TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MAGING MATAPAT SA
TUNGKULIN AT PAGPAPAIRAL NG
HUSTISYA"
"IBIBIGAY NG DIYOS ANG HUSTISYA
SA MGA NANALIG SA KANYA"
"Ngunit
kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, 'Matatagalan pa
bago, magbalik ang aking panginoon,' at sisimulang bugbugin ang kanyang
mga kapwa alipin, at mkaipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo.
Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at
sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng
panginoon, at isasama sa mga mapagimbabaw. Doo'y tatangis siya at
magngangalit ang kanyang nginpin . " Mateo 24:48-51
"Hindi
ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang ng dumaraing
sa kanya araw at gabi, bagama't tila nagtatagal iyon. " Lucas 18:7
"Huwag kang humatol sa ayonsa anyo ; humatol kayo ng matuwid."Juan 7:24
"Mga
minamahal, huwag kayong maghiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos.
Sapagkat nasusulat, ' Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng
Panginoon. Sa halip, "Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakanin mo; kung
nauuhaw painumin mo; gayon, mapaphiya siya sa kanyang sarili." HUwag
kang padaig sa masama, kundi daigin mo ang masama sa pamamagitan ng
mabuti." Roma 12:19-21
"Gawin
ninyo ang lahat ng bagay nang walang tutol at pagtatalo, upang kayo'y
maging ulirang mga anak ng Diyos malinis at walang kapintasan sa gitna
ng mga taong liko at masasama. sa gayon, kayo'y magsisilbing ilaw sa
kanila, tulad ng talang nagniningning sa kalangitan. " Filipos 2:14-16
"Mapalad
ang taong nanantiling tapat, sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat
matapos siyang subukin tatanggap siya ng putong, na walang iba kundi ang
buhay na ipinangako mng Panginoon sa mga umiibig sa kanya." Santiago 1:12
Mateo
Chapter 24:45-51
Ang Tapat at Di Tapat
na Alipin
24
45 “Sino ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba't ang pinamamahala ng
kanyang panginoon upang magpakain sa iba pang mga alipin sa takdang
oras? 46 Pinagpala ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na
naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon! 47 Sinasabi ko sa inyo,
gagawin siyang tagapamahala ng kanyang panginoon sa lahat ng mga
ari-arian nito. 48 Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya
sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon.’
49 Kaya't sisimulan niyang bugbugin ang kanyang kapwa alipin, at
makikipagkainan at makikipag-inuman sa mga lasenggo. 50 Babalik ang
panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na
hindi niya alam. 51 Bibigyan siya ng kanyang panginoon ng matinding
parusa, at pagkatapos ay isasama sa mga mapagkunwari. Doo'y tatangis
siya at magngangalit ang ngipin.”
Lucas
Chapter 18:1-8
Ang Talinghaga Tungkol sa
Babaing Balo at sa Hukom
18
1 Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na
dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. 2 Sinabi
niya, “Sa isang lungsod ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at
walang iginagalang na tao. 3 Sa lungsod ding iyon ay may isang biyuda.
Lagi siyang pumupunta sa hukom at sinasabi, ‘Bigyan po ninyo ako ng
katarungan sa aking usapin.’ 4 Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng
mahabang panahon, ngunit nang magtagal ay sinabi ng hukom sa sarili,
‘Kahit ako'y walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao, 5
ibibigay ko na ang katarungang hinihingi ng biyudang ito, sapagkat lagi
niya akong ginagambala at baka mainis pa ako sa kapupunta niya rito.’” 6
At nagpatuloy ang Panginoon, “Pakinggan ninyo ang sabi ng masamang
hukom na iyon. 7 Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa
kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y
paghihintayin niya nang matagal? 8 Sinasabi ko sa inyo, agad niyang
ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao,
may daratnan pa kaya siyang mga taong may pananampalataya?”
Juan
Chapter 7:10-24
Pumnta si Jesus sa Pista ng Tolda
7
10 Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Jesus ay palihim na pumunta rin
sa pista. 11 Hinahanap siya roon ng mga Judio. “Nasaan kaya siya?”
tanong nila. 12 Pabulong na pinag-uusapan siya ng marami. “Siya'y
mabuting tao,” sabi ng ilan. “Hindi, inililigaw niya ang mga tao,” sabi
naman ng iba. 13 Ngunit walang nangahas magsalita nang hayagan tungkol
sa kanya dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Judio.
14
Nang kalagitnaan na ng pista, pumasok si Jesus sa Templo at nagturo. 15
Nagtaka ang mga Judio at naitanong nila, “Saan kaya nakakuha ng
karunungan ang taong ito gayong hindi naman siya nakapag-aral?” 16
Kaya't sinabi ni Jesus, “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa
nagsugo sa akin. 17 Kung talagang nais ninumang sumunod sa kalooban ng
Diyos, malalaman niya kung ang itinuturo ko'y mula nga sa Diyos, o kung
ang sinasabi ko ay galing lamang sa akin. 18 Ang nagtuturo ng galing sa
sarili niya ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang taong
naghahangad na maparangalan ang nagsugo sa kanya ay tapat at hindi
nagsisinungaling. 19 Hindi ba't ibinigay sa inyo ni Moises ang Kautusan?
Bakit wala ni isa man sa inyo ang tumutupad nito? Bakit nais ninyo
akong patayin?” 20 Sumagot ang mga tao, “Sinasapian ka ng demonyo! Sino
ba ang gustong pumatay sa iyo?” 21 Sumagot si Jesus, “Isang bagay pa
lamang ang ginawa ko'y nagtataka na kayong lahat. 22 Ibinigay sa inyo ni
Moises ang utos tungkol sa pagtutuli bagaman hindi ito nagmula sa kanya
kundi sa inyong mga ninuno, at ginagawa ninyo ito kahit Araw ng
Pamamahinga. 23 Kung tinutuli ang isang sanggol na lalaki kahit Araw ng
Pamamahinga para masunod ang utos ni Moises, bakit kayo nagagalit sa
akin dahil nagpagaling ako ng isang tao sa Araw ng Pamamahinga? 24 Huwag kayong humatol batay sa anyo, kundi humatol kayo batay sa matuwid na pamantayan.”
RomaChapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak. 9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Fillipos
Chapter 2:12-18
Magliwanag Tulad ng Ilaw
2
12 Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong
ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y
malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan
nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, 13 sapagkat ang Diyos
ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang
kalooban.
14
Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang reklamo at pagtatalo, 15
upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang
kapintasan sa gitna ng sanlibutang baluktot at masama. Sa gayon,
magsisilbi kayong mga ilaw sa kanila, tulad ng mga bituing nagniningning
sa kalangitan, 16 habang ipinapahayag ninyo ang salitang
nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa Araw ni Cristo ay maipagmamalaki kong
hindi nawalan ng kabuluhan ang mga hirap at pagod ko sa inyo. 17 Kung
ang buhay ko ma'y ibuhos bilang handog para sa inyong paglilingkod at
pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa
inyo. 18 Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong
kagalakan.
Santiago
No comments:
Post a Comment