Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Saturday, 16 March 2019

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates MARCH 17, 2019


THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates MARCH 17, 2019
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------


Humingi, Humanap, Kumatok Mateo Chapter 7:7-12 
Ang Aral Mula sa Puno ng Igos Marcos Chapter 11:20-26
Pananalig sa Diyos Lucas Chapter 12:22-31
Si Jesus ang Daan Juan Chapter 14:1-14
Ang Pagpapakain sa Apat na Libo Mateo Chapter 15:32-39
Pagtitiyaga at Pananalangin Santiago Chapter 5:7-20





TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"GOD AND JESUS CHRIST
MIRACLES"

"Humingi kayo, at kayo'y bibigyan; humanap kayo, at kayo'y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto'y bubuksan para sa inyo."  Mateo 7:7

"Kayat sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa pananalangin, manalig kayong natanggap na ninyo iyo, at matatanggap nga ninyo.  Kapag kayo'y mananalangin, patawarin muna ninyo ang sinumang nagkasala sa inyo upang ipagpatawad din naman sa inyo ng inyong Amang nasa langit ang inyong pagkakasala." Marcos 11:24-25 

"Higit sa lahat, pagsumakitan ninyong pagharian kayo ng Diyos, at ipagkakaloob niya ang kinakailangan ninyo." Lucas 12:31 

At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawain ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak.  Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko." Juan 14:13-14


""Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinagpira-piraso niya ang mga iyon, at ibinigay sa mga alagad.  Ipinamahagi naman nila iyon sa mga tao.  Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nil ang mga pira pirasong tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki.  At may 4,000 lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babe at bata." Mateo 15:36-38


"Sinasabi nating mapalad ang nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at ang ginawa sa kanya ng panginoon sa bandang huli, ipinakilala na mabuti at mahabagin ang Panginoon." 5:11 

"Si Elias ay isang taong tulad din natin.  Mataimtim niyang idinalangin na huwag umulan, at sa loob ng tatlong taon at anim na buwan ay hindi nga umulan.  Muli siyang nanalangin at bumagsak ang ulan, at namunga ang mga halaman." Santiago 5:17-18



Mateo
Chapter 7:7-12
Humingi, Humanap, Kumatok
(Lu. 11:9-13)

7“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 8Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 9Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? 10Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? 11Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!

12“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”



Marcos
Chapter 11:20-26
Ang Aral Mula sa Puno ng Igos
(Mt. 21:20-22)

20Kinaumagahan, pagdaan nila'y nakita nilang natuyo ang puno ng igos hanggang sa mga ugat nito. 21Naalala ni Pedro ang nangyari dito kaya't kanyang sinabi kay Jesus, “Guro, tingnan ninyo! Patay na ang puno ng igos na isinumpa ninyo.”

22Sumagot si Jesus, “Manalig kayo sa Diyos. 23Tandaan ninyo ito: kung kayo'y nananampalataya sa Diyos at hindi kayo nag-aalinlangan, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat,’ at ito nga ay mangyayari. 24Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon. 25-26Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit.”

Lucas
Chapter 12:22-31
Pananalig sa Diyos
(Mt. 6:25-34)

22Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong pagkain para mabuhay o tungkol sa damit na ibibihis sa inyong katawan, 23sapagkat ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. 24Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang bodega o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon! 25Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng pangangamba? 26Kung hindi ninyo magawâ ang ganoong kaliit na bagay, bakit kayo nangangamba tungkol sa ibang mga bagay? 27Tingnan ninyo ang mga bulaklak sa parang at unawain kung paano sila lumalago. Hindi sila nagtatrabaho ni humahabi man. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon, sa kabila ng kanyang kayamanan, ay hindi nakapagdamit ng kasingganda ng isa sa kanila. 28Kung dinaramtan ng Diyos ang mga damo sa parang na buháy ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! 29Kaya't huwag kayong labis na mag-isip kung saan kayo kukuha ng kakainin at iinumin. Huwag na kayong mangamba. 30Ang mga bagay na ito ang pinagkakaabalahan ng mga taong di nananalig sa Diyos. Alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 31Subalit, pagsikapan muna nang higit sa lahat na kayo'y pagharian ng Diyos, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.”


Juan
Chapter 14:1-14
Si Jesus ang Daan

1“Huwag na kayong mabalisa; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. 2Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? 3At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon. 4At alam na ninyo ang daan papunta sa pupuntahan ko.”

5Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?”

6Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7Kung ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.”

8Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.”

9Sumagot si Jesus, “Felipe, kaytagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? 10Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nasa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. 11Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko. 12Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. 13At anumang hilingin ninyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14Kung hihiling kayo ng anuman sa aking pangalan, ito ay aking gagawin.”



Mateo
Chapter 15:32-39
Ang Pagpapakain sa Apat na Libo
(Mc. 8:1-10)

32Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Nahahabag ako sa mga taong ito. Tatlong araw na ngayong kasama natin sila at wala na silang pagkain. Ayokong paalisin sila nang gutom, baka sila mahilo sa daan.”

33Sinabi naman ng mga alagad, “Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain para sa ganito karaming tao sa ilang na ito?”

34“Ilan pang tinapay ang nariyan?” tanong ni Jesus sa kanila.

“Pito po, at mayroon pang ilang maliliit na isda,” sagot nila.

35Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao. 36Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat siya sa Diyos. Pagkatapos, pinaghati-hati niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. 37Nakakain at nabusog ang lahat, at nang ipunin ng mga alagad ang tinapay na lumabis, nakapuno pa sila ng pitong kaing. 38May apat na libong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata.

39Nang napauwi na ni Jesus ang mga tao, sumakay siya sa bangka at nagtungo sa lupain ng Magadan.




Santiago
Chapter 5:7-20
Pagtitiyaga at Pananalangin

7Mga kapatid, kaya nga't magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang kapana-panabik na ani ng kanyang bukirin, at minamatyagan ang pagpatak ng ulan. 8Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

9Mga kapatid, huwag na kayong magsisihan sa isa't isa upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. 10Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. 11Sinasabi nating mapalad ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Talagang napakabuti at tunay na mahabagin ang Panginoon.

12Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag na kayong manunumpa. Huwag ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit,” o “Saksi ko ang lupa,” o “Saksi ko ang ano pa man.” Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.

13Nahihirapan ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos. 14Kung kayo ay may sakit, ipatawag ninyo ang mga pinuno ng iglesya upang ipanalangin kayo at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon at patatawarin ang kanyang mga kasalanan. 16Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. 17Si Elias ay isang tao na tulad din natin; nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. 18At nang siya'y nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga halaman.

19Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, 20ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan tungo sa wastong pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nakakapawi ng maraming kasalanan.




THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS


Awit
Chapter 52:1-9
Ang Hatol at Habag ng Diyos


1O taong malakas, bakit ka nagyabang

sa gawa mong mali?

Pag-ibig ng Diyos ang mamamalagi.

2Balak mo'y wasakin

ang iba, ng iyong matalim na dila

ng pagsisinungaling.

3Higit na matindi

ang iyong pag-ibig sa gawang masama,

higit na nais mo'y

kasinungalingan kaysa gawang tama. (Selah)

4Taong sinungaling

ang iba'y gusto mong saktan sa salita.

5Kaya't wawasaki't

aal'sin ka ng Diyos sa loob ng tolda,

sa mundo ng buháy aalisin ka niya. (Selah)

6Ito'y makikita

ng mga matuwid, matatakot sila,

at ang sasabihing pawang nagtatawa:

7“Masdan mo ang taong

sa Diyos di sumampalataya,

sa taglay niyang yaman nanangan

at nagpakalakas sa kanyang kasamaan.”

8Kahoy na olibo

sa tabi ng templo, ang aking katulad;

nagtiwala ako

sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas.

9Di ako titigil

ng pasasalamat sa iyong ginawa,

ang kabutihan mo'y

ipahahayag ko, kasama ng madla.






FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

No comments:

Post a Comment


 

SOCIAL NETWORK

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail