Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Saturday, 9 February 2019

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates FEBRUARY 10, 2019


THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS

THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates FEBRUARY 10, 2019

 
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------


Katuruan Tungkol sa Pananalangin Mateo Chapter 6:5-14

Maraming Pinagaling si Jesus Mateo Chapter 8:14-17
Maraming Pinagaling si Jesus Mateo Chapter 15:29-31
Pananampalataya sa Diyos Lucas Chapter 17:5-6
Mga Pananagutan sa Kapwa Mananampalataya 1Tmoteo Chapter 5:1-25
Pagtitiyaga at Pananalangin Santiago Chapter 5:7-20




TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"GOD'S MIRACLE IN SICKNESS
AND DANGERS"
HIMALA NG DIYOS SA MGA MAY SAKIT AT NASA PANGANIB


"At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok kundi iadya mo kami sa Masama! Mateo 6:13"

"Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro at doo'y nakita niya ang biyanan nito, nakahiga at inaapoy ng lagnat.  Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae.  Inibsan ito ng lagnat, bumangon at naglingkod sa kanya." Mateo 8:14-15

""Nagdatingan ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, bulag, pingkaw, pipi, at marami pang iba.  Inilagay nila ang mga maysakit sa harapan ni Jesus at kanyang pinagaling sila.  Mateo 15:30

"At tumugon ag Panginoon, " Kung maging singlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, 'Mabunot ka, at matanim sa dagat!' at tatalima ito sa inyo." Lucas 17:6

"Huwag tubig lamang ang inumin mo:uminom ka rin ng kaunting alak.  Ito;y makakatulong sa inyong panunaw at sa iyong kalusugan sapagkat lagi kang sinisikmura." 1Timoteo 5:23

"Mayroon bang maysakit sa inyo? Ipatawag ang matatanda ng iglesia, upang ipanalangin siya at pahiran ng langis, sa ngalan ng Panginoon.  At pagalingin ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya. Ibabangon siya ng Panginoon at patatawawin kung siya'y nagkasala." Santiago 5:14-15




Mateo
Chapter 6:5-14
Katuruan Tungkol sa Pananalangin
(Lu. 11:2-4)

5“Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.

7“Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. 8Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya. 9Ganito kayo mananalangin,

‘Ama naming nasa langit,

sambahin nawa ang iyong pangalan.

10Nawa'y maghari ka sa amin.

Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.

11Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw;

12at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.

13At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!’

14“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang iba, hindi rin naman patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”



Mateo
Chapter 8:14-17
Maraming Pinagaling si Jesus
(Mc. 1:29-34; Lu. 4:38-41)

14Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro at nakita niya roon ang biyenan nito na nakaratay at nilalagnat. 15Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at ito'y gumaling agad, bumangon at nagsimulang maglingkod sa kanya.

16Nang gabing iyon, dinala kay Jesus ang maraming sinasapian ng mga demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. 17Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias,

“Inalis niya ang ating mga kahinaan,

pinagaling ang ating mga karamdaman.”



Mateo
Chapter 15:29-31
Maraming Pinagaling si Jesus

29Pag-alis doon, nagbalik si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Umakyat siya sa bundok at naupo upang magturo. 30Nagdatingan naman ang napakaraming taong may dalang mga pilay, bulag, lumpo, pipi, at marami pang ibang maysakit. Dinala nila ang mga ito sa paanan ni Jesus at sila'y pinagaling niya. 31Kaya't namangha ang mga tao nang makita nilang nakapagsasalita na ang mga pipi, gumaling ang mga lumpo, nakakalakad na ang mga pilay, at nakakakita na ang mga bulag. Kaya't pinuri nila ang Diyos ng Israel.



Lucas
Chapter 17:5-6
Pananampalataya sa Diyos

5Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananampalataya!”

6Tumugon ang Panginoon, “Kung ang inyong pananampalataya ay maging sinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito ng sikamoro, ‘Mabunot ka at matanim sa dagat!’ at susundin kayo nito.”



1Tmoteo
Chapter 5:1-25
Mga Pananagutan sa Kapwa Mananampalataya

1Huwag mong pagsasalitaan nang marahas ang lalaking nakatatanda sa iyo, kundi paalalahanan mo siya na parang sarili mong ama. Pakitunguhan mo namang parang kapatid ang mga nakababatang lalaki. 2Ituring mong parang sariling ina ang matatandang babae, at pakitunguhan mo nang buong kalinisan ang mga kabataang babae na parang iyong mga kapatid.

3Tulungan mo ang mga biyudang walang ikabubuhay. 4Subalit kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila ang unang dapat kumalinga sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob, sapagkat ito ay nakalulugod sa Diyos. 5Ang tunay na biyuda ay iyong nag-iisa na sa buhay, at tanging sa Diyos lamang umaasa, kaya't patuloy siyang nananalangin sa araw at gabi. 6Samantala, ang biyudang nabubuhay sa kalayawan ay maituturing nang patay. 7Ipatupad mo sa kanila ang utos na ito upang walang maisumbat sa kanila ang sinuman. 8Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumatalikod sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang di mananampalataya.

9Ang biyudang dapat isama sa listahan ng tutulungan ay iyong di bababâ sa animnapung taóng gulang, minsan lamang nag-asawa, 10kilala sa paggawa ng kabutihan, nagpalaki nang maayos sa kanyang mga anak, magiliw tumanggap sa nakikituloy sa kanyang tahanan, naglingkod nang may kababaang-loob sa mga kapatid sa Panginoon, tumulong sa mga nangangailangan at inialay ang sarili sa paggawa ng mabuti.

11Huwag mong isasama sa listahan ng mga biyuda ang mga bata pa, sapagkat kapag nag-alab ang kanilang pagnanasa, mapapalayo sila kay Cristo, at mag-aasawang muli. 12Sa gayon, nagkakasala sila dahil sa hindi pagtupad sa una nilang pangako kay Cristo. 13Sila'y nagiging tamad at nag-aaksaya ng panahon sa pangangapitbahay; at sila'y nagiging tsismosa, mahilig makialam sa buhay ng may buhay at madadaldal. 14Kaya't para sa akin, mabuti pang sila'y mag-asawang muli, magkaanak at mag-asikaso ng tahanan, upang ang ating kaaway ay hindi magkaroon ng pagkakataong mapintasan tayo, 15sapagkat may ilan nang biyudang nailigaw ni Satanas.

16Kailangang alagaan ng babaing mananampalataya ang mga kamag-anak nilang biyuda upang hindi sila maging pabigat sa iglesya. Sa gayon, ang aalagaan ng iglesya ay iyon lamang mga biyudang walang ibang inaasahan.

17Ang mga pinunong mahusay mamahala ay karapat-dapat tumanggap ng paggalang at kabayaran, lalo na ang mga masigasig sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Diyos. 18Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang bibig ng baka habang ito'y gumigiik.” Nasusulat din, “Ang manggagawa ay karapat-dapat bayaran.”

19Huwag mong tatanggapin ang anumang paratang laban sa isang pinuno ng iglesya kung walang patotoo ng dalawa o tatlong saksi.

20Pagsabihan mo sa harap ng lahat ang sinumang ayaw tumigil sa paggawa ng masama para matakot ang iba.

21Sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus at ng kanyang banal na mga anghel, iniuutos kong sundin mo ang mga bagay na ito nang walang kinikilingan o itinatangi. 22Huwag mong ipapatong agad ang iyong kamay sa sinuman upang bigyan ito ng kapangyarihang mamahala. Ingatan mong huwag kang masangkot sa kasalanan ng iba; manatili kang walang dungis.

23Huwag puro tubig lang ang iyong iinumin; uminom ka rin ng kaunting alak na gamot sa madalas na pagsakit ng iyong sikmura.


