Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Saturday, 10 November 2018

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates NOVEMBER 11, 2018


THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates NOVEMBER 11, 2018

——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------

Ipanalangin Ninyo Kami 2Tesalonica Chapter 3:1-5
Ang Mabuting Kawal ni Cristo Jesus 2Timoteo Chapter 2:1-13
Mga Sandatang Kaloob ng Diyos Efeso Chapter 6:10-20
Mga Pagpapala Mula kay Cristo 1Corinto Chapter 1:4-9
Ang Awit ng Pagpupuri ni Maria Lucas Chapter 1:46-56



TEACHING OF GOSPEL
 TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MAPALAD ANG INUUSIG NA SUMUSUNOD SA KANYANG KALOOBAN SAPAGKAT ANG KALAKASAN AT KAPANGYARIHAN
NG DIYOS AY NASA KANYA"
KEEP FAITH

"Tapat ang panginoon.  Bibigyan niya kayo ng lakas at ililigtas sa Diyablo.  Akayin nawa kayo ng Panginoon tungo sa pag-ibig saa Diyos at sa pananatil kay Cristo."  2Tesalonica 3:3

"Magpakasakit ka, tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus." 2Timoteo 2:3

"Kaya't maging handa kayo: gawin ninyong bigkis ang katotohanan, itakip sa dibdib ang baluti ng pagkamatuwid.  Taglayin ninyong lagi ang kalasag ng pananalig kay Cristo, bilang pananggat pamatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng masama."
Efeso 6:14,16

""Kayo'y aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo." 1Corinto 1:7-8

"Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, Pinangalat niya ang palalo ang isipan.  Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, At itinaas ang mga nasa abang kalagayan."  Lucas 1:51-52

"Loobin nawa ng Diyos ang nagpapatatag at nagpapalakas ng loob na mamuhay kayong may pagkakaisa kay Cristo Jesus." Romans 15:5

"Kapag dinala kayo sa sinagoga, o sa harapan ng mga tagapamahala at ng mga maykapangyarihan upang litisin, huwag ninyong isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin.  Sapagka't ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin."  Lucas 12:11-12



2Tesalonica
Chapter 3:1-5
Ipanalangin Ninyo Kami

1Mga kapatid, bilang pagtatapos, ipanalangin ninyo kami upang ang salita ng Panginoon ay mabilis na lumaganap at pahalagahan ng lahat, tulad ng ginagawa ninyo. 2Idalangin din ninyong maligtas kami sa mga taong masasama at walang kinikilalang Diyos, sapagkat hindi lahat ay may pananampalataya sa Diyos.

3Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama. 4Dahil sa Panginoon, malaki ang aming pagtitiwala na sinusunod ninyo at patuloy na susundin ang mga itinuro namin sa inyo.

5Patnubayan nawa kayo ng Panginoon upang lalo ninyong maunawaan na kayo ay mahal ng Diyos at si Cristo ang nagpapatatag sa inyo.


2Timoteo
Chapter 2:1-13
Ang Mabuting Kawal ni Cristo Jesus


1Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ni Cristo Jesus. 2Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ituro mo rin sa mga taong mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo naman sa iba.

3Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus. 4Ang isang kawal ay hindi nagiging abala sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal; sa halip, sinisikap niyang mabigyan ng kasiyahan ang kanyang pinuno. 5Ang isang manlalaro ay hindi maaaring manalo kung hindi sumusunod sa mga alituntunin ng laro. 6Ang magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat munang makinabang sa bunga ng kanyang pinaghirapan. 7Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.

8Alalahanin mo si Jesu-Cristo, ang muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang Magandang Balitang ipinapangaral ko, 9at siya ring dahilan ng aking pagdurusa at pagkabilanggo na parang isang kriminal. Subalit hindi kailanman maibibilanggo ang salita ng Diyos. 10Pinapagtiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magkaroon sila ng kaligtasan at walang hanggang buhay na mula kay Cristo Jesus. 11Totoo ang kasabihang ito:

“Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo,

mabubuhay din tayong kasama niya.

