TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"SUMUNOD SA KAPAMAHALAAN
NG DIYOS MULA KRISTO HESUS"
"MAMUHAY NG MASAGANA SA
ILALIM NG PAMAMAHALA O KAHARIAN NG DIYOS"
"higit sa lahat, pagsuakitan ninyong pagharian kayo ng Diyos, at ipagkakaloob niya ang kinakailangan ninyo." Lucas 12:31
"Kung
nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang mga salita ko, hingin
ninyo ang anumang maibigan ninyo, at ipagkakaloob sa inyo." Juan 15:7
"Kaya
nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga nakipag-isa kay Cristo
Jesus. Wala na ako sa ilalim ng batas ng kasalanan at kamatayan
sapagkat pinalaya na ako ng batas ng Espiritung nagbibigay-buhay, bunga
ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Ginawa niya ang lahat ng ito upang
ang hinihingi ng Kautusan ay maisakatuparan sa atin na namumuhay ayon sa
Espirit at hindi ayon sa laman. " Roma 8:1-2, 4
"Ang
mga utos, gaya ng, "Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag
kang magnanakaw, Huwag kang mag-iimbot ," at ang alin pa mang utos na
tulad ng mga ito ay nabubuo sa ganitong pangungusap, "ibigin mo ang
iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Ang umiibig ay hindi gumagawa ng
masama kaninuman, kaya't amg pag-ibig ang kabuuan ng kautusan." Roma 13:9-10
"Pinalaya
kayo ni Cristo upang manatiling malaya. Magpakatatg nga kayo, at huwag
nang paalipin pang muli! Mga kapatid tinawag kayo upang maging
malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod
ang pita ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa dahil sa
pag-ibig. Sapagkat ang buong kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap,
"Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." Galacia 5:1, 13-14
"Kaya
nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya
kayo. Lumapit kayo sa Diyos at klalapit siya sa inyo. Linisin ninyo
ang inyong mga kamay, kayong makasalanan! linisin ninyo ang inyong mga
puso, kayong pabagu- bago ng isip." Santiago 4:7-8
"Palalahanan mo silang pasakop sa mga pinuno at mga maykapangyarihan, sundin ang mga ito, at maging handa sa paggawa ng mabuti." Tito 3:1
Lucas Chapter 12:22-31
Pananalig sa Diyos
12
22 Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa
inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong buhay, sa inyong kakainin,
o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. 23 Sapagkat ang
buhay ay higit pa kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. 24 Tingnan
ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang
imbakan o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong
mahalaga kaysa mga ibon! 25 Sino sa inyo ang makakapagdagdag sa kanyang
buhay ng kahit isang oras dahil sa pagkabalisa? 26 Kung hindi ninyo
magawâ ang ganoong kaliit na bagay, bakit kayo nababalisa tungkol sa
ibang mga bagay? 27 Tingnan ninyo ang mga bulaklak sa parang kung paano
sila lumalago. Hindi sila nagtatrabaho ni humahabi man. Ngunit sinasabi
ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit
ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 28 Kung dinadamitan ng
Diyos ang mga damo sa parang na buháy ngayon at kinabukasa'y iginagatong
sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya! 29 Kaya't
huwag kayong labis na mag-isip kung saan kayo kukuha ng kakainin at
iinumin. Huwag na kayong mangamba. 30 Ang mga bagay na ito ang
pinagkakaabalahan ng mga taong di nananalig sa Diyos. Alam ng inyong Ama
na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 31 Subalit, bigyang halaga ninyo
nang higit sa lahat ang kaharian ng Diyos, at ibibigay niya sa inyo ang
mga bagay na ito.”
Juan15 1
“Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga. 2
Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang
pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa
nang lalong sagana. 3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi
ko sa inyo. 4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi
magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi
kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin. 5 “Ako ang puno ng
ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang
siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung
kayo'y hiwalay sa akin. 6 Ang hindi nananatili sa akin, gaya ng sanga ay
itinatapon at natutuyo. Ang ganoong mga sanga ay tinitipon, inihahagis
sa apoy at nasusunog. 7 Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa
inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at
matutupad iyon para sa inyo. 8 Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y
masaganang nagbubunga at sa gayon kayo'y magiging mga alagad ko. 9 Kung
paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili
kayo sa aking pag-ibig. 10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos,
mananatili kayo sa aking pag-ibig, kung paanong tinupad ko ang mga utos
ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
11
“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan
ko at nang sa gayon ay malubos ang inyong kagalakan. 12 Ito ang aking
utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Ang
pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang
mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila. 14 Kayo'y
mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos. 15 Hindi ko na
kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang
ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga
kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking
Ama. 16 Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang
ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa
gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay
sa inyo. 17 Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”
Roma
Chapter 8:1-17
Pamumuhay ayon sa Espiritu
8 1 Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na
kay Cristo Jesus. 2 Sa pamamagitan ng kautusan ng Espiritung
nagbibigay-buhay dahil sa pakikiisa natin kay Cristo-Jesus, pinalaya na
ako mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan. 3 Ginawa ng Diyos ang
hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa kahinaan ng tao. Isinugo niya
ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang
kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. 4
Ginawa ito ng Diyos upang ang itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin
na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman. 5 Ang
mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang
mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu
ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. 6 Ang pagsunod sa hilig ng
laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay
nagdudulot ng buhay at kapayapaan. 7 Kaya nga, kapag itinutuon ng tao
ang kanyang pag-iisip sa mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng
Diyos sapagkat hindi siya nagpapasakop sa batas ng Diyos, at sadyang
hindi niya ito magagawa. 8 At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay
hindi maaaring kalugdan ng Diyos.
9
Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
Sa katunayan, naninirahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung wala sa
isang tao ang Espiritu ni Cristo, hindi kay Cristo ang taong iyon. 10
Ngunit dahil naninirahan sa inyo si Cristo, mamatay man ang inyong mga
katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ninyo ay buháy sapagkat
itinuring na kayong matuwid ng Diyos. 11 Kung naninirahan sa inyo ang
Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang
muling bubuhay sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan din
ng kanyang Espiritung naninirahan sa inyo.
12
Mga kapatid, wala tayong pananagutang sundin ang mga hilig ng laman
upang mamuhay ayon sa katawang makalaman. 13 Sapagkat mamamatay kayo
kung namumuhay kayo ayon sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay
ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman,
mabubuhay kayo. 14 Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay
mga anak ng Diyos. 15 Sapagkat hindi espiritu ng pagkaalipin ang inyong
tinanggap upang kayo'y mamuhay sa takot. Sa halip, ang inyong tinanggap
ay ang Espiritu ng pagkupkop upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya
tayo'y tumatawag sa kanya ng “Ama, Ama ko!” 16 Ang Espiritu ang
nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Diyos. 17
At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang
tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis,
tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.
Roma
Chapter 13:8-14
Tungkuulin sa Kapwa
13 8
Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y
magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad
na sa Kautusan. 9 Ang mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag
kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin
ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing
lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa
iyong sarili.” 10 Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman,
kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.
11
Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang
pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y
unang sumampalataya sa Panginoon. 12 Namamaalam na ang gabi at malapit
nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at
italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti. 13 Mamuhay tayo sa
liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at
paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. 14 Gawin
ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bil
Galacia
Chapter 5:1-15
Manatiling Malaya
5
1 Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo
at huwag nang paalipin pang muli! 2 Akong si Pablo ang nagsasabi sa
inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo. 3 Binabalaan
ko ang lahat ng taong nagpapatuli, tungkulin nilang sumunod sa buong
Kautusan. 4 Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng
pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at
napalayo kayo sa kagandahang-loob ng Diyos. 5 Kami'y umaasa na magiging
matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y sa kapangyarihan ng
Espiritu. 6 Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga
kung ang isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang
gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig.
7
Maganda na sana ang inyong pagtakbo. Sino ang humarang sa inyong
pagsunod sa katotohanan? 8 Hindi kayo hihikayatin ng ganyan ng Diyos na
tumawag sa inyo. 9 Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang
buong masa ng harina.” 10 Naniniwala akong sasang-ayon kayo sa akin sa
bagay na ito, dahil sa ating kaugnayan sa Panginoon. At natitiyak kong
paparusahan ng Diyos ang sinumang nanggugulo sa inyo. 11 Mga kapatid,
kung talagang nangangaral pa ako na kailangan ang pagtutuli, bakit pa
ako inuusig hanggang ngayon? Kung iyo'y totoo, hindi na sana nila
ikinagagalit ang aking pangangaral tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa
krus. 12 At ang mga nanggugulo sa inyo ay huwag lamang patuli kundi
tuluyan na nilang putulan ang sarili nila.
13
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman
ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman,
kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. 14 Sapagkat ang
buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong
kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 15 Ngunit kung kayo'y
nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka
tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.
Santiago
Chapter 4: 1-10
Kaaway ng Diyos ang Kaibigan
ng Sanlibutan
4 1
Saan nanggagaling ang inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba't
nagmumula iyan sa mga pagnanasang naglalaban-laban sa inyong kalooban? 2
Mayroon kayong ninanasa ngunit hindi ninyo makamtan, kaya't pumapatay
kayo, mapasainyo lamang iyon. May mga bagay na gustung-gusto ninyo
ngunit hindi ninyo maangkin, kaya kayo'y nagkakagalit at
naglalaban-laban. Hindi ninyo nakakamtan ang inyong ninanais dahil hindi
kayo humihingi sa Diyos. 3 At humingi man kayo, wala rin kayong
natatanggap dahil hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang
mapagbigyan ang inyong kalayawan. 4 Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na
kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang
Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay
nagiging kaaway ng Diyos. 5 Huwag ninyong akalaing walang kabuluhan ang
sinasabi sa kasulatan, “Ang espiritung inilagay ng Diyos sa atin ay punô
ng matitinding pagnanasa.” 6 Ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng higit
pang pagpapala. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga
mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”
7
Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan
niya kayo. 8 Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Hugasan
ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang
inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip. 9 Maghinagpis kayo, umiyak at
tumangis! Palitan ninyo ng pagluha ang inyong tawanan, at ng kalungkutan
ang inyong kagalakan! 10 Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon at
itataas niya kayo.
Tito
Chapter 3:1-11
Ang Dapat na Maging Ugali ng
mga Cristiano
3 1 Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at
maykapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa
ng mabuti. 2 Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban
kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa
lahat ng tao. 3 Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi
masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at
lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at
pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin. 4
Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating
Tagapagligtas, 5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting
gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa
pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak
na muli at magkaroon ng bagong buhay. 6 Masaganang ipinagkaloob ng
Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas
na si Jesu-Cristo, 7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng
kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan
nating buhay na walang hanggan.
8
Mapagkakatiwalaan ang aral na ito. Kaya't ang nais ko'y buong tiyaga
mong ituro ito sa mga nananalig sa Diyos upang ilaan nila ang kanilang
sarili sa paggawa ng mabuti, na siyang karapat-dapat at
kapaki-pakinabang sa mga tao. 9 Iwasan mo ang mga walang kabuluhang
pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga away
at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang pakinabang at
walang halaga. 10 Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo
na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, 11 dahil alam mong ang
ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang
nagpapakilalang siya'y mali.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 93:1-5
God as the mighty King
93
1 Ang Panginoon ay naghahari; siya'y nananamit ng karilagan; ang
Panginoon ay nananamit ng kalakasan; siya'y nagbigkis niyaon: ang
sanglibutan naman ay natatag, na hindi mababago. 2 Ang luklukan mo'y
natatag ng una: ikaw ay mula sa walang pasimula. 3 Ang mga baha ay
nagtaas, Oh Panginoon, ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong; ang
mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon. 4 Ng higit sa mga hugong ng
maraming tubig, malalakas na hampas ng alon sa dagat, ang Panginoon sa
itaas ay makapangyarihan. 5 Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay: ang
kabanalan ay nararapat sa iyong bahay, Oh Panginoon, magpakailan man.
No comments:
Post a Comment