TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MAGKASUNDO SUNDO SA PAGPAPAIRAL NG PAGKAKAISA
AT PAGPAPAHALAGA SA BUHAY"
"Magpakabanal
kayo at sikaping makaundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi ninyo
makikita ang panginoon kundi kayo mamumuhay ng ganito." Hebreo 12:14
"Kayat pagsikapan nating gawin ang mga bagay na makapagduidulot ng kapayapaan at makapagpapatibay sa isa't isa." Roma 14:19
Loobin
nawa ng Diyos ang nagpapatatag at nagpapalakas ng loob na mamuhay
kayong may pagkakaisa kay Cristo Jesus, upang sama sama kaong magpuri sa
Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo." Roma 15:5-6
"Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo at bawat isa'y bahagi nito." 1Corinto 12:27
"Una
sa lahat, ipinakikiusap kong paabutin ninyo sa Diyos ang inyong
kahilingan, pananalangin, pamanhik, at pasasalamat sa lahat ng tao.
Gayon din ang gawin ninyo para sa mga hari at mga may kapangyarihan,
upang upang makapamuhay kayo ng tahimik at payapa, marangal at may
kabanalan." 1Timoteo 2:1-2
"Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa." Juan 10:11
"Sapagkat
to ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak
ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. At sila ay muli kong
bubuhayon sa huling Araw." Juan 6:40
Hebreo
Chapter 12:12-29
Mga Babala at Tagubilin
12
12 Dahil dito'y itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at
patatagin ang mga nangangalog na tuhod. 13 Lumakad kayo sa daang matuwid
upang hindi lumala ang mga paang napilay at sa halip ay gumaling ang
nalinsad na buto.
14
Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi
ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.
15 Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig
ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y
napapasamâ ang iba. 16 Pag-ingatan ninyo na huwag makiapid ang sinuman
sa inyo, o pawalang-halaga ang mga bagay na espirituwal, tulad ng ginawa
ni Esau. Ipinagpalit niya sa pagkain ang kanyang karapatan bilang
panganay. 17 Alam ninyo ang nangyari pagkatapos. Hiningi niya sa kanyang
ama na igawad sa kanya ang pagpapalang nauukol sa panganay, ngunit
ito'y itinanggi sa kanya sapagkat hindi na niya mababago ang kanyang
ginawa, anuman ang gawin niyang pakiusap at pagluha.
18
Hindi kayo lumapit sa isang bundok na nakikita, gaya ng mga Israelita
sa bundok ng Sinai. Ito'y may apoy na nagliliyab, nababalutan ng dilim
at may malakas na hangin. 19 Nakarinig sila roon ng tunog ng trumpeta at
ng isang tinig. Nang ang tinig na iyon ay marinig ng mga tao, nakiusap
silang huwag na itong magsalita sa kanila, 20 sapagkat hindi nila kayang
tanggapin ang utos na ito, “Ang sinumang tumapak sa bundok, kahit
hayop, ay babatuhin hanggang sa mamatay.” 21 Talagang nakakakilabot ang
kanilang natanaw, kaya't pati si Moises ay nagsabing, “Nanginginig ako
sa takot!”
22
Sa halip, ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion at ang lungsod ng
Diyos na buháy, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di mabilang
na anghel. 23 Ang dinaluhan ninyo ay masayang pagtitipon ng mga panganay
na anak, na ang mga pangalan ay nakatala sa langit. Ang nilapitan ninyo
ay ang Diyos na hukom ng lahat, at ang mga espiritu ng mga taong
ginawang ganap. 24 Nilapitan ninyo si Jesus, ang tagapamagitan ng bagong
tipan, at ang dugong iwinisik na may pangako ng mas mabubuting bagay
kaysa sa isinisigaw ng dugo ni Abel.
25
Kaya't huwag kayong tumangging makinig sa kanya na nagsasalita. Ang
tumangging makinig sa nagsalita sa kanila dito sa lupa ay hindi
nakaligtas sa parusa! Gaano pa kaya tayo, kung tayo'y tatangging makinig
sa nagsasalita mula sa langit! 26 Dahil sa kanyang tinig, nayanig noon
ang lupa; ngunit ipinangako niya ngayon, “Minsan ko pang yayanigin,
hindi lamang ang lupa, pati na rin ang langit.” 27 Ang mga salitang
“Minsan pa” ay maliwanag na nagsasabing aalisin ang mga nilikhang
nayayanig, upang manatili ang mga bagay na di-nayayanig.