12Kung tayo'y nagtitiis ng hirap sa mundong ito,

maghahari din tayong kapiling niya.

Kapag siya'y ating ikinahiya,

ikakahiya rin niya tayo.

13Kung tayo man ay hindi tapat,

siya'y nananatiling tapat pa rin

sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”

Efeso
Chapter 6:10-20
Mga Sandatang Kaloob ng Diyos

10Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. 11Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. 12Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito—ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. 13Kaya't isuot ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makalalaban kayo kapag dumating ang masamang araw na sumalakay ang kaaway, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo.

14Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; 15isuot ninyo ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. 16Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. 17Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos. 18Ang lahat ng ito'y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. 19Ipanalangin din ninyong ako'y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito. 20Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at ngayo'y nakabilanggo. Kaya't ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat.


1Corinto
Chapter 1:4-9
Mga Pagpapala Mula kay Cristo

4Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 5Dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo, kayo ay naging masagana sa lahat ng bagay, maging sa pananalita at sa kaalaman. 6Ang katotohanan tungkol kay Cristo ay pinagtibay sa inyo 7kaya't hindi kayo nagkukulang sa anumang pagpapala, habang hinihintay ninyong bumalik ang ating Panginoong Jesu-Cristo. 8Kayo'y gagawin niyang matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo.9Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.




Lucas
Chapter 1:46-56
Ang Awit ng Pagpupuri ni Maria


46At sinabi ni Maria,

“Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon,

47at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,

48sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!

Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad;

49dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.

Siya'y banal!

50Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao

at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.

51Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,

nilito niya ang mga may palalong isip.

52Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,

at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.

53Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,

at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman.

54Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,

at naalala ito upang kanyang kahabagan.

55Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,

kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”

56Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan bago siya umuwi.


Roma
Chapter 15:1-6
Bigyang-kasiyahan ang Kapwa, Huwag ang Sarili

1Tayong malalakas sa pananampalataya, tulungan natin ang mga mahihina sa pananampalataya. Huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating iisipin. 2Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa ikalalakas ng kanyang pananampalataya. 3Sapagkat maging si Cristo man ay hindi naghangad ng sariling kasiyahan subalit nagpaubaya; tulad ng nasusulat, “Ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan.” 4Anumang naisulat noon ay isinulat para sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakasan ng loob mula sa kasulatan, magkaroon tayo ng pag-asa. 5Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa kay Cristo Jesus, 6upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.



Lucas
Chapter 12:8-12
Pagkilala kay Cristo
(Mt. 10:32-33; 12:32; 10:19-20)

8“Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos. 9Ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila ko rin naman sa harap ng mga anghel ng Diyos.

10“Ang sinumang magsasalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.

11“Kapag kayo'y dinala nila sa sinagoga, o sa harap ng mga tagapamahala at ng mga may kapangyarihan upang litisin, huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili o kung ano ang inyong sasabihin 12sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”





THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS

Mga Awit
Chapter 54:1-7
Panalangin Upang Saklolohan


1Makapangyarihang Diyos, ako'y iligtas,

ipagsanggalang mo ng iyong lakas.

2Dinggin mo, O Diyos, aking panalangin,

iyo ngang pakinggan, aking mga daing.

3Ang nagmamataas ay laban sa akin,

hangad ng malupit ang ako'y patayin,

kanilang nilimot na ang Diyos ay sundin. (Selah)

4Batid kong ang Diyos ang siyang tutulong,

tagapagsanggalang ko, aking Panginoon.

5Ang hinahangad ko ay maparusahan sa gawang masama ang mga kaaway;

ang Diyos na matapat, sila'y wawakasan.

6Buong galak naman akong maghahandog

ng pasasalamat kay Yahweh,

dahilan sa kanyang kagandahang-loob.

7Iniligtas ako sa kabagabagan, iniligtas niya sa mga kaaway,

at aking nakitang sila ay talunan!




FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

No comments:

Post a Comment


 

SOCIAL NETWORK

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail