"Kumapit sa  Panginoong Jesu-Cristo sa 
Pinanghihinaan ng loob" 
"Ginigipit
 kami sa magkabila-kabila ngunit di nagagapi; kung minsan nagaalinlangan
 ngunit di nawawalan ng pagasa. Pinaguusig kami ngunit di nawawalan ng 
kaibigan; naibubuwal ngunit di tuluyang nalulugmok." 
2 Corinto 4:8-9
 
"Kayat
 hindi ako pinanghihinaan ng loob, Bagamat humihina ang aking katawang 
lupa, patuloy namang lumalakas ang aking espiritu." 2Corinto 4:16
 
"Bagamat
 siya'y mahina nang ipako sa krus, nabubuhay siya ngayon sa 
kapangyarihan ng Diyos.  Dahil sa pakikipagisa sa kanya, ako'y mahina 
rin ngunit nabubuhay ako ngayon sa kapangyarihan ng Diyos upang mangaral
 sa inyo." "Akoy nagagalak na maging mahina kung kayo naman ay lalakas. 
 Kaya, idinadalangin ko rin na kay'y maging ganap."  2Corinto 13:4
 
 "Sa
 wakas magpakatibay kayo sa pamamagitan ng pakikipagisa sa Panginoon at 
sa tulong ng dakilang kapangyarihan niya.  Isuot ninyo nag Baluting 
kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang lalang diyablo." Efeso 6:10
 
 "Huwag
 kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay.  Sa halip ay hingin nino sa 
Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may 
pasasalamat.  At di malirip na kapayapaan ng Diyos ang magiingat sa 
inyong puso at pagiisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus." Filipos 4:6-7
 
 "Aliwin
 nawa kayo ng ating Panginoong Jesu Cristo at ng ating Diyos at Ama na 
umiibig sa atin at sa kanyang habag ay nagbigay sa ating ng pagbabagong 
pagasang lakas ng loob at matibay na pag-asa.  Bigyan nwa kayo ng 
matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng 
mabuti." 2Tesalonica 2:16-17
  4
 1 Dahil sa habag ng Diyos, ibinigay niya sa amin ang paglilingkod na 
ito kaya't hindi humihina ang aming loob. 2 Tinalikuran namin ang lahat 
ng lihim at kahiya-hiyang gawain. Hindi kami nanloloko ng mga tao, at 
hindi namin pinipilipit ang salita ng Diyos. Sa halip, hayagan naming 
ipinapangaral ang katotohanan. Kaya't maaari kaming suriin ninuman sa 
harapan ng Diyos. 3 Kung may talukbong pa ang Magandang Balitang 
ipinapahayag namin, ito'y may talukbong lamang sa mga napapahamak. 4 
Hindi sila sumasampalataya sapagkat ang kanilang isip ay binulag ng 
diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag
 ng Magandang Balita tungkol sa kaluwalhatian ni Cristo na siyang 
larawan ng Diyos. 5 Hindi namin ipinapangaral ang aming sarili, kundi si
 Cristo Jesus bilang Panginoon. At kami ay lingkod ninyo alang-alang kay
 Jesus. 6 Sapagkat ang Diyos na nag-utos na magkaroon ng liwanag sa 
gitna ng kadiliman ay siya ring nagbigay liwanag sa aming isip upang 
makilala namin ang kaluwalhatian ng Diyos na nahahayag sa mukha ni 
Cristo. 
 
7
 Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay tulad 
sa mga palayok na gawa sa putik, upang ipakilala na ang dakilang 
kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin. 8 Kabi-kabilaan ang 
pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y 
nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. 9 Inuusig kami, 
ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang 
nailulugmok. 10 Lagi naming taglay sa aming katawan ang kamatayan ni 
Jesus, upang sa pamamagitan ng aming katawan ay mahayag ang kanyang 
buhay. 11 Habang kami'y nabubuhay, lagi kaming nabibingit sa kamatayan 
alang-alang kay Jesus upang sa aming katawang may kamatayan ay mahayag 
ang kanyang buhay. 12 Kaya't habang nagwawagi sa amin ang kamatayan, 
nagwawagi naman sa inyo ang buhay. 
 
13
 Sinasabi ng kasulatan, “Nagsalita ako sapagkat ako'y sumampalataya.” Sa
 ganoon ding diwa ng pananampalataya, nagsasalita kami dahil kami'y 
sumasampalataya. 14 Sapagkat alam naming ang Diyos na muling bumuhay sa 
Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay sa amin kasama si Jesus, at 
magdadala sa atin sa kanyang piling. 15 Ang lahat ng pagtitiis ko ay 
para sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakakatanggap ng 
kagandahang-loob ng Diyos, lalo pang dumami ang magpapasalamat sa 
ikaluluwalhati niya. 16 Kaya't hindi kami nasisiraan ng loob. Kahit na 
humihina ang aming katawang-lupa, patuloy namang pinalalakas ang aming 
espiritu araw-araw. 17 Ang bahagya at panandaliang kapighatiang 
dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at 
walang katulad. 18 Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na
 di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian 
lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na
 di-nakikita.
    
