THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JUNE 19, 2022
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Nagsalita ang Diyos sa Pamamagitan ng Anak Hebreo Chapter 1:1-3
Si Jesus and Dakilang Saserdote Hebreo Chapter 5:1-10
Si Jesus ang Dakilang Saserdote Hebreo Chaper 4:14-16Kapahingahan Para sa Sambahayan ng Diyos Hebreo Chapter 3:7-19
Ang Dapat na Maging Ugali ng mga Cristiano Tito Chapter 3:1-11
Mga Paguusig na Darating Mateo Chapter 10:16-25
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Gawing Gabay at Pag-asa ang
Panginoong Kristo Jesus at Pasakop
sa Pamahalaan"
"Ang
Anak ang maningning na sinag ng Diyos, sapagkat kung ano ang Diyos ay
gayon din ang Anak. Siya ag nagiingat sa sansinukob sa pamamagitan ng
kanyang makapangyarihang salita." Hebreo 1:3
"Bagama't
siya'y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod
sa pamamagitan ng pagttiis. At nang maganap na niya ito, siya'y naging
walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng sumunod sa kanya."Hebreo
5:8-9
"Magpakatatag
tayo sa ating pananampalataya, yamang mayroon tayong napakadakilang
saserdote na pumasok sa kalangitan sa harapan ng diyos, walang iba kundi
si Jessu, na Anak ng Diyos." Hebreo 4:14
"Sa
halip magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, upang
sinuman sa inyo'y di madaya at maging alipin ng kasalan. Sapagkat
tayong lahat ay kasama ni Cristo, kung tayo'y mananatiling matatag
hanggang wakas sa ating pananalig sa kanya." Hebreo 3:13
"Paalalahanan
mo silang pasakop sa mga pinuno at mga maykapangyarihan, sundin ang mga
ito, at maging handa sa paggawa ng mabuti. Pagbawalan mo silang
magsalita ng masama kaninuman. Kailangan sila'y maging maunawain,
mahinahon at maibigin sa kapaypaan." Tito 3:1
"Ngayon,
sinusugo ko kayo, parang mga tupa sa gitna ng mga asong gubat. Maging
mtalino kayo,gaya ng mga ahas, at matapat, gaya ng mga kalapati."
Mateo 10:16
Hebreo
Chapter 1:1-3
Nagsalita ang Diyos sa
Pamamagitan ng Anak
1
1 Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang
panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2 Ngunit
sa mga huling araw na ito, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng
kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan,
at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. 3 Nakikita sa Anak
ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak.
Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang
makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga
kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng Makapangyarihan doon sa langit.
HebreoChapter 5:1-10
Si Jesus and Dakilang
Saserdote
5
1 Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa
ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang
nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. 2
Mahinahon niyang napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng
landas, sapagkat siya'y mahina ring tulad nila. 3 At dahil sa kanyang
kahinaan, kinakailangang siya'y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa
kasalanan ng iba, kundi para rin sa kanyang mga kasalanan. 4 Ang
karangalan ng pagiging pinakapunong pari ay hindi maaaring makuha
ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang pumipili sa kanya,
tulad ng pagkapili kay Aaron.
5
Gayundin naman, hindi itinaas ni Cristo ang kanyang sarili upang maging
Pinakapunong Pari. Siya'y pinili ng Diyos na nagsabi sa kanya, “Ikaw
ang aking Anak, mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.” 6 Sinabi rin niya sa
ibang bahagi ng kasulatan, “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa
pagkapari ni Melquisedec.” 7 Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa
lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na
makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil
lubusan siyang nagpakumbaba. 8 Kahit na siya'y Anak ng Diyos, natutunan
niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. 9
At nang siya'y maging ganap, siya ang naging sanhi upang magkamit ng
walang hanggang kaligtasan ang lahat ng mga masunurin sa kanya. 10
Ginawa siya ng Diyos na Pinakapunong Pari ayon sa pagkapari ni
Melquisedec.
Hebreo
Chaper 4:14-16
Si Jesus ang
Dakilang Saserdote
4 14
Kaya nga, magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, dahil mayroon
tayong Dakilang Pinakapunong Pari na pumasok na sa kalangitan, doon
mismo sa harap ng Diyos. Siya'y walang iba kundi si Jesus na Anak ng
Diyos. 15 Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga
kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit
kailanma'y hindi siya nagkasala. 16 Kaya't huwag tayong mag-atubiling
lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at
pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.
HebreoChapter 3:7-19
Kapahingahan Para sa
Sambahayan ng Diyos
3
7 Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo, “Kapag ngayon ang tinig ng
Diyos ay narinig ninyo, 8 huwag patigasin ang inyong mga puso, tulad
noong maghimagsik ang inyong mga ninuno, doon sa ilang nang subukin nila
ako. 9 Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong mga magulang,
bagama't nakita nila ang mga ginawa ko sa loob ng apatnapung taon. 10
Kaya't napoot ako sa kanila at sinabi ko, ‘Lagi silang lumalayo sa akin,
ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.’ 11 At sa galit ko, ‘Ako ay
sumumpang hindi nila kakamtin ang kapahingahan sa aking ipinangakong
lupain.’”
12
Mga kapatid, ingatan ninyong huwag magkaroon ang sinuman sa inyo ng
pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa
Diyos na buháy. 13 Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang
panahon ay matatawag pang “Ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo
ng kasalanan at sa gayo'y maging matigas ang puso. 14 Sapagkat tayong
lahat ay kasama ni Cristo sa gawain, kung mananatiling matatag hanggang
sa wakas ang ating pananalig na ating ipinakita noong tayo'y unang
sumampalataya.
15
Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang
tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong
kayo'y maghimagsik sa Diyos.”
16
Sino ang naghimagsik laban sa Diyos kahit na narinig nila ang kanyang
tinig? Hindi ba't ang lahat ng inilabas ni Moises mula sa Egipto? 17 At
kanino nagalit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon? Hindi ba't sa mga
nagkasala at patay na nabuwal sa ilang? 18 At sino ang tinutukoy niya
nang kanyang sabihin, “Hinding-hindi sila makakapagpahinga sa piling
ko”? Hindi ba't ang mga taong ayaw sumunod? 19 Maliwanag kung ganoon na
hindi sila nakapasok sa lupang pangako dahil sa kawalan ng
pananampalataya.
Tito
Chapter 3:1-11
Ang Dapat na Maging Ugali
ng mga Cristiano
3
1 Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at
maykapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa
ng mabuti. 2 Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban
kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa
lahat ng tao. 3 Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi
masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at
lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at
pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin. 4
Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating
Tagapagligtas, 5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting
gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa
pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak
na muli at magkaroon ng bagong buhay. 6 Masaganang ipinagkaloob ng
Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas
na si Jesu-Cristo, 7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng
kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan
nating buhay na walang hanggan.
8
Mapagkakatiwalaan ang aral na ito. Kaya't ang nais ko'y buong tiyaga
mong ituro ito sa mga nananalig sa Diyos upang ilaan nila ang kanilang
sarili sa paggawa ng mabuti, na siyang karapat-dapat at
kapaki-pakinabang sa mga tao. 9 Iwasan mo ang mga walang kabuluhang
pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga away
at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang pakinabang at
walang halaga. 10 Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo
na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, 11 dahil alam mong ang
ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang
nagpapakilalang siya'y mali. 12 Papupuntahin ko riyan si Artemas o si
Tiquico. Pagdating nila diyan, pilitin mong makapunta sa Nicopolis. Doon
ako magpapalipas ng taglamig.
Mateo
Chapter 10:16-25
Mga Paguusig na Darating
10 16
“Tingnan ninyo; isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga
asong-gubat. Kaya't maging matalino kayong gaya ng ahas at maamo na gaya
ng kalapati. 17 Mag-ingat kayo sapagkat kayo'y dadakpin at isasakdal sa
mga Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio, hahagupitin kayo sa
kanilang mga sinagoga. 18 Dadalhin kayo sa mga gobernador at mga hari
nang dahil sa pagsunod ninyo sa akin, upang magpatotoo sa kanila at sa
mga Hentil. 19 Kapag iniharap na kayo sa hukuman, huwag kayong mabahala
kung ano ang inyong sasabihin, o kung paano kayo magsasalita sapagkat
ipagkakaloob sa inyo sa oras na iyon ang inyong sasabihin. 20 Hindi kayo
ang magsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa
pamamagitan ninyo.
21
“Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang sariling kapatid upang ipapatay,
gayundin ang gagawin ng ama sa kanyang anak; at lalabanan ng mga anak
ang kanilang mga magulang at ipapapatay ang mga ito. 22 Kapopootan kayo
ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang mananatiling tapat
hanggang wakas ang siyang maliligtas. 23 Kapag inusig kayo sa isang
bayan, tumakas kayo sa kasunod. Tandaan ninyo: bago ninyo mapuntahan ang
lahat ng bayan ng Israel, darating na ang Anak ng Tao.
24
“Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro at walang aliping
nakakahigit sa kanyang panginoon. 25 Sapat nang matulad ang alagad sa
kanyang guro, at ang alipin sa kanyang panginoon. Kung ang ama ng
sambahayan ay tinawag nilang Beelzebul, lalo nang lalaitin nila ang
kanyang mga kasambahay.”
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 33:20-22
Praie of God Powers
and Providence
33
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon: siya'y aming saklolo at
aming kalasag. 21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak sa kaniya,
sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan. 22 Sumaamin
nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ayon sa aming pagasa sa
iyo.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
--------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
-------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment