
na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong
pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa.
9
Tulad ng nasusulat, “Siya'y masaganang nagbibigay sa mga dukha; ang
kanyang kabutihan ay walang hanggan.” 10 Ang Diyos na nagbibigay ng
binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa
inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong
kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas
marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat
sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila. 12 Ang
paglilingkod ninyo upang tumulong sa mga kapatid ay hindi lamang
makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng
nag-uumapaw na pagpapasalamat nila sa Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong
pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat
ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri
sila sa Diyos. 14 Kaya't buong pagmamahal nila kayong ipapanalangin,
dahil sa di-masukat na kagandahang-loob ng Diyos sa inyo. 15 Salamat sa
Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!
Lucas
No comments:
Post a Comment