 13
 1 Ito ang ikatlong pagpunta ko riyan. “Ang anumang sumbong ay 
kailangang patunayan ng dalawa o tatlong saksi.” 2 Ngayong ako'y wala 
riyan, inuulit ko sa mga nagkasala, at sa iba pa, ang sinabi ko noong 
pangalawang dalaw ko; hindi ako mag-aatubiling parusahan sila pagdating 
ko riyan. 3 Gagawin ko ito upang patunayan sa inyong si Cristo ay 
nagsasalita sa pamamagitan ko. Hindi siya mahina sa pakikitungo sa inyo,
 kundi makapangyarihan. 4 Kahit na siya'y mahina nang ipako sa krus, 
nabubuhay siya ngayon sa kapangyarihan ng Diyos. Dahil sa pakikipag-isa 
namin sa kanya, kami'y mahina rin, ngunit sa pakikitungo sa inyo, kami 
ay nabubuhay na kasama niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. 
 
5
 Subukin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo'y namumuhay ayon sa 
pananampalataya. Suriin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo 
nalalamang nasa inyo si Cristo Jesus? Maliban na lang kung kayo'y mga 
bigo sa pagsubok. 6 Umaasa akong makikita rin ninyo na hindi kami bigo. 7
 Idinadalangin namin sa Diyos na sana'y huwag kayong gumawa ng masama, 
hindi upang palabasing kami'y tama, kundi upang magawa ninyo ang mabuti,
 kahit lumitaw na kami'y nabigo. 8 Sapagkat para sa katotohanan lamang 
ang maaari naming gawin at hindi laban sa katotohanan. 9 Kami'y 
nagagalak kapag kami ay mahina at kayo naman ay malakas. Kaya't 
idinadalangin naming kayo'y maging ganap. 10 Isinusulat ko ang mga bagay
 na ito habang ako'y wala pa riyan upang sa aking pagdating, hindi na 
kailangan pang magpakita ako ng bagsik sa paggamit ng kapangyarihang 
ibinigay sa akin ng Panginoon. Ang kapangyarihang ito'y ibinigay sa akin
 upang kayo'y tumibay at hindi upang kayo'y masira. 
 
11
 Mga kapatid, paalam na sa inyo. Sikapin ninyong maging ganap at sundin 
ninyo ang mga payo ko; magkaisa na kayo, at mamuhay nang payapa. Sa 
gayon, sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan. 12 Magbatian kayo 
bilang magkakapatid na nagmamahalan. Kinukumusta kayo ng lahat ng mga 
kabilang sa sambayanan ng Diyos. 13 Nawa'y sumainyong lahat ang 
kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo, at ang pag-ibig ng Diyos, at
 ang pakikisama ng Espiritu Santo.
 
 
 Efeso
Chapter 6:10-20
Ang Balutng Kaloob ng Diyos 
 
 6
 10 Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa 
Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. 11 Isuot ninyo ang buong
 kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga
 pakana ng diyablo. 12 Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, 
kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng 
kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng 
kasamaan sa himpapawid. 13 Kaya't gamitin ninyo ang kasuotang pandigma 
na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating
 ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag
 pa rin kayong nakatayo. 
 
14
 Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng 
katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; 15 isuot ninyo 
ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng 
kapayapaan. 16 Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na 
siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. 17 Isuot 
ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na 
walang iba kundi ang Salita ng Diyos. 18 Manalangin kayo sa lahat ng 
pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong 
maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. 
19 Ipanalangin din ninyong ako'y pagkalooban ng wastong pananalita upang
 buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito. 20 
Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at ngayo'y nakabilanggo.
 Kaya't ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng 
nararapat. 
 
 
 
Filipos
Chapter 84:1-8
Magalak Kayo s Panginoon 
 4
 1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking 
kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa 
inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon. 2 Nakikiusap ako kina Euodia
 at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3 
Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong katuwang, tulungan mo ang 
dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap
 ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa 
ko. Ang mga pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay. 
 
4 Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo! 
 
5
 Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang 
dumating ang Panginoon. 6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang 
bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa 
pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos
 na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso 
at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 
 
8
 Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na 
karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, 
malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.
 
 
 
2Tesalonica
Chapter 2:13-16
Hinirang Upang Iligtas
 
 2
 13 Mga kapatid na minamahal ng Panginoon, dapat kaming magpasalamat 
palagi sa Diyos dahil sa inyo. Kabilang kayo sa mga unang pinili niya 
upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng 
inyong pananalig sa katotohanan. 14 Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan
 ng Magandang Balita na ipinahayag namin sa inyo upang makasama kayo sa 
kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya nga, mga kapatid,
 magpakatatag kayo at panghawakan ninyo ang mga katuruang ipinasa namin 
sa inyo, sa pamamagitan man ng aming sinabi o isinulat. 16 Aliwin nawa 
kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo mismo at ng ating Diyos Ama na 
umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay nagbigay sa atin
 ng walang hanggang kaaliwan at magandang pag-asa. 17 Bigyan nawa kayo 
ng matatag na kalooban para sa lahat ng mabuting gawa at salita.
 
 
 
 
 
No comments:
Post a Comment