THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
5 1 Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!
1 1 Mula kay Pedro, isang apostol ni Jesu-Cristo— Sa mga hinirang ng Diyos na nakikipamayan sa mga lalawigan ng Ponto, Galacia, Capadocia, Asia, at Bitinia. 2 Kayo'y pinili ng Diyos Ama ayon sa kanyang layunin sa mula't mula pa at pinabanal ng Espiritu Santo, upang maging masunurin kay Jesu-Cristo at nilinis sa pamamagitan ng kanyang dugo. Sumagana nawa sa inyo ang kagandahang-loob at kapayapaan. 3 Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa 4 na magmamana tayo ng kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo. 5 Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng panahon. 6 Ito'y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. 7 Ang ginto, bagama't nasisira, ay pinapadaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay sinusubok upang malaman kung ito'y talagang tapat. Sa gayon kayo'y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo. 8 Hindi ninyo siya nakita ngunit siya'y inibig ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, ngunit sumasampalataya kayo sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita, 9 sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong buhay. 10 Tungkol sa kaligtasang ito masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propetang nagpahayag tungkol sa pagpapalang nakalaan sa inyo. 11 Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang unang ipahayag nito ang hirap na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya. 12 Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa kanila. Ang mga katotohanang ito'y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng Magandang Balita sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo mula sa langit. Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga katotohanang ito.
Updates APRIL 21, 2019
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Manatiling Malaya Galacia Chapter 5:1-26
Ang Tunay na Puno ng Ubas Juan Chapter 15:1-27
Si Jesus ang Muling Pagkabuhay at ang buhay Juan Chapter 11:17-27
Malaki ang ating Pag-asa 1Pedro Chapter 1:1-12
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"LOVE FOR ETERNITY IN FAITH TO GOD
THRU JESUS CHRIST"
"PAGPAPALAYA NG PANGINOONG KRISTO
HESUS SA SANGKATAUHAN"
"Pinalaya tayo ni Cristo upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo, at huwag nang paalipin muli." Galacia 5:1
"Mga
kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit hwag ninyong gamitin
ang inyong kalayaan upang masunod ang pita ng laman, kundi maglingkod
kayo sa isat isa dahil sa pag-ibig." Galacia 5:13
"Ito
ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang
pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang
buhay para sa kanyang kaibigan." Juan 15:12
"Sinabi
ni Jesus, " Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang nananalig sa
akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at
nananalig sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Pinaniniwalaan mo ba
ito." Juan 11:25
"Purihin
ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng awa
ng Diyos sa atin, tayo'y isinilang sa isang panibagong buhay
Jesu-Cristo. Ang bagong buhay na iyan ang nagbigay sa atin ng malaking
pag-asa na kamtan natin ang isang kayamanang walang kapintasan, di
nasisira, at di-kukupas. Ang kayamanang iyan ay nakalaan sa inyo duon
sa langit."
Pedro 1:3-4
Galacia
Chapter 5:1-26
Manatiling Malaya
5 1 Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!
2 Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo.
3 Binabalaan ko ang lahat ng taong nagpapatuli, tungkulin nilang sumunod sa buong Kautusan.
4
Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa
Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at napalayo kayo
sa kagandahang-loob ng Diyos.
5 Kami'y umaasa na magiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y sa kapangyarihan ng Espiritu.
6
Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga kung ang
isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang gumagawa
sa pamamagitan ng pag-ibig.
7 Maganda na sana ang inyong pagtakbo. Sino ang humarang sa inyong pagsunod sa katotohanan?
8 Hindi kayo hihikayatin ng ganyan ng Diyos na tumawag sa inyo.
9 Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa ng harina.”
10
Naniniwala akong sasang-ayon kayo sa akin sa bagay na ito, dahil sa
ating kaugnayan sa Panginoon. At natitiyak kong paparusahan ng Diyos ang
sinumang nanggugulo sa inyo.
11
Mga kapatid, kung talagang nangangaral pa ako na kailangan ang
pagtutuli, bakit pa ako inuusig hanggang ngayon? Kung iyo'y totoo, hindi
na sana nila ikinagagalit ang aking pangangaral tungkol sa pagkamatay
ni Cristo sa krus.
12 At ang mga nanggugulo sa inyo ay huwag lamang patuli kundi tuluyan na nilang putulan ang sarili nila.
13
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman
ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman,
kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.
14 Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
15
Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop,
mag-ingat kayo at baka tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.
16
Sinasabi ko sa inyo, mamuhay kayo ayon sa Espiritu at hindi ninyo
pagbibigyan ang mga pagnanasa ng laman. 17 Sapagkat ang mga pagnanasa ng
laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu
ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya
napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin.
18 Kung pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.
19 Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan;
20
pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away,
pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at
pagkakabaha-bahagi,
21
pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba
pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay
hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan,
23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.
24
At ipinako na sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang
laman at ang masasamang hilig nito. 25 Kung binigyan tayo ng buhay ng
Espiritu, mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu.
26 Huwag tayong maging palalo, huwag nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.
15 1 “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
11 17 Pagdating ni Jesus, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro. 18 May tatlong kilometro lamang ang layo ng Jerusalem sa Bethania, 19 at maraming Judio ang dumalaw kina Martha at Maria upang makiramay sa pagkamatay ng kanilang kapatid. 20 Nang mabalitaan ni Martha na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito, ngunit si Maria nama'y naiwan sa bahay. 21 Sinabi ni Martha, “Panginoon, kung narito po kayo, hindi sana namatay ang kapatid ko. 22 Subalit alam kong kahit ngayo'y ipagkakaloob sa inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya.” 23 “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” sabi ni Jesus. 24 Sumagot si Martha, “Alam ko pong siya'y mabubuhay muli sa huling araw.” 25 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; 26 at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?” 27 Sumagot siya, “Opo, Panginoon! Naniniwala po akong kayo ang Cristo, ang Anak ng Diyos na inaasahang darating sa sanlibutan.”
Juan
Chapter 15:1-27
Ang Tunay na Puno ng Ubas
15 1 “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
2
Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang
pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa
nang lalong sagana.
3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo.
4
Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga
ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo
magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
5
“Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at
ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong
magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.
6
Ang hindi nananatili sa akin, gaya ng sanga ay itinatapon at natutuyo.
Ang ganoong mga sanga ay tinitipon, inihahagis sa apoy at nasusunog.
7
Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga
salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at matutupad iyon para sa
inyo.
8 Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga at sa gayon kayo'y magiging mga alagad ko.
9 Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig.
10
Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking
pag-ibig, kung paanong tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y
nananatili sa kanyang pag-ibig.
11 “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon ay malubos ang inyong kagalakan.
12 Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.
13
Ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa
kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila.
14 Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos.
15
Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng
alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong
mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa
aking Ama.
16 Hindi kayo ang
pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang ko kayo upang kayo'y
humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang
hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo. 17 Ito nga
ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”
18 “Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, alalahanin ninyong ako muna ang kinapootan nito bago kayo.
19
Kung kayo'y taga-sanlibutan, kayo'y mamahalin nito bilang kanya. Ngunit
hindi kayo taga-sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, kaya
napopoot sa inyo ang sanlibutan.
20
Alalahanin ninyo ang sinabi kong ito: walang aliping higit kaysa
kanyang panginoon. Kung ako'y inusig nila, uusigin din nila kayo. Kung
sinunod nila ang aking sinabi, susundin rin nila ang inyong sasabihin.
21 Subalit ang lahat ng ito'y gagawin nila sa inyo dahil sa akin, sapagkat hindi nila kilala ang nagsugo sa akin.
22
Kung hindi ako naparito at nagsalita sa kanila, hindi sana
mapapatunayang nagkasala sila. Ngunit ngayo'y wala na silang
maidadahilan sa kanilang kasalanan.
23 Ang napopoot sa akin ay napopoot din sa aking Ama.
24
Kung hindi ko sana ginawa sa kanilang kalagitnaan ang mga gawaing hindi
pa nagawa ninuman, wala sana silang kasalanan. Ngunit nakita na nila
ang aking mga gawa subalit sa kabila nito'y kinapootan pa rin nila ako
at ang aking Ama.
25 Subalit nangyari ito upang matupad ang sinasabi sa kanilang Kautusan, ‘Napoot sila sa akin nang walang dahilan.’
26
“Ngunit pagdating ng Patnubay na susuguin ko mula sa Ama, ang Espiritu
ng katotohanan na nagmumula sa Ama, siya ay magpapatotoo tungkol sa
akin.
27 At magpapatotoo rin kayo tungkol sa akin, sapagkat kasama na ninyo ako buhat pa sa simula.
Juan
Chapter 11:17-27
Si Jesus ang Muling Pagkabuhay at ang buhay
11 17 Pagdating ni Jesus, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro. 18 May tatlong kilometro lamang ang layo ng Jerusalem sa Bethania, 19 at maraming Judio ang dumalaw kina Martha at Maria upang makiramay sa pagkamatay ng kanilang kapatid. 20 Nang mabalitaan ni Martha na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito, ngunit si Maria nama'y naiwan sa bahay. 21 Sinabi ni Martha, “Panginoon, kung narito po kayo, hindi sana namatay ang kapatid ko. 22 Subalit alam kong kahit ngayo'y ipagkakaloob sa inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya.” 23 “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” sabi ni Jesus. 24 Sumagot si Martha, “Alam ko pong siya'y mabubuhay muli sa huling araw.” 25 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; 26 at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?” 27 Sumagot siya, “Opo, Panginoon! Naniniwala po akong kayo ang Cristo, ang Anak ng Diyos na inaasahang darating sa sanlibutan.”
1Pedro
Chapter 1:1-12
Malaki ang ating Pag-asa
1 1 Mula kay Pedro, isang apostol ni Jesu-Cristo— Sa mga hinirang ng Diyos na nakikipamayan sa mga lalawigan ng Ponto, Galacia, Capadocia, Asia, at Bitinia. 2 Kayo'y pinili ng Diyos Ama ayon sa kanyang layunin sa mula't mula pa at pinabanal ng Espiritu Santo, upang maging masunurin kay Jesu-Cristo at nilinis sa pamamagitan ng kanyang dugo. Sumagana nawa sa inyo ang kagandahang-loob at kapayapaan. 3 Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa 4 na magmamana tayo ng kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo. 5 Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng panahon. 6 Ito'y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. 7 Ang ginto, bagama't nasisira, ay pinapadaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay sinusubok upang malaman kung ito'y talagang tapat. Sa gayon kayo'y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo. 8 Hindi ninyo siya nakita ngunit siya'y inibig ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, ngunit sumasampalataya kayo sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita, 9 sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong buhay. 10 Tungkol sa kaligtasang ito masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propetang nagpahayag tungkol sa pagpapalang nakalaan sa inyo. 11 Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang unang ipahayag nito ang hirap na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya. 12 Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa kanila. Ang mga katotohanang ito'y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng Magandang Balita sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo mula sa langit. Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga katotohanang ito.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
24 1 Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito. 2 Sapagka't itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat, at itinatayo sa ibabaw ng mga baha. 3 Sinong aahon sa bundok ng Panginoon? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal? 4 Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso; na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan, at hindi sumumpa na may kabulaanan. 5 Siya'y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon, at ng katuwiran sa Dios ng kaniyang kaligtasan. 6 Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya, na nagsisihanap ng iyong mukha, sa makatuwid baga'y Jacob. (Selah) 7 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan; at kayo'y mangataas, kayong mga walang hanggang pintuan: at ang hari ng kaluwalhatian ay papasok. 8 Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoong malakas at makapangyarihan, ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka. 9 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan; Oo, magsitaas kayo, kayong mga walang hanggang pintuan: at ang hari ng kaluwalhatian ay papasok. 10 Sino itong Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang Hari ng kaluwalhatian. (Selah)
Mga Awit
Chapter 24:1-10
The Glory of God in Procession in Zion

FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
No comments:
Post a Comment