"MAGPABAUTISMO SA TUBIG
AT ESPIRITU UPANG MAKAISA
SA PAGHAHARI NG DIYOS"
"Sinasabi
ko sa inyo," ani Jesus, "maliban na ang isang tao ay ipanganak sa tubig
at sa Espiritu, hindi siya paghaharian ng Diyos." Juan3:5
"Sumagot
si Pedro, "Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan at
magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at
ipagkaloob sa inyo, ang Espiritu Santo." Gawa 2:38
"Magbago
na kayo ng Diwa at pagiisip; at ang dapat makita sa inyo'y ang bagong
pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran
at kabanalan."
Efeso 4:23-24
"Ang
tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas ngayon sa inyo. Ang
bautismo ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa
Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa
pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu Cristo. na umakyat sa langit
at ngayo'y nakaluklok sa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa mga
anghel at sa mga kapangyarihan at lakas ng makalangit." 1Pedro 3:21-22
"Ang
sumunod sa utos ng Diyos ay nanatili sa Diyos, at ang Diyos ay
nananatili naman sa kanya. At sa pamamagitan ng Espiritu na
ipiangkaloob niya sa atin ay nalalaman natin an nananatili siya sa
atin."1Juan 3:24
3 1 May isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo na pinuno ng mga Judio.
2 Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Rabi, nalalaman po
naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang
makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.” 3
Sumagot si Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak
na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” 4
“Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok
pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling ipanganak?” tanong
ni Nicodemo. 5 Sagot naman ni Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito:
malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng
Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. 6 Ang taong
ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay
espiritu. 7 Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, ‘kayong lahat ay
kailangang ipanganak na muli.’ 8 Umiihip ang hangin kung saan nito nais
at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito
nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak sa
Espiritu.” 9 “Paano po mangyayari iyon?” tanong ni Nicodemo. 10 Sumagot
si Jesus, “Guro ka pa naman sa Israel, hindi mo nauunawaan ang mga bagay
na ito? 11 Pakatandaan mo: ang sinasabi namin ay nalalaman namin, at
ang pinapatotohanan namin ay nasaksihan namin, subalit hindi ninyo
tinatanggap ang aming patotoo. 12 Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang
mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, paano pa ninyo
mapapaniwalaan ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay doon sa langit? 13
Wala pang sinumang umakyat sa langit kundi ang bumabâ mula sa langit,
ang Anak ng Tao.”
14
At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang,
gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, 15 upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. 16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't
ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan. 17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang
hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan
niya.
18
Hindi hinahatulan ng parusa ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit
hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya
sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. 19 Ganito ang paghatol ng
Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang
dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa. 20
Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit
dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa. 21 Ngunit ang namumuhay
ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga
ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos.
Gawa
Chapter 2:14-42
Sermon ni Pedro
2
14 Kaya't tumayo si Pedro, kasama ng labing-isang apostol, at nagsalita
nang malakas, “Mga taga-Judea, at kayong lahat na nakatira sa
Jerusalem, pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko. 15 Hindi lasing
ang mga taong ito, gaya ng palagay ninyo. Alas nuwebe pa lamang ng umaga
ngayon. 16 Ang nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni Propeta
Joel,
17
‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos, ‘Ibubuhos ko
ang aking Espiritu sa lahat ng tao; ipahahayag ng inyong mga anak na
lalaki at babae ang aking mensahe. Ang inyong mga kabataang lalaki ay
makakakita ng mga pangitain, at ang inyong matatandang lalaki ay
magkakaroon ng mga panaginip. 18 Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang
aking Espiritu, sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae, at
ipahahayag nila ang aking mensahe. 19 Magpapakita ako ng mga
kababalaghan sa langit at mga himala sa lupa; dugo, apoy at makapal na
usok. 20 Ang araw ay magdidilim, ang buwan ay pupulang parang dugo, bago
dumating ang dakila at maluwalhating araw ng Panginoon. 21 At sinumang
tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’
22
“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo
ng Diyos. Pinatunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga
palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito
sapagkat ang lahat ng ito ay naganap sa kalagitnaan ninyo. 23 Ang Jesus
na ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa
mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama.
24 Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos at pinalaya mula sa
kapangyarihan ng kamatayan, sapagkat hindi maaaring siya'y bihagin
nito,
25
gaya ng sinabi ni David tungkol sa kanya, ‘Nakita ko ang Panginoon na
lagi kong kasama, hindi ako matitinag sapagkat kapiling ko siya. 26
Dahil dito, natuwa ang puso ko at ang mga salita ko'y napuno ng galak,
at ang katawan ko'y mananatiling may pag-asa. 27 Sapagkat ang kaluluwa
ko'y di mo pababayaan sa daigdig ng mga patay, At hindi mo hahayaang
makaranas ng pagkabulok ang iyong Banal na Lingkod. 28 Itinuro mo sa
akin ang mga landas patungo sa buhay, dahil ikaw ang kasama ko, ako'y
mapupuno ng kagalakan.’
29
“Mga kapatid, may katiyakang sinasabi ko sa inyo na ang ninuno nating
si David ay namatay at inilibing, at naririto ang kanyang libingan
hanggang ngayon. 30 Siya'y propeta at alam niya ang pangako sa kanya ng
Diyos, na magiging haring tulad niya ang isang magmumula sa kanyang
angkan.
31
Noon pa man ay nakita na ni David ang muling pagkabuhay ng Cristo at
ipinahayag niya ito nang kanyang sabihing, ‘hindi siya pinabayaan sa
daigdig ng mga patay, at hindi nakaranas ng pagkabulok ang kanyang
katawan.’
32
Ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos at saksi kaming lahat sa
pangyayaring iyon. 33 Pinaupo siya sa kanan ng Diyos at tinanggap niya
mula sa Ama ang ipinangakong Espiritu Santo. Ito ang kanyang ibinuhos sa
amin, tulad ng inyong nakikita at naririnig.
34
Hindi si David ang umakyat sa langit, kundi sinabi lamang niya, ‘Sinabi
ng Panginoon sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko, 35 hanggang
lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”’
36
“Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako
ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!”
37
Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, kaya't tinanong nila
si Pedro at ang ibang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang dapat naming
gawin?” 38 Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong
mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang
kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. 39
Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat
ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”
40
Marami pang inilahad si Pedro upang patunayan ang kanyang sinabi, at
nanawagan siya sa kanila, “Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa
parusang sasapitin ng masamang lahing ito.” 41 Kaya't ang mga naniwala
sa ipinangaral niya ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng
may tatlong libong katao nang araw na iyon. 42 Inilaan nila ang kanilang
mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol, magsama-sama bilang
magkakapatid, magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at manalangin.
Efeso
Chapter 4:17-32
Ang Bagong Buhay kay Cristo
4
17 Sa pangalan ng Panginoon, binabalaan ko kayo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng mga hindi sumasampalataya. Walang kabuluhan ang
kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang
kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob
ng Diyos. 19 Sila'y naging alipin ng kahalayan at wala na silang
kahihiyan. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
20
Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na
ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa
kanya. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang
inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23
Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay
ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa
matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
25
Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay
magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan.
26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag
ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong
bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang
magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling
ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit
ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa
pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig. 30 At huwag
ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo, sapagkat siya ang tatak
ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang
araw.
31
Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na
kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. 32 Sa
halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad
ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
1Pedro 3
8 Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang
magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong
gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa
inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap
ng pagpapala ng Diyos.
10
Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay,
dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang
at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi. 11 Ang
masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan
ay buhay na mapayapa. 12 Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon,
ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama
ay kanyang sinasalungat.”
13
At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung masigasig kayo sa
paggawa ng mabuti? 14 At sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa
kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at
huwag kayong mabagabag. 15 Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso
bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang
humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo. 16 Ngunit
gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong
malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak
sa inyong magandang pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo. 17 Higit na
mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito'y
ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. 18
Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa
inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y pinatay sa
laman, at muling binuhay sa espiritu. 19 Sa kalagayang ito, nagpunta
siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. 20 Sila ang mga
espiritung ayaw sumunod noong matiyagang naghihintay ang Diyos nang
panahon ni Noe, habang ginagawa nito ang daong. Doon ay iilang tao, walo
lamang, ang nakaligtas sa tubig. 21 Ang tubig ay larawan ng bautismong
nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi nito nililinis ang dumi ng katawan;
ito'y pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo
ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo, 22 na
umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa
mga anghel at sa mga kapangyarihan sa langit.
1Juan
No comments:
Post a Comment