Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Saturday, 21 July 2018


THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JULY 22, 2018
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------

Ang Paghatol sa Kapwa Mateo Chapter 6:37-41
Ang Kayamanang Hindi Mawawala Mateo Chapter 12:32-34
Ang Unang Himala ni Jesus Juan Chapter 2:2-5
Ang Mahimalang Pagpapakain sa Limanlibo Mateo Chapter 14:13-21
Ang Mapalad at ang Kahabag-habag Lucas Chapter 6:20-26
Tulong sa mga Kapatid na Nangangailangan 2Corinto Chapter 9:1-15

Ang Mahirap at ang Mayaman Santiago Chapter 1:9-11
Ang Pagtutulungan ng mga Mananampalataya Mga Gawa Chapter 4:32-37




TEACHING OF GOSPEL
 TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"BLESSINGS OF GOD AND JESUS CHRIST
WITH MOTHER MARY"

"Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.  Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring takalang gagamitin ng Diyos sa inyo." Lucas 6:38

"Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroon din naman ang inyong puso." Lucas 12:34

"Kinapos ng alak kaya't sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, "Naubusan sila ng alak." Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, "Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo."Juan 2:2-5

"Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos.  Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao.  Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila'y nakapuno ng labindalawang bakol ng pira pirasong tinapas.  May 5,000 lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata." Mateo 14:19-21

"Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y bubusugin!" Lucas 6:21

"Kaya ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.  Gaya nga ng sinabi ng kasulatan: "Siyay namudmod sa mga dukha; Ang kabutihan ay walang hanggan." 2Corinto 9:8-9

Ikarangal ng dukhang kapatid ang pagkakataas sa kanya ng Diyos, at ng mayamang kapatid ang pagkakababa sa kanya, sapagkat ang kayamanan ay lilipas, gaya ng bulalak at damo." Santiago 1:9

"Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbili nila ang kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan ay ibinigay sa mga apostol.  Ipinamahagi naman ito ayons pangangailanan ng bawa't isa." Gawa 4:34-35




Mateo
Chapter 6:37-41
Ang Paghatol sa Kapwa


37“Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo paparusahan ng Diyos. Patawarin ninyo ang inyong kapwa at kayo'y patatawarin din ng Diyos. 38Magbigay kayo at kayo'y bibigyan ng Diyos; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.”

39Tinanong sila ni Jesus nang patalinhaga, “Maaari kayang mag-akay ang isang bulag ng kapwa niya bulag? Pareho silang mahuhulog sa hukay kapag ginawa nila ang ganoon! 40Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro, ngunit matapos maturuang lubos, ang alagad ay makakatulad ng kanyang guro.

41“Bakit mo pinapansin ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang troso sa iyong mata? 42Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi mo nakikita ang trosong nasa iyong mata? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang makakita kang mabuti; sa gayon, maaalis mo na ang puwing ng iyong kapatid.”


Mateo
Chapter 12:32-34
Ang Kayamanang Hindi Mawawala


32“Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. 33Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan! Gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nawawala. Doo'y walang magnanakaw na pumapasok at insektong sumisira. 34Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.”



Juan
Chapter 2:2-5
Ang Unang Himala ni Jesus


1Pagkalipas ng dalawang araw, may kasalan sa Cana sa Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. 2Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. 3Kinapos ng handang alak, kaya't sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Anak, naubusan sila ng alak.”

4Sinabi ni Jesus, “Huwag po ninyo akong pangunahan, Ginang. Hindi pa po ito ang tamang panahon.”

5Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”


6May anim na banga doon, ang bawat isa'y naglalaman ng pitumpu't lima hanggang 115 litro. Ang mga ito ay nakalaan para sa paghuhugas ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio. 7Sinabi ni Jesus sa mga tumutulong doon, “Punuin ninyo ng tubig ang mga banga.”

At pinuno nga nila ang mga banga. 8Pagkatapos, sinabi niya, “Kumuha kayo ng kaunti at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.”

Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan, at 9tinikman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, subalit alam ng mga sumalok ng tubig. Kaya't tinawag niya ang lalaking ikinasal 10at sinabi, “Ang masarap na alak ay unang inihahain; kapag marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit sa huli ninyo inilabas ang masarap na alak!”

11Ang nangyaring ito sa Cana sa Galilea ang unang himalang ginawa ni Jesus. Sa pamamagitan nito'y inihayag niya ang kanyang kapangyarihan at nanalig sa kanya ang mga alagad.

12Pagkatapos nito, pumunta si Jesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga alagad. Sila'y nanatili roon nang ilang araw.


Mateo
Chapter 14:13-21
Ang Mahimalang Pagpapakain sa Limanlibo
(Mc. 6:30-44; Lu. 9:10-17; Jn. 6:1-14)

13Nang marinig ni Jesus ang pagkamatay ni Juan, sumakay siya sa isang bangka at pumunta sa isang lugar na walang tao. Ngunit nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila'y naglakad papalabas sa kani-kanilang bayan at sinundan si Jesus. 14Pagdating ni Jesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong iyon. Nahabag siya sa kanila kaya't pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.

15Nang dapit-hapon na'y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, “Malapit na pong lumubog ang araw at ilang ang lugar na ito. Papuntahin na po ninyo sa mga kalapit na nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.”

16“Hindi na sila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila,” sabi ni Jesus.

17Sumagot sila, “Wala po tayong pagkain kundi limang tinapay lamang at dalawang isda.”

18“Dalhin ninyo rito,” sabi niya. 19Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao. Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamahagi iyon sa mga tao. 20Nakakain at nabusog ang lahat. Nang ipunin ng mga alagad ang natirang pagkain, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing ng tinapay. 21May limanlibong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata.




Lucas
Chapter 6:20-26
Ang Mapalad at ang Kahabag-habag
(Mt. 5:1-12)


20Tumingin si Jesus sa mga alagad, at sinabi,

“Mapalad kayong mga mahihirap,

sapagkat kayo'y paghaharian ng Diyos!

21“Mapalad kayong mga nagugutom ngayon,

sapagkat kayo'y bubusugin ng Diyos!


“Mapalad kayong mga tumatangis ngayon,

sapagkat kayo'y bibigyang kagalakan!

22“Mapalad kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay kinapopootan kayo, ipinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinagbibintangang kayo ay masama. 23Magalak kayo at tumalon sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.

24“Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman ngayon,

sapagkat natamasa na ninyo ang kaginhawahan.

25“Kahabag-habag kayong mga busog ngayon,

sapagkat kayo'y magugutom!

“Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon,

sapagkat kayo'y magdadalamhati at magsisitangis!

26“Kahabag-habag kayo, kung kayo'y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga huwad na propeta.”




2Corinto
Chapter 9:1-15
Tulong sa mga Kapatid na Nangangailangan


1Hindi na kailangang sumulat pa ako sa inyo tungkol sa pagtulong sa mga kapatid sa iglesya sa Judea. 2Alam kong handa na kayong tumulong, kaya't ipinagmamalaki ko kayo sa mga taga-Macedonia. Ang sabi ko'y handa na kayong mga taga-Acaya noon pang nakaraang taon, at dahil dito'y lalo silang sumigla sa pagtulong. 3Kaya't pinauna ko riyan ang mga kapatid na ito upang hindi kami mapahiya sa aming pagmamalaki tungkol sa inyo, at nang maihanda na ninyo ang inyong tulong, gaya ng sinabi ko. 4Baka kami mapahiya, huwag nang sabihing pati kayo, kung may mga taga-Macedonia na sumama sa akin at makita nilang hindi pala kayo handa. 5Kaya't pinakiusapan ko ang mga kapatid na mauna riyan, upang maihanda ang tulong na ipinangako ninyo. Sa gayon, makikita na talagang kusang-loob ang pagbibigay ninyo at hindi sapilitan.

6Tandaan ninyo ito: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim naman ng marami ay aani ng marami. 7Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan. 8Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9Tulad ng nasusulat,

“Siya'y nagbibigay nang libre sa mga dukha;

ang kanyang katuwiran ay walang hanggan.”


10Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila. 12Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos. 13Ang bukás-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14Kaya't buong pagmamahal nila kayong ipapanalangin, dahil sa dakilang kaloob ng Diyos sa inyo. 15Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!



Santiago
Chapter 1:9-11
Ang Mahirap at ang Mayaman

9Dapat magalak ang mahirap na kapatid kapag siya'y itinataas ng Diyos, 10at gayundin naman ang mayamang kapatid kapag siya'y ibinababâ, sapagkat ang mayaman ay lilipas na gaya ng bulaklak ng damo.
11Ang damo ay nalalanta sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang kanyang mga bulaklak at kumukupas ang kanyang kagandahan. Gayundin naman, ang mayaman ay mamamatay sa gitna ng kanyang mga kaabalahan.




Mga Gawa
Chapter 4:32-37
Ang Pagtutulungan ng mga Mananampalataya

32Nagkakaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuturing ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. 33Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. 34Walang kinakapos sa kanila sapagkat ipinagbibili nila ang kani-kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan 35ay dinadala nila sa mga apostol. Ipinamamahagi naman iyon ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

 
36Ganoon ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Cyprus, na tinawag ng mga apostol na Bernabe, na ang ibig sabihi'y “Anak na Matulungin.” 37Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan.



THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS

Awit
Chapter 113:1-9
Awit ng Pagpupuri kay Yahweh
Pagkalinga sa Mahihirap


1Purihin si Yahweh!

Dapat na magpuri ang mga alipin,

ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin.

2Ang kanyang pangalan ay papupurihan,

magmula ngayo't magpakailanman,

3buhat sa silangan, hanggang sa kanluran,

ang ngalan ni Yahweh, dapat papurihan.

4Siya'y naghahari sa lahat ng bansa,

lampas pa sa langit ang pagkadakila.

5Sino bang katulad ng Diyos na si Yahweh,

na sa kalangitan doon nakaluklok?

6Buhat sa itaas siya'y tumutunghay,

ang lupa at langit kanyang minamasdan.

7Mula kapanglawa'y itong mahihirap,

kanyang itinataas, kanyang nililingap.

8Sa mga prinsipe ay isinasama,

sa mga prinsipe nitong bayan niya.

9Ang babaing baog pinagpapala niya,

binibigyang anak para lumigaya.

Purihin si Yahweh!





FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

No comments:

Post a Comment


 

SOCIAL NETWORK

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail