TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"PAGIBAYUHIN ANG PANANALIG
SA DIYOS MULA KRISTO HESUS
UPANG MALIGTAS AT IPANALANGIN
ANG MGA NASA GITNA NG KARAHASAN"
""Kaya
nga, mga kaatid, magpakatatag kayo at huwag matitina. Magpakasipag kayo
sa gawain para sa Panginoon yamang alam ninyo na di nasasayang ang
inyong pagpapagal sa kanya." 1Corinto 15:58
"kami'y
iniligtas niya nuon sa tiyak na kamatayan at patuloy na inililigtas,
Lubos ang aming pagasa na ami'y ililigtas pa niya. Sa gayon, marami ang
magpasalamat sa kanya dahil sa pagpapala niya sa amin bilang tugon sa
panalangin ng marami." 2Corinto 1:10-11
"Ibig
kong ibalita sa inyo mga kapatid, ang nagawa ng pag-big ng Dios sa mga
iglesya sa Macedonia. Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito'y
isang mahigpit na pagsubok sa kanila. At sa kabila ng kanilang
paghihikahos, masayang -masaya pa rin sila at bukas ang palad sa
pagbibigay."
2Corinto 8:1-2
"Kaya
nga mga kapatid , pagsikapan ninyong mamuhay ayon sa Mabuting Balita
tungkol kay Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong piling o
hindi, makatitiyak akong kayo'y nananatili sa iisang layunin at
sama-sama ninyong ipagtanggol ang Mabuting Balita." Filipos 1:27
"Higit
na mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang
ito'y loobin ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama" 1Pedro 3:17
"Idalangin
din ninyo na kami'y maligtas sa mga buktot at masasamang tao; sapagkat
hindi lahat ay naniniwala sa salita ng Diyos. Tapat ang Panginon.
Bibigyan niya kayo ng lakas at ililigtas sa Diyablo. " 2Tesalonica 3:2-3
1Corinto
Chapter 15:35-58
Ang uri ng Magiging Katawan sa
Muling Pagkabuhay
15
35 Subalit may magtatanong, “Paano bubuhaying muli ang mga patay? Ano
ang magiging uri ng katawan nila?” 36 Hangal! Hindi mabubuhay ang
binhing itinatanim hangga't hindi iyon namamatay. 37 At ang itinatanim
ay hindi halamang malaki na, kundi binhi, tulad ng butil ng trigo, o ng
ibang binhi. 38 Ang Diyos ang nagbibigay ng katawan sa binhing iyon,
ayon sa kanyang kagustuhan; bawat binhi'y binigyan niya ng angkop na
katawan.
39
At hindi pare-pareho ang laman ng mga nilikhang may buhay; iba ang
laman ng tao, iba ang laman ng hayop, iba ang sa mga ibon, at iba ang sa
mga isda. 40 May mga katawang panlangit at mayroon namang panlupa; iba
ang kagandahang panlupa at iba ang kagandahang panlangit. 41 Iba ang
liwanag ng araw, iba naman ang liwanag ng buwan, at iba rin ang ningning
ng mga bituin, at maging ang mga bituin ay magkakaiba ang ningning.
42
Ganyan din sa muling pagkabuhay ng mga patay. Ang inilibing ay
mabubulok, ngunit hindi mabubulok kailanman ang muling binuhay; 43
walang karangalan at mahina nang ilibing, marangal at malakas sa muling
pagkabuhay; 44 inilibing na katawang pisikal, muling mabubuhay bilang
katawang espirituwal. Kung may katawang pisikal, mayroon ding katawang
espirituwal. 45 Ganito ang sinasabi sa kasulatan, “Ang unang tao, si
Adan, ay nilikhang binigyan ng buhay”; ang huling Adan ay espiritung
nagbibigay-buhay. 46 Ngunit hindi nauna ang espirituwal; ang pisikal
muna bago ang espirituwal. 47 Ang unang Adan ay mula sa lupa, sapagkat
nilikha siya mula sa alabok; ang pangalawang Adan ay mula sa langit. 48
Ang katawang panlupa ay katulad ng nagmula sa lupa; ang katawang
panlangit ay katulad ng nagmula sa langit. 49 Kung paanong tayo'y naging
katulad ng taong nagmula sa lupa, matutulad din tayo sa taong
nanggaling sa langit.
50
Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang binubuo ng laman at dugo ay
hindi maaaring makabahagi sa kaharian ng Diyos, at ang katawang
nasisira ay hindi maaaring magmana ng hindi nasisira.
51
Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahat tayo'y mamamatay
ngunit lahat tayo'y babaguhin, 52 sa isang sandali, sa isang kisap-mata,
kasabay ng huling pag-ihip ng trumpeta. Sapagkat sa pagtunog ng
trumpeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na muling mamamatay.
Babaguhin tayong lahat. 53 Ang ating katawang nabubulok ay mapapalitan
ng hindi nabubulok, at ang katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang
hindi namamatay. 54 Kapag ang nabubulok ay napalitan na ng di
nabubulok, at ang may kamatayan ay napalitan na ng walang kamatayan,
matutupad na ang sinasabi sa kasulatan: “Nalupig na ang kamatayan; lubos
na ang tagumpay!”
55 “Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”
56
Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang kapangyarihan ng
kasalanan ay nagmumula sa Kautusan. 57 Magpasalamat tayo sa Diyos na
nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong
Jesu-Cristo!
58
Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag
matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, dahil
alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya.
1
3 Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang
Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. 4
Inaaliw niya kami sa aming mga kapighatian upang sa pamamagitan ng
kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay maaliw naman namin sa mga
nahahapis. 5 Sapagkat kung gaano karami ang aming paghihirap dahil sa
aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan
kay Cristo. 6 Kung naghihirap man kami, ito'y para sa ikaaaliw at
ikaliligtas ninyo. Kapag naaaliw kami, kayo ma'y naaaliw rin at
lumalakas upang inyong matiis ang mga kapighatiang dinaranas ninyo tulad
namin. 7 Kaya't matibay ang aming pag-asa para sa inyo, sapagkat alam
naming kung paanong kahati kayo sa aming kahirapan, magiging kahati rin
kayo sa aming kaaliwan.
8
Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang mga kapighatiang dinanas
namin sa Asia. Napakabigat ng aming dinanas, anupa't akala namin ay
mamamatay na kami. 9 Para kaming hinatulan ng kamatayan. Subalit
nangyari iyon upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos
na muling bumubuhay sa mga patay. 10 Iniligtas niya kami sa malagim na
kamatayan, at patuloy na ililigtas. Kami'y umaasa rin na patuloy niya
kaming ililigtas 11 sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami
ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang
tugon sa panalangin ng marami.
2Corinto
Chapter 8:1-24
Paano Dapat Magbigay ang
Isang Cristiano
8
1 Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang ipinakitang
kagandahang-loob ng Diyos sa mga iglesya sa Macedonia. 2 Dumanas sila ng
matinding kahirapan at ito'y isang mahigpit na pagsubok sa kanila.
Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila
at bukás ang palad sa pagbibigay. 3 Sila'y kusang-loob na nagbigay,
hindi lamang sa abot ng kanilang kaya, kundi higit pa. Alam ko ito
sapagkat 4 mahigpit nilang ipinakiusap sa amin na sila'y bigyan ng
pagkakataong makatulong sa mga kapatid na nangangailangan, 5 at higit pa
sa inaasahan namin. Ibinigay nila ang kanilang sarili, una sa
Panginoon, at pagkatapos ay sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos. 6 Kaya't
pinakiusapan namin si Tito, dahil siya ang nagsimula ng gawaing ito, na
kayo'y tulungan niya hanggang sa malubos ang pagkakawanggawa ninyong
ito. 7 Masagana kayo sa lahat ng bagay: sa pananampalataya, sa
pagpapahayag, sa kaalaman, sa kasipagan, at sa inyong pag-ibig sa amin.
Sikapin ninyong maging masagana rin sa pagkakawanggawang ito.
8
Hindi sa inuutusan ko kayo. Sinasabi ko lamang sa inyo ang pagsisikap
ng iba upang masubok ang katapatan ng inyong pag-ibig. 9 Hindi kaila sa
inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na
mayaman ay naging dukha upang maging mayaman kayo sa pamamagitan ng
kanyang pagiging dukha.
10
Kaya ito ang payo ko: mas mabuting ipagpatuloy ninyo ang inyong
pag-iipon ng kaloob na sinimulan ninyo noon pang isang taon. Kayo ang
nanguna, hindi lamang sa pagsasagawa nito kundi maging sa paghahangad.
11 Kaya't tapusin na ninyo ito! Ang sigasig ninyo noon sa paghahangad ay
tumbasan ninyo ng sigasig na tapusin ang bagay na ito. Magbigay kayo
ayon sa inyong makakaya. 12 Sapagkat kung may hangaring magbigay,
tatanggapin ng Diyos ang inyong kaloob ayon sa inyong makakaya at hindi
ayon sa hindi ninyo kaya.
