TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
MESSAGE OF GOD
"MAPAGKATIWALAAN
BILANG ALAGAD NG DIYOS
AT MAGING MAKATOTOHANAN ANG LAHAT"
"Ang
mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya din sa
malaking bagay. Kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng
sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo sa tunay na kayamanan."
Lucas 16:10-11
"Manapay sa pamamagitan ng pagssalitan ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, magiging ganap tayo kay Cristo na siyang ulo." Efeso 4:15
"Ang masamay lalong nagpapakasama at ang manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila man ay malilinlang."2Timoteo 3:13
"Tayong
lahat ay malimit magkamali. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang
pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili." Kapag
nilagyan ng bokado ang bibig ng kabayo, ito'y napasusunod at napapunta
saanman natin ibig. At ganyan din ang dila ng tao: kay liit na bahagi
ng katawan ngunit malaki ang nalilikhang kayabangan." Ngunit walang
nakakasupil sa dila. Ito'y napakasama at walang tigil, puno ng kamandag
na nakakamatay." Santiago 3:2-4,5,8
"Ipinamamanhik
ko na alagaan ninyo ang kawan ng ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos.
Pamahalaanan ninyo ito ng maluwag sa inyong loob, hindi napipilitan
lamang kayo, sapagkat iyan ng ibig ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong
tungkulin, hindi dahil sa masakim na paghahangad ng pansariling
kapakinabangan, kundi sa katuwaang maglingkod; hindi bilang panginoong
ng inyong mga nasasakupan kundi bilang uliran ng inyong mga kawan." 1Pedro 5:2-3
Lucas
Chapter 16:1-13
Ang Talinghaga tungkol sa Tusong Katiwala
16 1 Sinabi rin ni Jesus sa kanyang mga alagad, “May taong mayaman na
may isang katiwala. May nagsumbong sa kanyang nilulustay nito ang
kanyang ari-arian. 2 Kaya't ipinatawag niya ang katiwala at tinanong,
‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ibigay mo sa akin ang ulat ng
iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3
Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na
ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos. 4 Alam ko na ang aking gagawin! Maalis
man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang
tahanan.’ 5 Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang
amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6
Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ Kaya sabi ng katiwala,
‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka't palitan mo,
gawin mong limampu.’ 7 At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang
utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan
ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8 Pinuri ng
amo ang madayang katiwala dahil sa katusuhang ipinamalas nito. Sapagkat
ang mga makasanlibutan ay mas tuso kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng
mga bagay ng mundong ito.”
9
At nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita, “Kaya't sinasabi ko sa inyo,
gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa
inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa
tahanang walang hanggan. 10 Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na
bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11 Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala
sa inyo ng tunay na kayamanan? 12 At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan
sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa
inyo?
13
“Walang aliping maaaring maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang
tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod
sa Diyos at sa kayamanan.”
Efeso
Chapter 4:1-16
Ang Pagkakaisa sa Espiritu
4 1 Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa
inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. 2 Kayo'y
maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa
inyong pagmamahal sa isa't isa. 3 Sikapin ninyong mapanatili ang
pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod
sa inyo. 4 May iisang katawan at iisang Espiritu, kung paanong may
iisang pag-asa na para doon kayo'y tinawag ng Diyos. 5 May iisang
Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, 6 iisang Diyos at
Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at
nananatili sa lahat.
7
Ang bawat isa sa ati'y nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na
ibinigay ni Cristo. 8 Ganito ang sinasabi ng kasulatan: “Nang umakyat
siya sa kalangitan, nagdala siya ng maraming bihag, at nagbigay ng mga
kaloob sa mga tao.”
9
Anong ibig sabihin ng “umakyat siya”? Ang ibig sabihin niyan ay bumabâ
muna siya sa mga kailalimang bahagi ng lupa. 10 Ang bumabâ ay siya rin
namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang
presensya ang buong sangnilikha. 11 At binigyan niya ang ilan ng kaloob
upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga
ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro. 12 Ginawa niya ito
upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging
matatag ang katawan ni Cristo, 13 hanggang makarating tayo sa pagkakaisa
ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang
ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. 14 Nang sa gayon,
hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng
sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay
dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at
panlilinlang. 15 Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan
sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na
siyang ulo nating lahat. 16 Sa pamamagitan niya, ang buong katawan ay
pinag-uugnay-ugnay ng mga kasukasuan na mula rin sa kanya. At kung
maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, lumalaki ang katawan
at pinapatatag nito ang sarili sa pamamagitan ng pag-ibig.
2Timoteo
Chapter 3:10-17
Ang Huling Tagubilin
10
Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking ugali at layunin
sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig
at katapatan. 11 Nasaksihan mo ang mga pag-uusig at paghihirap na
dinanas ko sa Antioquia, Iconio at Listra. Napagtiisan ko ang mga ito!
At sa lahat ng ito ay iniligtas ako ng Panginoon. 12 Gayundin naman, ang
lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo
Jesus ay daranas ng mga pag-uusig, 13 samantalang ang masasama ay lalo
namang magpapakasama, at ang manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at
sila man ay malilinlang din. 14 Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral
na natutunan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang mga
nagturo nito sa iyo. 15 Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na
Kasulatan, na may kapangyarihang magbigay sa iyo ng karunungan tungo sa
kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16 Ang
lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa
pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa
likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, 17 upang
ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting
gawain.
Santiago
Chapter 3:1-12
Ang Dila
3
1 Mga kapatid, huwag maghangad na maging guro ang marami sa inyo, dahil
alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mas mahigpit kaysa
iba. 2 Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang
hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong
magpigil sa sarili. 3 Kapag nilagyan ng renda ang bibig ng kabayo,
ito'y napapasunod natin at napapabaling saanman natin naisin. 4 Gayundin
ang barko. Kahit na ito'y napakalaki at itinutulak ng malalakas na
hangin, naibabaling ito saanman naisin ng piloto sa pamamagitan ng
napakaliit na timon.
5
Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit
napakalaki ng mga ipinagyayabang. Isipin na lamang ninyo kung paano
napapalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan. 6
Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa
ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog
ang lahat sa buhay ng tao. 7 Lahat ng uri ng ibon at hayop na lumalakad,
o gumagapang, o nakatira sa tubig ay kayang paamuin, at napaamo na ng
tao, 8 ngunit wala pang nakakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi
mapigil, at puno ng kamandag na nakamamatay. 9 Ito ang ginagamit natin
sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin
sa panlalait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos. 10 Sa iisang bibig
nanggagaling ang pagpupuri at panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga
kapatid. 11 Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at
tubig-alat. 12 Mga kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang
puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal
ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat
1Pedro
Chapter 5:1-11
Ang Kawan ng Diyos
.5
1 Sa matatandang namumuno sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring
matandang pinuno ng iglesya na tulad ninyo, bilang saksi sa mga
paghihirap ni Cristo at sapagkat makakabahagi ako sa karangalang malapit
nang ipahayag. 2 Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala
sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan
lamang. [Iyan ang nais ng Diyos]. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin,
hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, 3
hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa
kayo sa kawan. 4 At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng
maluwalhating koronang di kukupas kailanman. 5 At kayo namang mga
kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat
ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas,
ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.”
6
Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya
kayo pagdating ng takdang panahon. 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang
inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
8
Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay
parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa. 9
Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa
Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng mga
kahirapan, kundi gayundin ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. 10
Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na
siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa
inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di
matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang
walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo. 11 Sa kanya ang
kapangyarihan magpakailanman! Amen.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 56:1-7
Trust in God
56
1 Maawa ka sa akin, Oh Dios: sapagka't sasakmalin ako ng tao: buong
araw ay nangbababag siya na pinipighati ako. 2 Ibig akong sakmalin ng
aking mga kaaway buong araw: sapagka't sila'y maraming may kapalaluan na
nagsisilaban sa akin. 3 Sa panahong ako'y matakot, aking ilalagak ang
aking tiwala sa iyo. 4 Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita), sa
Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong
magagawa ng laman sa akin? 5 Buong araw ay binabaligtad nila ang aking
mga salita: lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa
ikasasama. 6 Sila'y nagpipisan, sila'y nagsisipagkubli, kanilang
tinatandaan ang aking mga hakbang, gaya ng kanilang pagaabang sa aking
kaluluwa. 7 Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama? Sa galit ay
ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios.
No comments:
Post a Comment