THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JULY 03, 2022
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Si Jesus and Ilaw ng Sanlibutan Juan Chatper 8:12-20
Ang SAlita ni Jesus and Hahatol Juan Chapter 12:44-50
Ang Panalangin ni Pablo Efeso Chapter 1:15-23
Pinapaging isa kay Cristo Efeso Chapter 2:11-22
Hinrang Upang Iligtas2Tesalonica Chapter 2:13-17
Mabuting Pangangasiwa sa
Kaloob ng Diyos 1Pedro Chapter 4:7-11
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
" Lider at Lingkod ng Mga Pamahalaan
Sumunod kay Jesu-Cristo at Isalba
ang inyong nasasakupan"
"Muling
Nagsalita si Jesus sa mga Tao . Wika niya, "Ako ang ilaw ng
sanlibutan. Ang sumunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay
buhay, at din na lalakad sa kadiliman pa. " Juan 8:12
"Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hind manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin." Juan 12:46
"Sa
pamamagitan niya, tinanggap namin sa Diyos ang kaloob na maging apostol
upang ang lahat ng bansa ay akayin sa pananampalataya at pagsunod sa
kanya. Kabilang din kayo sa mga bansang tinawag upang maging tagasunod
ni Jesu-Cristo." Roma 1:5-6
"Kaya't
nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari,
kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan
kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong itokundi sa darating."
Efeso 1:21
"At
sa pamamagitan niya'y nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at
nagiging isang templong banal. Dahil din sa inyong pakikipag-isa kanya,
kayo ma'y kasama nilang naging bahagi ng tahan ng Diyos sa pamamagitan
ng Espiritu." Efeso 2:21-232
"Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti."2Tesalonica 2:17
""Bilang
mabuting katiwala ng mga iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa
kapakinabangan ng lahat ang katangiang tinanggap ng bawat isa. Ikaw ba'y
tagapangaral? Ipangaral mo ang salita ng Diyos. Ikaw ba'y
tagapaglingkod? Gamitin mo sa paglilingkod ang lakas na kaloob sa iyos
ng Diyos, upang siya'y papurihan sa laaht ng bagay, sa pamamagitan ni
Jesu Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman!
Amen." 1Pedro 4:10-11
Juan
Chatper 8:12-20
Si Jesus and Ilaw ng Sanlibutan
8 12
Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng
sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang
buhay at di na lalakad sa kadiliman.” 13 Sinabi sa kanya ng mga Pariseo,
“Ikaw lang ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; walang katotohanan
ang ganyang patotoo.” 14 Sumagot si Jesus, “Kung nagpapatotoo man ako
tungkol sa aking sarili, totoo ang aking sinasabi, sapagkat alam ko kung
saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit hindi ninyo alam
ang aking pinanggalingan at ang aking pupuntahan. 15 Humahatol kayo ayon
sa mga pamantayan ng tao, ngunit hindi ako humahatol kaninuman. 16 At
humatol man ako, tama ang aking paghatol, sapagkat hindi ako nag-iisa sa
aking paghatol, kundi kasama ko ang Ama na nagsugo sa akin. 17
Nasusulat sa inyong Kautusan na dapat tanggapin ang patotoo ng dalawang
saksi. 18 Nagpatotoo ako tungkol sa aking sarili, at nagpapatotoo rin
ang Ama na nagsugo sa akin.” 19 Siya'y tinanong nila, “Nasaan ang iyong
ama?” Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo ako kilala, at hindi rin ninyo
kilala ang aking Ama. Kung kilala ninyo ako, kilala rin ninyo siya.” 20
Ito'y sinabi ni Jesus nang siya'y nagtuturo sa Templo, sa may lalagyan
ng mga alay. Ngunit walang nangahas na humuli sa kanya sapagkat hindi pa
dumating ang kanyang takdang oras.
JuanChapter 12:44-50
Ang SAlita ni Jesus and Hahatol
12
44 Malakas na sinabi ni Jesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang
sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. 45 At ang nakakita sa
akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin. 46 Ako'y naparito bilang
ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa akin ay huwag manatili sa
kadiliman. 47 Hindi ako ang humahatol sa taong dumirinig ng aking
salita, ngunit ayaw namang sumunod dito. Sapagkat hindi ako naparito
upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. 48 May ibang
hahatol sa mga ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga salita. Ang
salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanila sa huling araw. 49 Sapagkat
hindi ako nagsalita nang mula sa sarili ko lamang; ang Ama na nagsugo
sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag.
50 At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang
hanggan. Kaya't ang ipinapasabi ng Ama ang siya kong ipinapahayag.”
