TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MAGMALASAKIT SA KALUSUGAN
AT KALIKASAN"
"Pinagaling
niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at
nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalta ang mga
ito, sapagkat alam niya kung sino siya." Marcos 1:34
"Kaya
ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong
pangangailangan upang may magamit kayo sa pagkawanggawa." 2Corinto 9:8
"Huwag
ninyong linlangain ang inyong sarili; ang Diyos ay di madadaya
ninuman. Kung ano ang inihasik ng tao, iyon din ang kanyang aanihin."
Galacia 6:7
"Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang inyong sarili." Filipos 2:4
"Ang
mga tao'y magiging makasarili, gahaman sa salapi, palalo, mayabang,
mapang-alipusta, suwail, sa magulang, walang utang na loob at
lapastangan sa Diyos." 2Timoteo 3:2
"Muli siyang nanalangin at bumagsak ang ulan, at namunga ang mga halaman." Santiago 5:18
"Gayunma'y
nagbigay siya ng sapat na katibayan upang makilala ninyo siya sa
pamamagitan ng kabutihang ginawa niya sa inyo: binigyan niya kayo ng
ulan mula sa langit at ng masaganang ani sa takdang panaon, binusog kayo
ng pagkain at pinuspos ng kagalakan ang inyong mga puso." Gawa 14:17
Marcos
Chapter 1:23-34
Ang Pagpapagaling sa Maraming Tao
1
23 Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang lalaking sinasapian ng
masamang espiritu. Ito'y sumigaw, 24 “Ano ang pakay mo sa amin, Jesus na
taga-Nazaret? Naparito ka ba upang kami'y puksain? Kilala kita! Ikaw
ang Banal na mula sa Diyos.” 25 Ngunit iniutos ni Jesus sa masamang
espiritu, “Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!” 26 Pinangisay ng masamang
espiritu ang lalaki at sumisigaw itong lumabas sa kanya. 27 Ang lahat
ay namangha kaya't sila'y nagtanungan sa isa't isa, “Paanong nangyari
iyon? Ito ay isang kakaibang katuruan! Makapangyarihan niyang nauutusan
ang masasamang espiritu, at sumusunod naman ang mga ito sa kanya.” 28
Dahil dito, mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay
Jesus. 29 Mula sa sinagoga ay nagtungo agad si Jesus at ang kanyang mga
alagad, kasama sina Santiago at Juan, sa bahay nina Simon at Andres. 30
Noon ay nakahiga dahil nilalagnat ang biyenan ni Simon at ito'y agad
nilang sinabi kay Jesus. 31 Kaya't nilapitan ni Jesus ang babae,
hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Noon di'y gumaling ito at naghanda
ng pagkain para sa kanila.
32
Pagsapit ng gabi, pagkalubog ng araw, dinala kay Jesus ang lahat ng
maysakit at ang mga sinasapian ng demonyo. 33 Halos lahat ng mga
tagaroon ay nagkatipon sa harap ng bahay. 34 Pinagaling ni Jesus ang
maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Pinalayas din niya
ang mga demonyo, at hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito sapagkat
alam nila kung sino siya.
2CorintoChapter 9:1-15
Tulong sa mga Kapatid
9
1 Hindi na kailangang sumulat pa ako sa inyo tungkol sa pagtulong sa
mga kapatid sa iglesya. 2 Alam kong handa na kayong tumulong, kaya't
ipinagmamalaki ko kayo sa mga taga-Macedonia. Ang sabi ko'y handa na
kayong mga taga-Acaya noon pang nakaraang taon, at dahil dito'y lalo
silang sumigla sa pagtulong. 3 Kaya't pinapapunta ko riyan ang mga
kapatid na ito upang mapatunayang tama ang aming pagmamalaki tungkol sa
inyo, at nang maihanda na ninyo ang inyong tulong, gaya ng sinabi ko. 4
Kung hindi, kung may mga taga-Macedonia na sumama sa akin at makita
nilang hindi pala kayo handa, baka mapahiya ako at pati kayo. 5 Kaya't
pinakiusapan ko ang mga kapatid na mauna riyan, upang maihanda ang
tulong na ipinangako ninyo. Sa gayon, makikita na talagang kusang-loob
ang pagbibigay ninyo at hindi sapilitan.
6
Ito ang ibig kong sabihin: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng
kakaunti, at ang nagtatanim ng marami ay aani ng marami. 7 Ang bawat
isa'y dapat magbigay ayon sa kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi
napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may
kagalakan. 8 Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at
higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa
mabubuting gawa.
9 Tulad ng nasusulat, “Siya'y masaganang nagbibigay sa mga dukha; ang kanyang kabutihan ay walang hanggan.”
10
Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang
siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang
magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya
kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon,
lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na
dadalhin namin sa kanila. 12 Ang paglilingkod ninyo upang tumulong sa
mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan,
kundi magiging dahilan pa ng nag-uumapaw na pagpapasalamat nila sa
Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang
siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni
Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14 Kaya't buong
pagmamahal nila kayong ipapanalangin, dahil sa di-masukat na
kagandahang-loob ng Diyos sa inyo. 15 Salamat sa Diyos dahil sa kanyang
kaloob na walang kapantay!
GalaciaChapter 6:1-10
Magtulungan sa Pagdala ng Pasanin
6
1 Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong
pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo
iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2
Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan
ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo. 3 Kung inaakala ninyong
kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang
inyong sarili. 4 Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang
kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing
pa iyon sa gawa ng iba, 5 sapagkat ang bawat isa ay dapat magdala ng
kanyang sariling dalahin.
6 Ang mga tinuturuan ng salita ng Diyos ay dapat magbahagi ng lahat ng magagandang bagay sa mga nagtuturo.
7
Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang
Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang
nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa
laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang
hanggan. 9 Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat
pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10
Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng
tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.
2
1 Kaya nga, yamang mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong
kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong
kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, 2 lubusin ninyo ang
aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa
iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. 3 Huwag kayong gumawa
ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang
tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga
sarili. 4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang
sa inyong sarili. 5 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay
Cristo Jesus.
6
Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang
manatiling kapantay ng Diyos. 7 Sa halip, kusa niyang binitawan ang
pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya
bilang tao. At nang siya'y maging tao, 8 nagpakumbaba siya at naging
masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. 9
Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang
higit sa lahat ng pangalan. 10 Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod
at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng
lupa. 11 At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa
ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
2Timoteo
Chapter 3:1-9
Ang Mga Huling Araw
3
1 Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon
ng kaguluhan. 2 Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili,
maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa
magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. 3 Sila'y
magiging walang pagmamahal sa kapwa, walang habag, mapanirang-puri,
walang pagpipigil sa sarili, marahas, at walang pagpapahalaga sa mabuti.
4 Sila'y magiging mga taksil, padalus-dalos, mayayabang, maibigin sa
kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos. 5 Sila'y may anyo ng pagiging
maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa
kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao. 6 May ilan sa
kanila na gagamit ng panlilinlang upang makapasok sa mga bahay ng mga
babaing madaling malinlang. Ang mga babaing ito'y inuusig ng bigat ng
kanilang mga pagkakasala at itinutulak sa sari-saring pagnanasa. 7 Lahat
na'y gustong matutunan ng mga babaing ito ngunit kailanma'y hindi nila
nauunawaan ang katotohanan. 8 At tulad nina Janes at Jambres na
sumalungat kay Moises, sila ay sumasalungat din sa katotohanan. Wala
silang iniisip na kabutihan at hindi tunay ang kanilang pananampalataya.
9 Ngunit hindi magpapatuloy ang kanilang kasamaan, sapagkat makikita ng
lahat ang kanilang kahangalan, gaya ng nangyari kina Janes at Jambres.
Santiago
Chapter 5:7-20
Pagtitiyaga at Pananalangin
5 7 Kaya nga, mga kapatid, magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng
Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay
ang mahalagang ani ng kanyang bukirin, at inaabangan ang pagdating ng
tag-ulan. 8 Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob
sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.
9
Mga kapatid, huwag kayong magreklamo sa isa't isa upang hindi kayo
hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. 10 Mga
kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng
Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. 11 Sinasabi nating
pinagpala ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol
sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang
huli. Talagang napakabuti at tunay na mahabagin ang Panginoon.
12
Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa. Huwag
ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit, o ang lupa, o ang ano pa man.”
Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang
hindi kayo hatulan ng Diyos.
13
May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba
ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos. 14 May sakit ba ang sinuman
sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang
ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15
Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may
pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y
nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. 16 Kaya nga,
ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at
ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang
nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. 17 Si Elias ay isang tao na
tulad din natin; nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi
nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan.
18
At nang siya'y nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga
ang mga halaman. 19 Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng
landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, 20 ito ang
tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan mula sa
kanyang maling pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan
at nagpapawi ng maraming kasalanan.