24May mga taong lantad na ang kasalanan bago pa humarap sa hukuman. At mayroon din namang ang kasalanan ay huli na kung mahayag. 25Gayundin naman, may mabubuting gawa na madaling mapansin; ngunit kung hindi man mapansin agad, ito'y hindi maililihim habang panahon.



Santiago
Chapter 5:7-20
Pagtitiyaga at Pananalangin

7Mga kapatid, kaya nga't magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang kapana-panabik na ani ng kanyang bukirin, at minamatyagan ang pagpatak ng ulan. 8Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

9Mga kapatid, huwag na kayong magsisihan sa isa't isa upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. 10Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. 11Sinasabi nating mapalad ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Talagang napakabuti at tunay na mahabagin ang Panginoon.

12Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag na kayong manunumpa. Huwag ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit,” o “Saksi ko ang lupa,” o “Saksi ko ang ano pa man.” Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.

13Nahihirapan ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos. 14Kung kayo ay may sakit, ipatawag ninyo ang mga pinuno ng iglesya upang ipanalangin kayo at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon at patatawarin ang kanyang mga kasalanan. 16Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. 17Si Elias ay isang tao na tulad din natin; nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. 18At nang siya'y nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga halaman.

19Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, 20ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan tungo sa wastong pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nakakapawi ng maraming kasalanan.



THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS



Sirach
Chapter 38:1-18
Tungkol sa mga Gamot

1 Igalang mo ang manggagamot nang marapat sa kanyang katungkulan,
sapagkat ang Panginoon din ang nagtakda ng tungkuling iyan.
2 Ang karunungan ng manggagamot ay mula sa Kataas-taasang Diyos,
at ginagantimpalaan siya pati ng mga hari.
3 Dahil sa kanyang karunungan marangal siyang nakakaharap kaninuman,
at iginagalang siya pati ng mga maykapangyarihan.
4 Ang Panginoon ang nagpatubo ng mga halamang naigagamot,
kaya't ang mga ito'y di kinaliligtaang gamitin ng matalinong tao.
5 Hindi ba't minsan ang tubig na mapait ay naging tubig na inumin
sa pamamagitan ng isang pirasong kahoy upang makilala ang kapangyarihan ng Panginoon?
6 May mga taong pinagkalooban ng tanging karunungan,
upang magamit nila ang mga kahanga-hangang bagay na nilikha ng Diyos.
Sa gayo'y papupurihan siya ng lahat ng tao.
7-8 Sa mga bagay na iyan kinukuha ng parmaseutiko ang mga gamot,
na ginagamit ng manggagamot sa pagpapagaling ng sakit at pagpapanauli ng kalusugan.
Anupa't hindi natitigil ang paggawa ng Panginoon,
na siyang nangangalaga sa kalusugan ng tao sa buong daigdig.
9 Anak, kapag nagkasakit ka, huwag mo itong ikabalisa,
dumalangin ka sa Panginoon at pagagalingin ka niya.
10 Pagsisihan mo ang iyong mga kamalian at magbagong-buhay ka;
linisin mo ang iyong puso sa lahat ng bahid ng kasalanan.
11 Mag-alay ka ng insenso at ng handog na pagkain,
at buhusan mo ng langis ang iyong handog sa abot ng iyong makakaya.
12 Pagkatapos, magpatawag ka ng manggagamot—ang Panginoon din ang maylikha sa tungkuling iyan—
at huwag mo siyang paaalisin, pagkat kailangan mo siya.
13 May mga pagkakataong sa kamay niya masasalalay ang buhay mo.
14 Dadalangin din siya sa Panginoon na siya'y patnubayan upang mapawi ang sakit,
mapagaling ang iyong karamdaman at mailigtas ang iyong buhay.
15 Magkakasala laban sa Panginoon ang isang tao,
kung hindi siya susunod sa kanyang manggagamot.






FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

No comments:

Post a Comment


 

SOCIAL NETWORK

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail