TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Nanahan ang Diyos sa
bahay ng mga dukha sa pamamagitan ng
Panginoong Cristo Jesus upang
gabayan sa pamumuhay at ihayag
ang kanyang paghahari"
"Alam
ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig ng ating Panginoong Jesu Cristo na
bagamat mayaman ay nagpakadukha upang yumaman kayo sa pamamagitan ng
kanyang karukhaan." 2Corinto 8:9
"Pinili
niya ang mga itinuturing na hamak, walang halaga, at walang kabuluhan
sa sanlibutang tio upang pawalang halaga ang mga itinuturing na dakila
sa sanlibutan." 1Corinto 1:28
"Yamang
si Crito'y nagbata ng hirap sa buhay na ito, kayo man ay daat maging
handa sa pagtitis. Sapagkat ang nagtitiis ng hirap sa buhay na ito ay
tumatalikod sa pagkakasala." 1Pedro 4:1
"Mapalad ang mga aba na walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian." Mateo 5:3
"Kaya
sinasabi ko sa inyo?: Humingi kayo, at kayo'y bibigyan; humanap kayo,at
kayo'y makasusumpong; kumatok kao, at ang pinto'y bubuksan para sa
inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat
humaanap; at bubuksan ang pinto sa bawat kumakatok." Lucas 11:9-10
"At
anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang
maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang
hihilingin ninyo sa pangalan ko." Juan 14:13-14
2Corinto
Chapter 8:1-24
Paano Dapat Magbigay
ang Isang Cristiano
8
1 Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang ipinakitang
kagandahang-loob ng Diyos sa mga iglesya sa Macedonia. 2 Dumanas sila ng
matinding kahirapan at ito'y isang mahigpit na pagsubok sa kanila.
Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila
at bukás ang palad sa pagbibigay. 3 Sila'y kusang-loob na nagbigay,
hindi lamang sa abot ng kanilang kaya, kundi higit pa. Alam ko ito
sapagkat 4 mahigpit nilang ipinakiusap sa amin na sila'y bigyan ng
pagkakataong makatulong sa mga kapatid na nangangailangan, 5 at higit pa
sa inaasahan namin. Ibinigay nila ang kanilang sarili, una sa
Panginoon, at pagkatapos ay sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos. 6 Kaya't
pinakiusapan namin si Tito, dahil siya ang nagsimula ng gawaing ito, na
kayo'y tulungan niya hanggang sa malubos ang pagkakawanggawa ninyong
ito. 7 Masagana kayo sa lahat ng bagay: sa pananampalataya, sa
pagpapahayag, sa kaalaman, sa kasipagan, at sa inyong pag-ibig sa amin.
Sikapin ninyong maging masagana rin sa pagkakawanggawang ito.
8
Hindi sa inuutusan ko kayo. Sinasabi ko lamang sa inyo ang pagsisikap
ng iba upang masubok ang katapatan ng inyong pag-ibig. 9 Hindi kaila sa
inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na
mayaman ay naging dukha upang maging mayaman kayo sa pamamagitan ng
kanyang pagiging dukha.
10
Kaya ito ang payo ko: mas mabuting ipagpatuloy ninyo ang inyong
pag-iipon ng kaloob na sinimulan ninyo noon pang isang taon. Kayo ang
nanguna, hindi lamang sa pagsasagawa nito kundi maging sa paghahangad.
11 Kaya't tapusin na ninyo ito! Ang sigasig ninyo noon sa paghahangad ay
tumbasan ninyo ng sigasig na tapusin ang bagay na ito. Magbigay kayo
ayon sa inyong makakaya. 12 Sapagkat kung may hangaring magbigay,
tatanggapin ng Diyos ang inyong kaloob ayon sa inyong makakaya at hindi
ayon sa hindi ninyo kaya.
13
Hindi sa ibig kong guminhawa ang iba at mabigatan naman kayo. 14 Ang
ibig ko ay matulungan ninyo ang isa't isa. Masagana kayo ngayon; marapat
lamang na tulungan ninyo ang mga nangangailangan. Kung kayo naman ang
mangailangan at sila'y sumagana, sila naman ang tutulong sa inyo. Sa
gayon, magkakapantay-pantay ang kalagayan ninyo. 15 Tulad ng nasusulat,
“Ang kumuha ng marami ay hindi lumabis, at ang kumuha ng kaunti ay hindi
naman kinulang.”
16
Salamat sa Diyos dahil inilagay niya sa puso ni Tito ang gayunding
pagmamalasakit. 17 Hindi lamang niya pinaunlakan ang aming pakiusap,
kundi sa kagustuhang makatulong sa inyo, nagprisinta pang siya ang
pupunta riyan. 18 Pinasama namin sa kanya ang kapatid na kilala sa lahat
ng iglesya dahil sa kanyang pangangaral ng Magandang Balita. 19 Hindi
lamang iyan! Siya'y pinili ng mga iglesya upang maglakbay kasama namin
at tulungan kami sa pangangasiwa sa gawaing ito. Ang ganitong
pagkakawanggawa ay para sa ikaluluwalhati ng Panginoon at upang
maipakita ang aming hangaring makatulong.
20
Nag-iingat kami upang walang masabi ang sinuman tungkol sa pangangasiwa
namin sa masaganang kaloob na ito. 21 Ang layunin namin ay gawin kung
ano ang marangal, hindi lamang sa paningin ng Panginoon kundi maging sa
paningin ng mga tao.
22
Kaya isinusugo naming kasama nila ang isa pa nating kapatid na subok na
namin sa maraming pagkakataon, at lalong masigasig sa pagtulong ngayon
dahil sa malaking tiwala niya sa inyo. 23 Tungkol kay Tito, siya ang
kasama ko at kamanggagawa sa pagtulong sa inyo. Tungkol naman sa mga
kapatid na kasama niya, sila'y mga kinatawan ng mga iglesya sa
ikararangal ni Cristo. 24 Kaya't ipadama ninyo sa kanila ang matapat
ninyong pag-ibig upang makita ng mga iglesya na hindi kami nagkamali sa
pagmamalaki tungkol sa inyo.
1CorintoChapter 1:18-31
Si Crito and Kapangyarihan at
Karunungan ng Diyos
1
18 Ang mensahe tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan
para sa mga taong napapahamak, ngunit ito'y kapangyarihan ng Diyos para
sa ating mga naliligtas. 19 Sapagkat nasusulat, “Sisirain ko ang
karunungan ng marurunong at gagawin kong walang saysay ang katalinuhan
ng matatalino.”
20
Ano ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan,
ng mahuhusay na debatista sa kapanahunang ito? Ipinapakita ng Diyos na
ang karunungan ng sanlibutang ito ay pawang kahangalan lamang.
21
Sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya pinahintulutang siya'y
makilala ng tao sa pamamagitan ng kanilang karunungan. Sa halip,
minarapat niyang iligtas ang mga nagpapasakop sa kanya sa pamamagitan ng
Magandang Balita na aming ipinapangaral, na sa tingin ng iba'y isang
kahangalan. 22 Ang mga Judio'y humihingi ng himala bilang katunayan.
Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griego. 23 Ngunit ang
ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para sa mga
Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan. 24
Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griego, si
Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. 25 Sapagkat ang
inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit pa sa
karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay
kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao.
26
Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin
ng Diyos. Ayon sa pamantayan ng tao ay iilan lamang sa inyo ang
matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika. 27 Subalit pinili
ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang
marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang
malalakas. 28 Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hinahamak, at
mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga
kinikilala ng sanlibutan. 29 Kaya't walang sinumang makakapagmalaki sa
harap ng Diyos. 30 Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa
pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan
natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang
banal at iniligtas ng Diyos. 31 Kaya nga, tulad ng nasusulat, “Ang
sinumang nais magmalaki, ang ginawa ng Panginoon ang kanyang
ipagmalaki.”
No comments:
Post a Comment