Gawa
Chapter 14:8-20
Sa Listra
14
1 Gayundin ang nangyari sa Iconio; sina Pablo at Bernabe ay pumasok sa
sinagoga ng mga Judio. Napakahusay ng kanilang pangangaral kaya't
maraming Judio at Griego ang sumampalataya. 2 Gayunman, may ilang
Judiong ayaw sumampalataya. Sinulsulan pa nila ang mga Hentil at nilason
ang isip ng mga ito laban sa mga kapatid. 3 Nanatili roon nang matagal
sina Pablo at Bernabe, at buong tapang silang nangaral tungkol sa
Panginoon. Pinatunayan ng Panginoon na totoo ang pangangaral nila
tungkol sa kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng pagbibigay sa
kanila ng kapangyarihang gumawa ng mga himala. 4 Kaya't nahati ang mga
tao sa lungsod; may pumanig sa mga Judio at may pumanig din sa mga
apostol. 5 Binalak ng ilang mga Hentil at mga Judio, kasama ng kanilang
mga pinuno, na saktan at pagbabatuhin ang mga apostol. 6 Subalit nang
malaman iyon ng dalawa, sila'y tumakas papuntang Listra at Derbe na mga
lungsod ng Licaonia, at sa mga karatig na lupain, 7 at doon sila
nangaral ng Magandang Balita. 8 Sa Listra ay may isang lalaking hindi
nakakalakad dahil lumpo na ito mula pa nang ito'y isilang. 9 Siya'y
nakaupong nakikinig sa pangangaral ni Pablo. Nang makita ni Pablo na ang
lumpo ay may pananampalatayang siya'y mapapagaling, tinitigan niya ang
lumpo 10 at malakas na sinabi, “Tumayo ka nang tuwid!” Lumukso ang
lalaki at nagsimulang lumakad. 11 Nang makita ng mga taong-bayan ang
ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, “Nanaog sa atin ang
mga diyos sa anyong tao!” 12 Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at si Pablo
nama'y Hermes, sapagkat siya ang pangunahing tagapagsalita. 13 Nasa
bungad ng lungsod ang templo ni Zeus. Ang pari ni Zeus ay nagdala ng mga
toro at mga kuwintas na bulaklak sa may pintuan ng lungsod. Nais ng
pari at ng mga tao na maghandog sa mga apostol. 14 Nang malaman ito ng
mga apostol na sina Bernabe at Pablo, pinunit nila ang kanilang mga
damit at patakbong pumagitna sa mga tao. Sumigaw sila, 15 “Mga ginoo,
huwag ninyong gawin iyan! Mga tao rin kaming tulad ninyo! Ipinapangaral
namin sa inyo ang Magandang Balita upang talikuran ninyo ang mga walang
kabuluhang bagay na iyan, at manumbalik kayo sa Diyos na buháy na
lumikha ng langit, lupa, dagat, at lahat ng naroroon. 16 Sa mga panahong
nakalipas, hinayaan niyang gawin ng lahat ng bansa anuman ang
kani-kanilang maibigan. 17 Gayunman, nagbigay siya ng sapat na katibayan
upang makilala ninyo siya sa pamamagitan ng kabutihang ginagawa niya sa
inyo. Binibigyan niya kayo ng ulan mula sa langit at ng masaganang ani
sa takdang panahon. Binubusog niya kayo ng pagkain at pinupuno ng
kagalakan ang inyong mga puso.” 18 Sa kabila ng mga pananalitang ito,
nahirapan pa rin sina Bernabe at Pablo na pigilan ang mga tao na sila'y
alayan ng mga handog.
19
Ngunit may mga Judiong dumating doon mula sa Antioquia at Iconio.
Sinulsulan nila ang mga taga-Listra laban kay Pablo, kaya't siya'y
pinagbabato nila. Pagkatapos, siya ay kinaladkad nila sa labas ng bayan,
sa pag-aakalang siya'y patay na, 20 subalit nang dumating ang mga
alagad at palibutan siya, tumayo si Pablo at pumasok sa lungsod.
Kinabukasan, nagpunta sila ni Bernabe sa Derbe.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 41:1-4
Thanksgiving After Sickness
41
1 Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng
Panginoon sa panahon ng kaligaligan. 2 Pananatilihin siya, at iingatan
siyang buhay ng Panginoon, at siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa; at
huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway. 3 Aalalayan
siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina: iyong inaayos ang buo niyang
higaan sa kaniyang pagkakasakit. 4 Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka
sa akin: pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala
laban sa iyo.
No comments:
Post a Comment