28
Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang
kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang
kalugud-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot, 29 sapagkat tunay
nga na ang ating Diyos ay apoy na tumutupok.
RomaChapter 14:13-23
Huwag Maging Sanh ng Pagkakasala
ng Iyong Kapatid
14
13 Huwag na tayong humatol sa isa't isa. Huwag rin tayong maging
dahilan ng pagkatisod o pagkakasala ng ating kapatid. 14 Dahil sa aking
pakikipag-isa sa Panginoong Jesus, natitiyak kong walang anumang likas
na marumi. Ngunit kung ang sinuman ay naniniwalang marumi ang anumang
bagay, marumi nga iyon sa kanya. 15 Kaya, kung dahil sa kinakain mo ay
natitisod ang iyong kapatid, hindi na ayon sa pag-ibig ang ginagawa mo.
Huwag mong ipahamak ang taong tinubos ng kamatayan ni Cristo dahil sa
iyong kinakain. 16 Pag-ingatan mong ang inaakala mong mabuti ay huwag
masamain ng iba. 17 Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa
pagkain o inumin; ito ay tungkol sa matuwid na pamumuhay, kapayapaan, at
kagalakan na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo. 18 Ang naglilingkod kay
Cristo nang may ganitong kaisipan ay kinalulugdan ng Diyos at
iginagalang ng mga tao.
19 Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa. 20
Huwag ninyong sirain ang ginawa ng Diyos dahil lamang sa pagkain. Lahat
ng pagkain ay malinis at maaaring kainin. Ngunit hindi mabuti na
magkakasala ang iba dahil sa iyong kinakain. 21 Mabuti ang huwag nang
kumain ng karne o uminom ng alak o gumawa ng anumang magiging sanhi ng
pagkakasala ng iyong kapatid. 22 Ikaw at ang Diyos lamang ang dapat
makaalam ng iyong paniniwala tungkol sa bagay na ito. Pinagpala ang
taong hindi sinusumbatan ng kanyang budhi kapag ginagawa niya ang mga
bagay na pinaniniwalaan niyang tama. 23 Ngunit ang sinumang kumakain sa
kabila ng kanyang pag-aalinlangan ay nagkakasala, sapagkat hindi siya
nagiging tapat sa kanyang paniniwala. Ang paggawa ng anuman na labag sa
sariling paniniwala ay kasalanan.
RomaChapter 15:1-6
Bigyang Kasiyahan ang Kapwa,
huwag ang |Sarili
15
1 Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag
ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin. 2 Sikapin nating
lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang
ikalalakas. 3 Sapagkat maging si Cristo man ay hindi naghangad ng
sariling kasiyahan subalit nagpaubaya; tulad ng nasusulat, “Ako ang
binagsakan ng mga pag-alipusta na sa iyo ipinapatama.” 4 Anumang nasa
Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa
pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay
magkaroon tayo ng pag-asa. 5
Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at
lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo
Jesus, 6 upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng
ating Panginoong Jesu-Cristo.
1Corinto
Chapter 12:12-31
Isang Kawatan Ngunit
Maraming Bahagi
2 12
Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na
binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan. 13
Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay
binautismuhan sa pamamagitan ng iisang Espiritu upang maging isang
katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.
14
Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi
lamang. 15 Kung sasabihin ng paa, “Hindi ako kamay kaya't hindi ako
bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 16 Kung
sasabihin ng tainga, “Hindi ako mata, kaya't hindi ako bahagi ng
katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 17 Kung puro mata
lamang ang buong katawan, paano ito makakarinig? Kung puro tainga lamang
ang buong katawan, paano ito makakaamoy? 18 Subalit inilagay ng Diyos
ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban. 19 Kung ang lahat
ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan. 20 Ngunit
ang totoo'y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan.
21
Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni
ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.” 22 Sa katunayan, ang mga
bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan. 23 Ang
mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay
pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na
maganda ang siya nating higit na pinapahalagahan. 24 Hindi na ito
kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Ngunit nang isaayos ng
Diyos ang katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga
bahaging hindi gaanong marangal, 25 upang hindi magkaroon ng
pagkakabaha-bahagi, sa halip ay magmalasakit ang bawat bahagi sa isa't
isa. 26 Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung
pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.
27 Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito.
28 Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga
propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gumagawa ng
mga himala, mga nagpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga
tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba't ibang mga wika. 29 Hindi
lahat ay apostol, propeta o guro; hindi lahat ay binigyan ng kakayahang
gumawa ng mga himala, 30 magpagaling ng mga maysakit, magsalita sa iba't
ibang mga wika o magpaliwanag ng mga wikang ito. 31 Ngunit buong sikap
ninyong hangarín ang mga kaloob na mas dakila. At ngayo'y ituturo ko sa
inyo ang landas na pinakamabuti sa lahat.