Roma
Chapter 1:1-7
Taga Roma
1 1
Mula kay Pablo na isang lingkod ni Cristo Jesus, tinawag upang maging
apostol at hinirang upang mangaral ng Magandang Balita ng Diyos. 2 Ang
Magandang Balitang ito na ipinangako niya noong una pa man sa
pamamagitan ng mga propeta, at sinasabi sa mga Banal na Kasulatan, 3 - 4
ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol
sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa lahi ni David;
subalit tungkol sa kanyang pagka-Diyos, pinatunayan ng Banal na Espiritu
na siya ay Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa,
ang kanyang muling pagkabuhay. 5 Sa pamamagitan niya, tinanggap namin
mula sa Diyos ang kaloob na maging apostol alang-alang kay Cristo, upang
ang mga Hentil ay akayin sa pagsunod na naaayon sa pananampalataya. 6
Kayo'y kabilang sa mga tinawag na maging mga tagasunod ni Jesu-Cristo. 7
Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang
maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos
na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Efeso
Chapter 1:15-23
Ang Panalangin ni Pablo
1 16 walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Hindi ko
nakakalimutang ipanalangin kayo. 17 Idinadalangin ko sa Diyos ng ating
Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na pagkalooban niya kayo
ng espiritu ng karunungan at pagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos
ninyo siyang makilala. 18 Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong mga puso
upang malaman ninyo ang pag-asa na para doon ay tinawag niya kayo, kung
gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal,
19 at kung ano ang di-masukat niyang kapangyarihan na kumikilos sa atin
na mga nananalig sa kanya. Ang dakilang kapangyarihan ding iyon 20 ang
muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa
kalangitan. 21 Mula roon ay namumuno si Cristo sa lahat ng paghahari,
kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila
ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi
maging sa darating. 22 Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat
ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya, 23 na
siyang katawan ni Cristo, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng
bagay.
Efeso
Chapter 2:11-22
Pinapaging isa kay Cristo
2
11 Kaya't alalahanin ninyo ang dati ninyong kalagayan. Kayo'y
ipinanganak na mga Hentil, at “di-tuli” ang tawag sa inyo ng mga Judio.
Ang mga Judio naman ay tinatawag na mga “tuli” dahil sa ginagawa sa
kanilang katawan. 12 Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi
kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga
pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo nang walang pag-asa at
walang Diyos. 13 Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo
Jesus, kayo na dati'y malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni
Cristo. 14 Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan
dahil pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga Hentil. Sa pamamagitan ng
kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na naghihiwalay sa
atin. 15 Pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga
alituntunin nito upang mula sa dalawang lahi ay makalikha siya ng isang
bagong bayan na nakipag-isa sa kanya at sa gayon ay magkaroon ng
kapayapaan. 16 Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan
niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa
iisang katawan. 17 Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat
ang Magandang Balita ng kapayapaan, sa inyong mga Hentil na noo'y
malalayo, at sa mga Judio na malalapit. 18 Dahil kay Cristo, tayong
lahat ay nakakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu.
19
Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga
kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.
20 Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga
apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus. 21
Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at
nagiging isang templo na nakatalaga sa Panginoon. 22 Dahil din sa
inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay sama-samang itinatayo bilang
tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.
2Tesalonica
Chapter 2:13-17
Hinrang Upang Iligtas
2
13 Mga kapatid na minamahal ng Panginoon, dapat kaming magpasalamat
palagi sa Diyos dahil sa inyo. Kabilang kayo sa mga unang pinili niya
upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng
inyong pananalig sa katotohanan. 14 Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan
ng Magandang Balita na ipinahayag namin sa inyo upang makasama kayo sa
kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya nga, mga kapatid,
magpakatatag kayo at panghawakan ninyo ang mga katuruang ipinasa namin
sa inyo, sa pamamagitan man ng aming sinabi o isinulat. 16 Aliwin nawa
kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo mismo at ng ating Diyos Ama na
umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay nagbigay sa atin
ng walang hanggang kaaliwan at magandang pag-asa. 17 Bigyan nawa kayo
ng matatag na kalooban para sa lahat ng mabuting gawa at salita.
1Pedro
Chapter 4:7-11
Mabuting Pangangasiwa sa
Kaloob ng Diyos
4
7 Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay, kaya't maging mapagtimpi kayo
at panatilihing malinaw ang inyong pag-iisip upang kayo'y
makapanalangin. 8 Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat
ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan. 9 Buksan ninyo para sa
isa't isa ang inyong mga tahanan at gawin ninyo ito nang hindi mabigat
sa loob. 10 Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos,
gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang kakayahang tinanggap ng
bawat isa sa inyo. 11 Ang nangangaral ay dapat salita ng Diyos ang
ipangaral. Ang naglilingkod ay dapat maglingkod gamit ang lakas na
kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa
pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan
magpakailanman! Amen.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 27:1-6
Trust in God
27
1 Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako
matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako
masisindak? 2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang
kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y
nangatisod at nangarapa. 3 Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban
sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon ang
pagdidigma laban sa akin, gayon ma'y titiwala rin ako. 4 Isang bagay ang
hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; na ako'y makatahan sa
bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin
ang kagandahan ng Panginoon, at magusisa sa kaniyang templo. 5 Sapagka't
sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang
kulandong: sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato. 6 At ngayo'y
matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko; at ako'y
maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan; ako'y
aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
--------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
-------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment