THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates APRIL 05, 2020
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem Mateo Chapter 21:1-11
Ang Banal na Hapunan Marcos Chapter 14:22-26
Ang Banal na Hapunan Marcos Chapter 14:22-26
Ipinako si Jesus sa Krus Juan Chapter 19:16-26
Ang Pagkamatay ni Jesus Marcos Chapter 15:33-41
Inulos ang Tagiliran ni Jesus Juan Chapter 19:31-37
Inulos ang Tagiliran ni Jesus Juan Chapter 19:31-37
Ang Pag-ibig ni Cristo Efeso Chapter 3:14-21
Ang Pag-ibig ng Diyos Roma Chapter 8:31-39
Ang Pag-ibig ng Diyos Roma Chapter 8:31-39
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"SAKRIPISYO NG DIYOS AT PANGINOONG KRISTO
HESUS SA KALIGTASAN NG SANGKATAUHAN"
"HOLY WEEK"
"Dinala
nila ang inahing asno at ang bisiro, at isinapin sa likod ng mga ito
ang kanilang balabal. At sumakay si Jesus. Maraming naglatag ng
kanilang balabal sa daan; ang iba namay pumutol ng mga sanga ng kahoy at
inilatag sa daan. Nagsigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa
kanya: "Mabuhay ang Anak ni David! Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng
Panginoon." Mateo 21:8-9
"Samantalang
sila'y kumakain, dumampot ng tinapay si Jesus, at matapos magpasalamat
sa Diyos ay kanyang pinagpiraso at ibinigay sa mga alagad. "Kunin
ninyo; ito ang aking katawan," wika niya Hinawakan niya ang saro, at
matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat."
Marcos 14:22-23
"At
lumabas siya na pasan ang kanyang krus, patungo sa lugar na kung
tawagi'y "Dako ng Bungo" ( sa wikang Hebreo ay Golgota). Pagdating
doon, siya'y ipinako nila sa krus, kasama ang dalawa pa isa sa gawing
kanan at isa sa kaliwa."Juan 19:17-18
"At
nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat hanggang ikatlo ng
hapon. Nang magiikatlo na hapon, si Jesus ay sumigaw, " Eloi, Eloi,
luma sabachtani?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko Diyos ko! Bakit mo ako
pinabayaan?" Sumigaw ng malakas si Jesus at nalagutan ng hininga.
Biglang nahawak sa gitna ang tabing ng templo mula sa itaas hanggang sa
ibaba. Nakatayo sa harap ng krus ang isang kapitan ng mga kawal at
kanyang nakita kung paano namatay si Jesus kaya't sinabi niya, Tunay
ngang anak ng Diyos ang tang ito." Marcos 15:33,37-39
"Ngunit
pagdating nila kay Jesus at makitang patay na siya, hindi na nila
binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal
ang tagiliran ni Jesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig." Juan
19:33-34
"Naway
manahan sI Cristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa
kanya upang sa inyong apguugat at pagiging matatag sa pag-ibig, ay
maunawaan ninyo, kasama ang hinirang, kung gaano kadakila ang pagibig ni
Cristo." Efeso 3:17-19
"Hindi
niya ipinagkait ang sarli niyang Anak kundi ibinigay para sa ating
lahat, Kung naipagkaloob niya sa atin ang kanyang Anak, hindi ba niya
ipagkakaloob sa ating ang lahat ng bagay, kasama nag kanyang Anak?" Roma
8:32
Mateo
Chapter 21:1-11
Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem
Marcos
Chapter 14:22-26
Ang Banal na Hapunan
Juan
Chapter 19:16-26
Ipinako si Jesus sa Krus
23
Nang si Jesus ay maipako na ng mga kawal, kinuha nila ang kanyang
kasuotan at pinaghati-hati sa apat na bahagi, isa sa bawat kawal. Kinuha
rin nila ang kanyang mahabang panloob na kasuotan; ito'y walang tahi at
hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba. 24 Kaya't
nag-usap-usap ang mga kawal, “Huwag nating punitin ito; magpalabunutan
tayo para malaman kung kanino ito mapupunta.” Sa gayon, natupad ang
isinasaad ng Kasulatan, “Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan; at
para sa aking damit sila'y nagpalabunutan.” Ganoon nga ang ginawa ng mga
kawal.
25
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong
babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. 26 Nang
makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa
tabi nito, sinabi niya, “Ginang, narito ang iyong anak!” 27 At sinabi
niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, pinatira ng alagad na
ito sa kanyang bahay ang ina ni Jesus.
Marcos
Chapter 15:33-41
Ang Pagkamatay ni Jesus
38
At napunit sa gitna ang tabing ng Templo, mula sa itaas hanggang sa
ibaba. 39 Nakatayo sa harap ng krus ang opisyal ng mga kawal. Nang
makita kung paano namatay si Jesus, sinabi niya, “Tunay ngang Anak ng
Diyos ang taong ito!” 40 Naroon din ang ilang babaing nakatanaw mula sa
malayo. Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Salome, at si Maria na
ina ng nakababatang si Santiago at ni Jose. 41 Mula pa sa Galilea ay
sumusunod na sila at naglilingkod kay Jesus. Naroon din ang iba pang mga
babaing kasama ni Jesus na pumunta sa Jerusalem.
Juan
Chapter 19:31-37
Inulos ang Tagiliran ni Jesus
Efeso
Chapter 3:14-21
Ang Pag-ibig ni Cristo
Roma
Chapter 8:31-39
Ang Pag-ibig ng Diyos
8 31
Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa
atin, sino ang makakalaban sa atin? 32 Kung ang sarili niyang Anak ay
hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi
kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? 33 Sino ang
makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang
Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? 34 Sino ang hahatol upang sila'y
parusahan? Si Cristo Jesus ba na namatay, ngunit higit sa lahat ay
muling binuhay, at ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa
atin? 35 Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang
kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan,
panganib, o kamatayan? 36 Ayon sa nasusulat, “Dahil sa inyo'y buong araw
kaming pinapatay, turing nila sa amin ay mga tupang kakatayin lamang.”
37 Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa
pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. 38 Sapagkat natitiyak kong
walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan
o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga
kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, 39 ang kataasan o ang
kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa
pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus
na ating Panginoon.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 121:1-8 / 119:41
The Lord My Guardian
A Prayer to God a Law Giver
119 41Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS OTHER WEBSITES
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
No comments:
Post a Comment