TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
“MAGKAISA SA MABUTI
AT HINDI SA KASAMAAN”
HUWAG MAKIISA SA DEMONYO AT
TAONG LIKO LIKO
ANG PAIISIP"
"Datapwa't
matinding galit at poot ang babagsak sa mga lumilikha ng
pagkakabaha-bahagi at ayaw sumunod sa katotohan kundi sa kalikuan.
Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama,
una, ang mga Judio at gayon din ang mga Griego. Ngunit karangalan,
kapurihan at kapayapaan ang tatamuhin ng bawat gumagawa ng mabuti, una,
ang mga Judio at gayon din ang mga Griego. " Roma 2:8
"Magkaisa
kayo ng loobin. Huwag kayong magmataas, kundi makisama sa mga aba.
Huwa ninyong ipalagay ang inyong sarili na napakarunong. " "Hanggat
maari makisama kayong mabuti sa lahat ng tao." Roma 12:16, 18
"Ang
mga pinuno ay dapat katakutan ng gumagawa ng masama; ngunit wala namang
dapat ikatakot sa kanila ang gumagawa ng mabuti. Ibig mo bang huwag
matakot sa mga namumuno? Gumawa ka ng mabuti, at papupurihan ka nila.
Sila'y ,mga lingkod ng Diyos sa ikakabuti mo, sapagkat sila'y talagang
may kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos at magpaparusa
sa mga gumagawa ng masama. Kaya dapat kayong pasakop hindi lamang
upang maiwasan ang poot ng Diyos kundi dahil sa iyon ang matuwid." Roma
13:3-5
"Mamuhay
tayong marangal at huwag gugulin ang panahon sa paglalasing at magulong
pagsasaya, sa pagpapakasawa sa pita ng laman at kahalayan, sa alitan at
inggitan. Ang Panginoong Jesu Cristo ang paghariin ninyo sa inyong
buhay at huwag paglaanan ang laman upang bigyang kasiyahan ang mga nasa
nito." Roma 13:13-14
"Kaya't
dapat nang mawala sa inyo ang mga pitang makalaman: pangangalunya,
kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, at ang
pagiimbot na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyusan. Dahil sa mga bagay
na ito, ang Diyos ay napopoot sa mga taong lumalabag sa kanyang
kalooban." Colosas 3:5-6
"At higit sa lahat, magibigan kayo pagkat ito ang buklod ng ganap na pagkakaisa." Colosas 3:14
Roma
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak. 9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Roma
Chapter 13:1-7
Tungkulin sa mga Pinuno
ng Bayan
13 1 Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan,
sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang
nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. 2 Kaya nga, ang lumalaban sa
pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa
parusa. 3 Ang mga pinuno ay hindi
dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng
masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa
ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. 4 Sila'y mga lingkod ng Diyos
para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang
matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng
Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. 5 Kaya nga, dapat
kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo maparusahan,
kundi alang-alang na rin sa inyong budhi.
6
Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga
pinuno ng pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos at ito ang kanilang
tungkulin. 7 Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad
kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan;
igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat
parangalan.
Roma
Chapter 13:8-14
Tungkulin sa Kapwa
13
8 Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y
magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad
na sa Kautusan. 9 Ang mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag
kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin
ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing
lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa
iyong sarili.” 10 Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman,
kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.
11
Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang
pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y
unang sumampalataya sa Panginoon. 12 Namamaalam na ang gabi at malapit
nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at
italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti. 13 Mamuhay tayo sa
liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at
paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. 14 Gawin
ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong
pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.
Colosas
Chapter 3:1-17
Ang Dati at Bagong Buhay
3
1 Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang
inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo,
na nakaupo sa kanan ng Diyos. 2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip
ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, 3 sapagkat namatay na kayo at ang
inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo. 4 Si Cristo ang
inyong buhay, at kapag siya'y nahayag na, mahahayag din kayong kasama
niya at makakahati sa kanyang kaluwalhatian. 5 Kaya't patayin na ninyo
ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na
simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri
ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6 Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng
Diyos [ang mga taong ayaw pasakop sa kanya]. 7 Kayo man ay namuhay din
ayon sa mga pagnanasang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.
8
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng
loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwag
kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati
ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuot ninyo ang bagong
pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na
lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya't sa
kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli
at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang
malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa
inyong lahat.
12
Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para
sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba,
mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may
hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo
ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na
siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo
sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang
dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong
lagi. 16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa
inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong
karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga
awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang
inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng
Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos
Ama. 18
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 53:1-6
A lament over Wide Spread
Corruptions
53
1 Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios. Nangapahamak sila,
at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan; walang gumawa ng mabuti. 2
Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tignan
kung may sinomang nakakaunawa, na humanap sa Dios. 3 Bawa't isa sa
kanila ay tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay; walang
gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa. 4 Wala bang kaalaman ang mga
manggagawa ng kasamaan? na siyang kumakain ng aking bayan na tila
kumakain ng tinapay, at hindi nagsisitawag sa Dios. 5 Doo'y nangapasa
malaking katakutan sila na hindi kinaroroonan ng takot: sapagka't
pinangalat ng Dios ang mga buto niya na humahantong laban sa iyo; iyong
inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios. 6 Oh kung
ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion. Pagka ibabalik ng Dios ang
nangabihag ng kaniyang bayan, magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang
Israel.
No comments:
Post a Comment