13
Hindi sa ibig kong guminhawa ang iba at mabigatan naman kayo. 14 Ang
ibig ko ay matulungan ninyo ang isa't isa. Masagana kayo ngayon; marapat
lamang na tulungan ninyo ang mga nangangailangan. Kung kayo naman ang
mangailangan at sila'y sumagana, sila naman ang tutulong sa inyo. Sa
gayon, magkakapantay-pantay ang kalagayan ninyo. 15 Tulad ng nasusulat,
“Ang kumuha ng marami ay hindi lumabis, at ang kumuha ng kaunti ay hindi
naman kinulang.” 16 Salamat sa Diyos dahil inilagay niya sa puso ni
Tito ang gayunding pagmamalasakit. 17 Hindi lamang niya pinaunlakan ang
aming pakiusap, kundi sa kagustuhang makatulong sa inyo, nagprisinta
pang siya ang pupunta riyan. 18 Pinasama namin sa kanya ang kapatid na
kilala sa lahat ng iglesya dahil sa kanyang pangangaral ng Magandang
Balita. 19 Hindi lamang iyan! Siya'y pinili ng mga iglesya upang
maglakbay kasama namin at tulungan kami sa pangangasiwa sa gawaing ito.
Ang ganitong pagkakawanggawa ay para sa ikaluluwalhati ng Panginoon at
upang maipakita ang aming hangaring makatulong.
20
Nag-iingat kami upang walang masabi ang sinuman tungkol sa pangangasiwa
namin sa masaganang kaloob na ito. 21 Ang layunin namin ay gawin kung
ano ang marangal, hindi lamang sa paningin ng Panginoon kundi maging sa
paningin ng mga tao.
22
Kaya isinusugo naming kasama nila ang isa pa nating kapatid na subok na
namin sa maraming pagkakataon, at lalong masigasig sa pagtulong ngayon
dahil sa malaking tiwala niya sa inyo. 23 Tungkol kay Tito, siya ang
kasama ko at kamanggagawa sa pagtulong sa inyo. Tungkol naman sa mga
kapatid na kasama niya, sila'y mga kinatawan ng mga iglesya sa
ikararangal ni Cristo. 24 Kaya't ipadama ninyo sa kanila ang matapat
ninyong pag-ibig upang makita ng mga iglesya na hindi kami nagkamali sa
pagmamalaki tungkol sa inyo.
Filipos
Chapter 1:12-30
Si Cristo ang Buhay
1 12 Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang mga nangyari sa akin
ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. 13
Nalaman ng mga bantay sa palasyo at ng iba pang naririto na ako'y
nabilanggo dahil sa pagsunod ko kay Cristo. 14 At ang karamihan sa mga
kapatid ay lalong tumibay sa kanilang pananalig sa Panginoon dahil sa
aking pagkabilanggo. Hindi lamang iyon, lalo pang lumakas ang kanilang
loob na ipangaral ang salita ng Diyos.
15
Totoo nga na may ilang nangangaral tungkol kay Cristo dahil sa
pagkainggit at pagkahilig sa pakikipagtalo, ngunit mayroon din namang
nangangaral nang may tapat na hangarin. 16 Si Cristo'y ipinapangaral
nila dahil sa tunay na pagmamahal, sapagkat alam nilang ako'y hinirang
upang ipagtanggol ang Magandang Balita. 17 Ngunit ang iba ay nangangaral
nang di tapat sa kalooban, kundi dahil sa udyok ng masamang hangarin,
sapagkat hangad nilang dagdagan pa ang paghihirap ko sa aking
pagkakabilanggo.
18
Ngunit walang anuman sa akin ang lahat ng iyon. Ikinagagalak ko na si
Cristo ay naipapangaral, maging tapat man o hindi ang hangarin ng mga
nangangaral. Ang isa ko pang ikinagagalak 19 ay ang pag-asang ako'y
makakalaya sa pamamagitan ng inyong mga panalangin at sa tulong ng
Espiritu ni Jesu-Cristo. 20 Ang aking pinakananais at inaasahan ay ang
hindi ako mapahiya sa anumang bagay; kundi sa lahat ng panahon, at lalo
na ngayon, ay buong tapang kong maparangalan si Cristo sa buhay man o sa
kamatayan. 21 Sapagkat para sa akin, ang buhay ay para kay Cristo at
ang kamatayan ay pakinabang. 22 Kung ako'y mananatiling buháy, ito'y
kapaki-pakinabang sapagkat marami pa akong magagawang mabubuting bagay.
Hindi ko ngayon malaman kung alin ang aking pipiliin. 23 May pagtatalo
sa loob ko; nais ko nang pumanaw sa mundong ito upang makapiling ni
Cristo, sapagkat ito ang lalong mabuti. 24 Ngunit alang-alang sa inyo,
mas kailangan pang manatili ako sa buhay na ito. 25 Dahil dito,
natitiyak kong ako'y mabubuhay pa at makakasama ninyong lahat upang
matulungan kayong magpatuloy nang may kagalakan sa inyong pananalig sa
Panginoon. 26 Kung magkagayon, lalo ninyo akong maipagmamalaki at lalo
ninyong pupurihin si Cristo Jesus dahil sa aking pagbabalik sa inyo.
27
Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay nang nararapat ayon
sa Magandang Balita ni Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong
piling o hindi, makakatiyak pa rin akong kayo'y naninindigan sa iisang
diwa at sama-samang ipinaglalaban ang pananampalataya sa Magandang
Balita. 28 Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway. Magpakatatag kayo
sapagkat ito mismo ang palatandaan na sila ay mapapahamak at kayo'y
ililigtas ng Diyos. 29 Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang
manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo.
30 Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikipaglabang nakita ninyong ginawa ko
noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon.
1Pedro
Chapter 3:8-22
Pagtitiis Dahil sa Paggawa
ng Mabuti
3
8 Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang
magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong
gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa
inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap
ng pagpapala ng Diyos.
10
Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay,
dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang
at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi. 11 Ang
masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan
ay buhay na mapayapa. 12 Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon,
ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama
ay kanyang sinasalungat.”
13
At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung masigasig kayo sa
paggawa ng mabuti? 14 At sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa
kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at
huwag kayong mabagabag. 15 Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso
bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang
humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo. 16 Ngunit
gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong
malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak
sa inyong magandang pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo. 17 Higit na
mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito'y
ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. 18
Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa
inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y pinatay sa
laman, at muling binuhay sa espiritu. 19 Sa kalagayang ito, nagpunta
siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. 20 Sila ang mga
espiritung ayaw sumunod noong matiyagang naghihintay ang Diyos nang
panahon ni Noe, habang ginagawa nito ang daong. Doon ay iilang tao, walo
lamang, ang nakaligtas sa tubig. 21 Ang tubig ay larawan ng bautismong
nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi nito nililinis ang dumi ng katawan;
ito'y pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo
ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo, 22 na
umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa
mga anghel at sa mga kapangyarihan sa langit.
1Tesalonica
Chapter 3:1-5
Ipanalangin ninyo Kami
3 1 Mga kapatid, bilang pagtatapos, ipanalangin ninyo kami upang ang
salita ng Panginoon ay mabilis na lumaganap at parangalan ng lahat,
tulad ng ginawa ninyo. 2 Idalangin din ninyong maligtas kami sa mga
taong mapaminsala at masasama, sapagkat hindi lahat ay may
pananampalataya sa Diyos. 3 Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang
magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama. 4 Dahil sa
Panginoon, malaki ang aming pagtitiwala na sinusunod ninyo at patuloy na
susundin ang mga itinuro namin sa inyo. 5 Patnubayan nawa kayo ng
Panginoon upang lalo ninyong maunawaan ang pag-ibig ng Diyos at ang
katatagang nagmumula kay Cristo.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 73:18-28
The Trial of the Just
73 18 Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong
inilugmok sila sa kapahamakan. 19 Kung paanong naging kapahamakan sila
sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan. 20 Ang
panaginip sa pagkagising: sa gayon, Oh Panginoon, pag gumising ka, iyong
hahamakin ang kanilang larawan. 21 Sapagka't ang puso ko'y namanglaw,
at sa aking kalooban ay nasaktan ako: 22 Sa gayo'y naging walang muwang
ako, at musmos; ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo. 23 Gayon ma'y
laging sumasaiyo ako: iyong inalalayan ang aking kanan. 24 Iyong
papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa
kaluwalhatian. 25 Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At
walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. 26 Ang aking laman at ang
aking puso ay nanglulupaypay: nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking
puso, at bahagi ko magpakailan man. 27 Sapagka't narito, silang malayo
sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid,
na nagsisihiwalay sa iyo. 28 Nguni't mabuti sa akin na lumapit sa Dios;
ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, upang aking maisaysay
ang lahat ng iyong mga gawa.
No comments:
Post a Comment