1Timoteo
Chapter 2:1-15
Mga Tagubilin Tungkol
sa Panalangin
2 1
Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga
kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao. 2
Idalangin rin ninyo ang mga hari at maykapangyarihan, upang tayo'y
makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.
3 Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas. 4 Ibig
niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito. 5
Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga
tao, ang taong si Cristo Jesus. 6 Inihandog niya ang kanyang buhay upang
tubusin ang lahat mula sa kasalanan. Ang katotohanang ito ay
pinatunayan sa takdang panahon. 7 Dahil dito, ako'y pinili upang maging
mangangaral, apostol at tagapagturo ng pananampalataya at katotohanan
para sa mga Hentil. Totoo ang sinasabi ko, at hindi ako
nagsisinungaling!
8 Sa lahat ng dako, nais kong ang mga lalaki ay manalangin nang may malinis na puso, walang sama ng loob at galit sa kapwa.
9
Ang mga babae naman ay dapat maging mahinhin, maayos at kagalang-galang
sa pananamit at ayos ng buhok. Hindi sila dapat maging magarbo sa
pananamit at maluho sa mga mamahaling alahas na ginto o perlas. 10 Sa
halip, ang maging palamuti nila ay ang mabubuting gawa, gaya ng
nararapat sa mga babaing itinuturing na maka-Diyos. 11 Ang mga babae ay
dapat matuto nang tahimik at nagpapasakop. 12 Hindi ko pinapayagan ang
mga babae na magturo o mamuno sa mga lalaki, kundi dapat silang
manahimik. 13 Sapagkat unang nilalang si Adan bago si Eva, 14 at hindi
si Adan ang nadaya kundi si Eva ang nadaya at nagkasala. 15 Ngunit
maliligtas ang babae sa pagsisilang ng sanggol, kung magpapatuloy siya
sa pananampalataya, pag-ibig, kabanalan at maayos na pamumuhay.
Juan
Chapter 10:7-21
Si Jesus ang Mabuting Pastol
10
7 Kaya't muling sinabi ni Jesus, “Pakatandaan ninyo: ako ang pintuang
dinaraanan ng mga tupa. 8 Ang mga nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga
tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. 9 Ako ang pintuan.
Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't
lalabas, at makakatagpo ng pastulan. 10 Dumarating ang magnanakaw para
lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay
magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.
11 “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. 12
Ang upahan ay tumatakas kapag may dumarating na asong-gubat. Iniiwan
niya ang mga tupa, palibhasa'y hindi siya pastol at hindi kanya ang mga
ito. Kaya't sinusunggaban ng asong-gubat ang mga ito at binubulabog. 13
Tumatakas siya, palibhasa'y upahan lamang at walang malasakit sa mga
tupa. 14 - 15 Ako nga ang mabuting pastol. Kung paanong kilala ako ng
Ama at siya'y kilala ko, gayundin naman, kilala ko ang aking mga tupa at
ako nama'y kilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa aking
mga tupa. 16 Mayroon akong iba pang mga tupa na wala pa sa kulungang
ito. Kinakailangang sila'y ipasok ko rin, at papakinggan nila ang aking
tinig. Sa gayon, magkakaroon ng isang kawan na may isang pastol.
17
“Dahil dito'y minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking
buhay upang ito'y kunin kong muli. 18 Walang makakakuha ng aking buhay;
kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at
mayroon akong kapangyarihang kunin itong muli. Ang utos na ito'y
tinanggap ko mula sa aking Ama.”
19
Dahil sa mga pananalitang ito, nagkabaha-bahagi muli ang mga Judio. 20
Marami sa kanila ang nagsabi, “Sinasapian siya ng demonyo! Nababaliw
siya! Bakit kayo nakikinig sa kanya?” 21 Sinabi naman ng iba, “Hindi
makakapagsalita nang ganoon ang isang sinasapian ng demonyo!
Nakakapagpagaling ba ng bulag ang demonyo?”
Juan
Chapter 6:25-59
Si Jesus ang Pagkaing
Nagbibigay buhay
6 25
Nang makita nila si Jesus sa ibayo ng lawa, siya'y tinanong nila,
“Guro, kailan pa kayo rito?” 26 Sumagot si Jesus, “Totoo ang sinasabi
kong ito: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo,
kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. 27 Huwag ang pagkaing
nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi
nasisira na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa
inyo ng Anak ng Tao, sapagkat ipinapakita ng Diyos Ama na siya ang may
ganitong karapatan.” 28 Kaya't siya'y tinanong nila, “Ano po ang dapat
naming gawin upang aming matupad ang ipinapagawa ng Diyos?” 29 “Ito ang
ipinapagawa sa inyo ng Diyos, sumampalataya kayo sa sinugo niya,” tugon
ni Jesus. 30 “Ano pong himala ang maipapakita ninyo upang sumampalataya
kami sa inyo? Ano po ang inyong gagawin? 31 Ang aming mga ninuno ay
kumain ng manna sa ilang; ayon sa nasusulat, ‘Sila'y binigyan niya ng
tinapay na galing sa langit,’” sabi nila. 32 Sumagot si Jesus,
“Pakatandaan ninyo: hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na
galing sa langit. Ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na
tinapay na galing sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay na galing sa Diyos
ay ang bumabâ mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sangkatauhan.” 34
Sumagot sila, “Ginoo, bigyan po ninyo kaming lagi ng tinapay na ito.” 35
Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay
hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na
mauuhaw kailanman.
36
Ngunit sinabi ko na sa inyo, nakita na ninyo ako, ngunit hindi pa rin
kayo sumasampalataya sa akin. 37 Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay
sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang
lumalapit sa akin. 38 Ako'y bumabâ mula sa langit, hindi upang gawin ang
sarili kong kalooban, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin. 39 At
ito ang kanyang kalooban: ang huwag kong hayaang mapahamak ang kahit
sinuman sa mga ibinigay niya sa akin, kundi ang buhayin ko silang muli
sa huling araw. 40 Sapagkat ito ang
kalooban ng aking Ama: ang lahat ng nakakakita sa Anak at
sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At
sila'y muli kong bubuhayin sa huling araw.”
41
Nagbulung-bulungan ang mga Judio dahil sa sinabi niyang, “Ako ang
tinapay na bumabâ mula sa langit.” 42 Sinabi nila, “Hindi ba ito si
Jesus na anak ni Jose? Kilala natin ang kanyang ama't ina. Paano niya
masasabi ngayong bumabâ siya mula sa langit?” 43 Kaya't sinabi ni Jesus,
“Tigilan ninyo ang inyong bulung-bulungan. 44 Walang makakalapit sa
akin malibang dalhin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin. At ang
lumalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw. 45 Nasusulat sa
aklat ng mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’ Ang bawat
nakikinig sa Ama at natututo sa kanya ay lumalapit sa akin. 46 Hindi
ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama; ang nagmula sa Diyos ang
tanging nakakita sa Ama.
47
Pakatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang
hanggan. 48 Ako ang tinapay ng buhay. 49 Kumain ng manna ang inyong mga
ninuno nang sila'y nasa ilang, ngunit sila'y namatay. 50 Narito ang
tinapay na bumabâ mula sa langit upang ang sinumang kumain nito ay hindi
na mamatay. 51 Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumabâ mula
sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na
ito. At ang tinapay na ibibigay ko upang mabuhay ang sanlibutan ay ang
aking laman.”
52
Dahil dito'y nagtalu-talo ang mga Judio, “Paanong maibibigay sa atin ng
taong ito ang kanyang laman upang makain natin?” 53 Sinabi ni Jesus,
“Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at
inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. 54 Ang
kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang
hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. 55 Sapagkat ang
aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa
akin, at ako naman sa kanya. 57 Isinugo ako ng buháy na Ama at ako'y
nabubuhay dahil sa kanya. Gayundin naman, ang sinumang kumakain sa akin
ay mabubuhay dahil sa akin. 58 Ito ang tinapay na bumabâ mula sa langit.
Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga ninuno sa ilang; namatay sila
kahit na kumain niyon. Ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay
magpakailanman.” 59 Sinabi ito ni Jesus sa sinagoga habang siya'y
nagtuturo sa Capernaum.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 110:1-7
God Appoints the King,
Both King ang Priest
110
1 Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan,
hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. 2
Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion:
magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway. 3 Ang bayan mo'y naghahandog na
kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
mula sa bukang liwayway ng umaga, ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
4 Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote
magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech. 5 Ang Panginoon
sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot. 6
Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, kaniyang pupunuin ng mga bangkay
ang mga pook; siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain. 7 Siya'y iinom sa batis sa daan: kaya't siya'y magtataas ng ulo.
No comments:
Post a Comment