"Ang Pagliligtas ng Panginoong
Jesu Cristo sa Krus"
"Semana Santa"
"Nangyari
ito upang matupad ang sinabi ng properta: Sabihin ninyo sa lunsod ng
Sion: Masdan mo, dumarating ang iyong hari, Siya'y mapagpakumbaba;
nakasakay sa isang asno, Sa isang bisiro, bisiro ng isang asno."
Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; ang iba namay pumutol ng
mga sanga ng kahoy at inilatag sa daan. Nagsigawan ang mga taong nauuna
at sumusunod sa kanya: "Mabuhay ang Anak ni David! Pagpalain ang
dumarating sa ngalan ng Panginoon! Mateo 21:4, 8-9
"Sa
wakas, may dalawang humarap at nagsabi, "Sabi ng taong ito, 'Gigibain
ko ang templo ng Diyops, at muling itatayo sa loob ng tatlong araw.'"
Ngunit hindi umimik si Jesus. At sinabi sa kanya ng pinakapunong
saserdote, "Iniuutos ko sa inyo: sabihin mo sa ain, sa ngalan ng Diyos
na buhay, kung ikawa ng Mesias, ang Anak nbg diyos." Sumagot si Jesus,
"Kayo na ang nagsabi. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mula ngayon ay
makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan,
At dumarating na nasa alapaan ng langit. "
Nang
marining ito ng pinapunong saserdote, winahak niya ang kanyang ksuutan
at sinabi, "Ito'y kalapastangan sa Diyos! Hindi na natin kailangan ang
mga saksi. Kayo na rang nakarinig ngayon ng kanyang paglapastangan sa
Diyos.! Ano sa palagay nyo?" Sumagot sila, " Dapat siyang mamatay!".
Mateo 26:61, 63-66
"Sinabi
sa kanila ni Pilato, "Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Jesus na
tinatawag na Cristo? Sumagot silang lahat, "Ipako sa krus.!" At pinalaya
niya si Barabas ngunit ipinahagupit si Jesus at ibinigay sa kanila
upang ipako sa krus. At matapos kutyaiy kanilang inalisan siya ng
balabal, sinuutan ng sariling damilt at inilabas upang ipako sa krus. Mateo 27:22,26,31
"Nang
maipako na siya sa Krus kanilang pinaghatian ang kanyang damit matapos
magsapalaran. At naupo sila upang siya'y bantayan. Nakasulat sa
kanyang ulunan ang sakdal laban sa kanya: "Ito'y si Jesus, ang Hari ng
mga Judio." Dalawang tulisan ang kasabay niyang ipinako sa krus isa sa
kanan at isa sa kaliwa." Mateo 27:35-38
At
mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa
buong lupain. Nang magiikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus, 'Eli, Eli
;lema sabachtani? ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bkit mo ako
pinabayaan?" Muling sumigaw si Jesus at nalagutan ng hininga. Biglang
nawahak sa gitna ang tabing ng templo, mula sa itaas hanggang sa ibaba.
Nayanig ang lupa, nagbitak ang mga bato, nabuksan ang mga libingan, at
nabuhay ang maraming banal na namatay na. Lumabas sila ng libingan, at
nang muling mabuhay si Jesus, sila'y pumasok sa Banal na lungsod at
nakita roon ng marami "
Mateo 27:45-46, 50
"Makaraan
ang araw ng pamamahinga, pagbubukang liwaywat ng unang araw ng
sanlinggo, pumunta sa libingan ni Jesus si Maria Magdalena at ang isang
Maria. Biglang lumindol nang malakas. Bumaba mula sa langit ang isang
anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at
naupo sa ibabaw niyon. Angkanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat
at ang kanyang damit ay kasimputi ng busilak. Nanginig sa takot ang
mga bantay at nabulagtang animoy patas ng makita nag anghel. Ngunit
sinabi nito sa mga babae, "Huwag kayong matako; alam kong hinahanap
ninyo si Jesusna ipinak sa Krus. Wala na siya rito, sapagkat siya'y
muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. " Mateo 28:1-6
Mateo
Chapter 21:1-10
Ang Matagumpay na Pagpasok
sa Jerusalem
21
1 Nang malapit na sila sa Jerusalem, dumaan sila sa Bethfage, sa Bundok
ng mga Olibo. Inutusan ni Jesus ang dalawa sa kanyang mga alagad, 2
“Pumunta kayo sa susunod na nayon at makikita ninyo kaagad doon ang
isang babaing asno na nakatali, kasama ang kanyang anak. Kalagan ninyo
ang mga iyon at dalhin sa akin. 3 Kapag may nagtanong sa inyo, sabihin
ninyong kailangan iyon ng Panginoon at ibibigay niya agad ang mga iyon
sa inyo.”
4
Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta: 5 “Sa lungsod ng Zion ay
ipahayag ninyo, ‘Tingnan mo, ang iyong hari ay dumarating. Siya'y
mapagpakumbaba; masdan mo't siya'y nakasakay sa isang asno, at sa isang
bisiro na anak ng asno.’”
6
Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Jesus. 7 Dinala
nila kay Jesus ang asno at ang bisiro, at isinapin sa likod ng mga ito
ang kanilang balabal at sumakay si Jesus. 8 Maraming naglatag ng
kanilang balabal sa daan; mayroon namang pumutol ng mga sanga ng kahoy
at ito'y inilatag sa daan.
9
Nagsisigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya. Sigaw nila,
“Purihin ang anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng
Panginoon! Purihin ang Diyos!” 10 Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nagulo
ang buong lungsod. “Sino kaya ito?” tanong nila.
Mateo
Chapter 26:57-66
Si Jesus sa Harap ng Sanedrin
26
57 Dinala si Jesus ng mga dumakip sa kanya sa bahay ni Caifas, ang
pinakapunong pari; doon nagkakatipon ang mga tagapagturo ng Kautusan at
ang mga pinuno ng bayan. 58 Sumunod si Pedro, ngunit hindi gaanong
lumalapit. Pagdating sa tahanan ng pinakapunong pari, pumasok siya sa
bakuran at naupo sa patyo kasama ng mga bantay. Nais niyang makita kung
ano ang mangyayari. 59 Samantala, ang mga punong pari at ang buong
Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio ay naghahanap ng maling paratang
laban kay Jesus upang siya'y maipapatay, 60 ngunit wala silang nakita
kahit na maraming humarap na sinungaling na saksi laban sa kanya. Sa
wakas, may dalawang humarap 61 at nagsabi, “Sinabi ng taong ito na kaya
daw niyang gibain ang Templo ng Diyos at muli itong itayo sa loob ng
tatlong araw.”
62
Tumayo ang pinakapunong pari at sinabi kay Jesus, “Wala ka bang
isasagot sa paratang na ito laban sa iyo?” 63 Ngunit hindi umimik si
Jesus. Kaya't sinabi sa kanya ng pinakapunong pari, “Iniuutos ko sa iyo
sa ngalan ng Diyos na buháy, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang
Cristo, ang Anak ng Diyos.” 64 Sumagot si Jesus, “Kayo na ang nagsabi.
At sinasabi ko sa inyo, di na magtatagal at makikita ninyo ang Anak ng
Tao na nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos at dumarating na nasa
alapaap!”
65
Pagkarinig nito, pinunit ng pinakapunong pari ang kanyang damit at
sinabi, “Nilapastangan niya ang Diyos! Hindi na natin kailangan ng mga
saksi. Narinig ninyo ngayon ang kanyang paglapastangan! 66 Ano ang pasya
ninyo?” Sumagot sila, “Dapat siyang mamatay!” 67 Dinuraan nila si Jesus
sa mukha at pinagsusuntok. Pinagsasampal naman siya ng iba,
No comments:
Post a Comment