TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
Ang Kapanganakan ng
Panginoong Cristo Jesus
"Manganganak
siya ng isang lalaki; at ito'y panganganlan mong Jesus, sapagkat suya
ang magliligtas ng kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan." Nangyari
ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng
propeta: "Maglilhi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki At
tatawain itong Emmanuel" (ang kahuluga'y "Kasama natin ang Diyos")" Mateo 1:21-23
"Paglapit
ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, kanyang binati ito. "Matuwa ka!
Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos," wika niy. "Sumainyo ang Panginoon!"
Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti
kung ano ang kahulungan niyon. Kaya't sinabi sa kanya ng anghel ,"Huwag
kang matakot, Maria, sapagkat kinalugdan ka ng Diyos. Makinig ka ikaw
ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya'y panganganlan mong
Jesus." Lucas 1:28-31
"Mula
sa Nazareth, Galilea, si Jose'y pumunta sa Betlehem, Judea , bayang
sinilangan ni Haring David, sapagkat siya ay mula sa angkan at lahi ni
David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang
magiging asawa na noo'y kagampan. Samantalang naroon sila, dumating ang
oras ng panganganak ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at
ito;y lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang
sabsaban. sapagkat wala nang lugar para sa bahay panuluyan." Lucas 2:14-6
"ngunit sinabi sa kanila ng anghel, "Huag kayong matakot! Ako'y may
dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan
sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong
Tagapagligtas. ang Cristong Panginoon. Ito ang palatandaan;
matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga
sa sabsaban." Biglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hukbo
ng kaalngitan, na nagpupuri sa Diyos: "Papuri sa Diyos sa kaitaasan, At
sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!" Lucas 2:10:14
"Gayon
na lamang ang galak ng mga pantas ng makita nila ang tala Pagpasok sa
bahay, nakita nila ang sanggol sa piling ni Maria na kanyang ina;
nagpatirapa sila at siya'y sinamba. Binuksan nila ang kanilang mga
sisidlan at hinandugan siya ng ginto at kamanyang at mira."
Mateo 2:10-11
"Nawa'y
manahan si Cristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa
kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, ay
maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang kung gaano kadakila ang pag-ibig
ni Cristo. At nawa'y makilala ninyo ang di-matingkalang pag-ibig ng
ito, upang mapuspos kayo ng kapuspusan ng Diyos." Efeso 3:17
Mateo
Chapter 1:18-25
Ang Pagkapanganak kay
Jesu-Cristo
1 18
Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina
at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal,
nagdadalang-tao na si Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu
Santo. 19 Subalit dahil isang matuwid na tao si Jose na kanyang
mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, binalak
niyang hiwalayan si Maria nang palihim. 20 Ngunit habang pinag-iisipan
ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng
Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang
matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay
mula sa Espiritu Santo. 21 Magsisilang siya ng isang batang lalaki at
Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang
bayan sa kanilang mga kasalanan.”
22
Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa
pamamagitan ng propeta, 23 “Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng
isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel” (ang kahulugan
nito'y “Kasama natin ang Diyos”). 24 Nang magising si Jose, sinunod niya
ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria. 25 Ngunit
hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito ng isang anak na
lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni Jose sa sanggol.
Lucas
Chapter 1:26-34
Ipinahayag ang Panganganak
kay Jesus
1 26 Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel
na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea,
upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay
nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David.
28 Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay
lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” 29 Naguluhan
si Maria sa sinabi ng angel at inisip niyang mabuti kung ano ang
kahulugan ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang
matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig
ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at
siya'y papangalanan mong Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging
Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang
trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob
magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.”
34
“Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria.
35 Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka
sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang
mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36 Hindi ba't ang kamag-anak
mong si Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na
buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, 37
sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” 38
Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang
iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.
Lucas
Chapter 2:1-7
Isinilang si Jesus
2
1 Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng
sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. 2 Ang unang sensus na
ito ay ginawa noong si Cirenio ang gobernador ng Siria. 3 Kaya't umuwi
ang mga tao sa sarili nilang bayan upang magpatala.
4
Mula sa Nazaret, isang lungsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea,
sa Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya'y mula
sa angkan ni David. 5 Kasama rin niyang umuwi upang magpatala si Maria
na kanyang magiging asawa, na noon ay nagdadalang-tao. 6 Habang sila'y
nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria. 7 Isinilang
niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang
sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa
kanila sa bahay-panuluyan.
LucasChapter 2:8-20
Ang mga Pastol at mga
Anghel
8
Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga
tupa nang gabing iyon. 9 At tumayo sa harapan nila ang isang anghel ng
Panginoon at nagliwanag sa kapaligiran nila ang kaluwalhatian ng
Panginoon. Ganoon na lamang ang kanilang pagkatakot. 10 Ngunit sinabi sa
kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang
balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao.
11 Isinilang sa inyo ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang
Cristong Panginoon. 12 Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang
isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”
13
Biglang lumitaw kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel
sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit, 14 “Papuri sa
Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan
niya!”
15
Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay
nag-usap-usap, “Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito
na ibinalita sa atin ng Panginoon.” 16 Nagmamadali silang pumunta roon
at natagpuan nila sina Maria at Jose, at naroon ang sanggol na nakahiga
sa sabsaban. 17 Nang makita ng mga pastol ang sanggol, isinalaysay nila
ang sinabi ng anghel tungkol dito. 18 Namangha ang lahat ng nakarinig sa
sinabi ng mga pastol. 19 Tinandaan ni Maria ang mga bagay na ito, at
ito'y kanyang pinagbulay-bulayan. 20 Umalis ang mga pastol na nagpupuri
sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig
nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel. 21
Efeso
Chapter 14-20
Ang Pag-ibig ni Cristo
3
14 Dahil dito, ako'y lumuluhod sa harapan ng Ama, 15 na mula sa kanya'y
nagkakaroon ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa lupa. 16
Idinadalangin kong sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay palakasin niya
ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan. 17
Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong
pananalig. Dalangin ko na ang pag-ibig ang maging ugat at pundasyon sa
lahat ng inyong gawain 18 upang inyong lubusang maunawaan, kasama ng mga
hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, kahaba, kataas, at kalalim ang
kanyang pag-ibig. 19 At nawa'y maunawaan ninyo ang pag-ibig ni Cristo na
hindi kayang abutin ng pag-iisip at sa gayo'y mapuspos kayo ng buong
katangian ng Diyos.
20
Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at
isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; 21
sa kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo
Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen.
No comments:
Post a Comment